/^*(Kabanata IX - The Foreign Atom )*^\

11 1 0
                                    

/^*(Kabanata IX - The Foreign Atom )*^\

Narrators POV

--

Napatingin ang lahat kay Chaise ng magsalita na ito. Balak na nitong isiwalat ang kaniyang kwento at mga nalalaman tungkol sa Drolls.

"Buong buhay ko ay inilaaan ko sa Droll Army kung saan simula 7 years old ay nagsimula na ako sa training. Wala kaming mga magulang. Kami ay prinoproduce lamang ng aming Ina. Si "Drolla". Oras oras ay may ipinapanganak itong sanggol. Maaring babae maaring lalaki. Mabagal ang growth ng aming population at ngayon ay nasa planeta namin siya. Ang mga sanggol na ito ay inaalagaan ng mga babae. Iyon ang kanilang role sa aming planeta. Ang mga lalaki naman ay isinasabak sa gyera. Pagsapit ng sangol sa pitong taon ay ipinapadala na ito sa Training center upang magtraining. At kapag nag 18 naman na ito ay ipinapadala na sila dito sa earth upang isabak sa nalalapit na giyera-ang huling gyera ng mundong ito. Buong buhay ko pinaghahandaan ko ang giyera na hindi ko alam kung para saan. Ang tanging alam ko lang ay inalisan kami ng karapatan para lamang sa mga makikinabang. "

"Pero teka. Pano ipinapadala ang mga sundalo niyo dito eh punung puno ng kung ano anong radar device ang mundong ito. Hindi man lang nadedetect??" Tanong ni Chance.

"Ang tektois ang responsable para sa mga iyan. Sa kanila nakasalalay ang kahihinatnan ng plano ng mga drolls. " Napatango na lamang si Chance. Ang sumunod na nagtanong ay Si Direktor L.

"Sino ba ang makikinabang na sinasabi mo?"

" Ang mga nakatataas. Ganid sila sa kapangyarihan at yaman. Ang mga yaman na tinutukoy ko ay ang mga bato. Sa ngayon ay Isang Libong taon ng Nabubuhay ang mga nakatataas. Posible ito dahil sa bato ng Eternity. Nakuha ito sa isang planeta. At noong nadiskubre nila kung ano ang gamit ng batong iyon. Pinaghati hatiaan nila ito. Itinanim nila ito sa kanilang katawan. At ang tanging paraan lamang upang sila ay mamatay ay kung maiaalis ang bato ng eternity sa kanilang katawan. " Tango na lang din ang naisagot ni direktor L. "Sige ituloy mo hijo" -D.L. (Direktor L. Abbreviation na lang po ilalagay ko ah? Hehe.)

" Nang makarating ako dito sa Earth at malaman ang kanilang mga plano ay agad akong tumiwalag"

"Paano Hijo" -D.L.

" Tapos na nuon ang orientation. Ako na lang ang natira sa room noon at nakita ko ang teleportation device sa gilid ng sliding door. Ang teleportation device na ito ay sya ring nagdala sa amin sa kwartong iyon mula sa space ship na sinakyan namin. Na agad namang bumalik sa planeta namin matapos kaming maihatid. Kung kayat walang kasiguraduhan kung saan ako pupulutin kung sakaling magteleport na ako. Pumasok ako sa loob at pinindot lahat ng pindutan. "Bahala na. Basta ang importabte makaalis ako dito" yan ang aking nasa isipan nuon. Hindi ko inalala kung saan ako dadalhin. Basta ang alam ko lang ay gusto kong makaalis sa lugar na iyon. Hanggang sa bigla na lang akong sumulpot sa gitna ng kalsada. Hindi ko alam ang gagawin nuon. Hindi ko pa alam ang mga sasakyan o anumang gamit ng tao. Ang alam ko lang ay gusto ko mabuhay ng naaayon sa kung anong kahihinatnan ko, mamuhay ng malaya. Hindi sa pamamaraang gusto ng mga ganid na nakatataas. Dinala ako ng teleportation device na iyon dito sa Siyudad ng Dinag kung saan ako nagsimulang mamuhay na parang tao."

Nagtinginan naman ang tatlo sa mga nalaman. Ngunit agad namang pumasok sa isipan ni Zee ang Preventor. Paanong nabuhay pa si chaise ng mai teleport ito sa gita ng kalsada ng wala siyang preventor??

"Teka. May preventor ka ba nang mai teleport ka?? " -Zee

"Wala. Bakit?" -chaise

"Pero pano??? " -Zee

"Ah iyun ba? Kasama iyan sa na iorient sa amin. Narito kasi sa mundo niyo ang "Foreign Atom" Ang bato na pinagmulan ng lahat ng bato. Sa oras na magtagpo ang mga bato ay nagiging isa ito sa kadahilanang iyon ay kahit sino mang nilalang pwedeng tumira sa mundong ito"

"ANO???!!! . " sabay na sigaw ni DL at Zee. "So ang ibig sabihin balewala din pala yung mga preventor na ititunuturok namin" sabi ni zee. "Oo. Pasensya na at ngayon niyo lang nalaman. "

Ang mga preventor ay gawa ng 'scientio'. Isang lahi ng mga researchers, scientist at iba pa.

Ang *Foreign Atom* ay ang pinakaunang bato na namuhay sa kalawakan. Ito ay may sariling buhay. Kaya nitong mamuhay sa anumang planeta dahil lahat naman ng planeta ay ginawa niya. Sa pamamagitan ng paghahati hati sa kapangyarihan ng bato. Ang batong ito ay naipapasa pasa sa ibat ibang nilalang sa tuwing mamamatay ang nilalang na may hawak dito. At ngayon nga nasa earth ang nilalang na may hawak nito. Akala ng mga Drolls na napatay na nila ang Foreign Atom. Oo napatay nila ang nilalang ngunit hindi ang bato. Nadiskubre ng scientio na narito ang foreign atom noong una nilang punta dito. Ang Foreign Atom ang nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga planeta. Ngunit sa mga nagdaang mga taon ay nanahimik ito. Napabayaan niya ang kanyang responsibilidad. Sino kaya ang foreign atom? Magawa niya kayang ibalik ang mga nawala ngayong nabuhay muli siya?

Dumaan pa ang mga ilang usapan sa pagitan ni chaise at ng Tatlo. Hanggang sa mapunta ang usapan sa kung bakit sa dinami dami ng trabaho eh callboy ang napili niya.

"Pinakamadali iyon at pinaka mataas ang bayad. Sa pamamagitan nun ay matutustusan ko ang aking mga pangangailangan at responsibilidad "

*Lahat ng planeta ay magkakaparehas. Ang pinagkaiba lamang ay ang mga taong nakatira at sistema ng mga ito. Sa kaso ni chaise ay wala silang magulang. Ang nagluwal lang sa kanila ay si Drolla na ina ng lahat. Kaya kung anong kinakain ni Chance ay ganuon din kay Zee at Chaise. Maaring nagtataka kayo kung para saan pa ang mga private part nito. Ang sagot ay 'for pleasure' na lang*

"Responsibilidad para kanino naman?" Takang tanong ni chance.

"Sa mga bata sa ampunan. Bawat katapusan ay bumibisita ako sa kanila. Nagdadala ako ng mga groceries at mga laruan. Sa paraang iyon ay naiibsan ko ang aking konsensya. Hindi man sila malaya atleast napapasaya ko sila. Bagay na hindi ko man lang natikman nuong bata ako. Hinding hindi maaatim ng aking konsensya na makita silang nakakulong sa sitwasyon na wala silang magagawa kung hindi tanggapin na lang ang kanilang kapalaran."

"Ah ganun ba? Pero hindi ka ba natatakot na baka makakuha ka ng sakit dahil jan sa trabaho mo tulad ng HIV?" -Chance

"Hah? Haha. Tao ka talaga chance. Mag kaiba ang mga structure ng DNA natin. So it means, hndi ko maaaquire ang mga sakit ng mga tao. Kaya safe ako" atsaka nito kinindatan si chance. Bagay na kinainisan naman ni Zee.

Mukang magiging magkaribal sila Chaise at Zee ? Abangan!

-I t u t u l o y-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Foreign Atom [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon