Kabanata- i

152 16 5
                                    

i

Sira ulong babae na to. Kanina pa niya ako sinusundan. Sino ba yun? Kanina pa nagsasalita ng kung anu anong kawerduhan na salita. Baliw talaga siya. Nakakatamad talagang pumasok, uuwi na lang ako at matutulog. Ang sakit ng tama sa akin nung bayabas na yun.

“Wag mo nga akong sundan! Sino ka ba?” Tumalikod ako at humarap sakanya. “I am Angelica. And I’m your human angel!” tuwang tuwang sabi niya. Angelica? Wala akong natatandaan sa pangalang yun.

“Hindi kita kilala. Lubayan mo ako.” Nagsimula na ako ulit maglakad. Ipapatawag ko na nga lang yung driver ko na sunduin ako. Nakakatamad talaga ang maglakad.

“Bakit ka tumigil Juan?” Tanong niya. Sino ba talaga tong babaeng to at bakit niya ako kilala? Mukha siyang manika. Sobrang puti na para bang walang mga ugat at balahibo na makikita. Ang kinis. Tapos yung mga mata niya, mabilog na kulay black. Tapos yung hair niya, maikli at may bangs. Mukha talaga siyang manika.

“Hindi ako si Juan.” Pagtatangi ko. Masubukan nga. “Weh? Hindi daw. Hindi nagsisinungaling ang tagabantay ko. ” Ang gulo ng utak nito, hindi ko maintindihan kung ano pinagsasabi.

Dumating na yung sasakyan. “Juan, saan ka pupunta?” Ngumiti ako sakanya, “Malayo sa isang baliw.” Pumasok na ako sa sasakyan ko at umalis na kami. Tinignan ko siya sa likod ng sasakyan. Nakita ko siyang andun pa rin, hindi umaalis. Hindi niya ba alam na walang sasakyan ang dumadaan sa lugar na to? Mukha pa naman siyang hindi taga-rito.

“Sir Juan, sino po yung kasama niyo?” tanong sa akin nung driver ko. Hindi ako sumagot, tinatamad ako. “Sir ang ganda po niya. Girlfriend niyo?” Tumingin ako sa salamin na nasa harapan niya. At binigyan ng infamous death glare ko. “Sorry po.”

Tumingin ulit ako sa likod. Malayo na kami pero tanaw na tanaw ko pa rin siya. “Balik tayo doon.” Nasabi ko na lang bigla. Bakit ko babalikan yung babae na yun. Hindi ko naman siya kilala. Pero bakit iba ang pakiramdam ko sakanya. Haaaay, kulang lang siguro ako ng tulog. Katamad.

Pinagbuksan ko siya ng bintana. “Sakay na.” sabi ko. Ngumti siya sa akin. Kung alam niya lang kung gaano kaganda ang ngiti niya. Naku! Inaantok na talaga ako kung anu ano na naiisip ko. “Alam kung babalikan mo ako Juan. Salamat.” She smiled.

Sumakay na siya at naupo sa tabi ko, “Hoy babae, hindi porke pinasakay kita pwede ka ng tumabi sa akin. Doon ka nga. Hindi pa kita kilala.” Tinulak ko siya. Naramdaman ko yung balat niya. Bakit ang lamig?

“Ako nga si Angelica diba? Sinasabi ko na kanina. Kaya kilala mo na ako.” I crossed my arms. Nagsalita ako pero hindi nakatingin sakanya. “Baliw ka nga. Kahit sabihin mo ang pangalan mo hindi pa rin kita kilala. Basi sa  meron ang utak ko ngayon. Wala akong kilalang Angelica na katulad mo.” Napalingon ako nung tumawa siya, “Hahaha ayos lang yun Juan. Mahaba pa ang araw na palugit sa akin. Kaya mas makikilala mo na ako. At mas makikilala pa kita ng lubos.” Weird alert!

Tahimik kami buong biyahe, malayo layo kasi yung pinuntahan ko. Bundok na ata yung pinuntahan ko eh. “Babae na pangalan ay Angelica saan ang address mo?” Napansin kong nakatitig siya sa akin. Hindi pa rin kasi ako tumitingin sakanya. “Hindi ko alam.” Tumingin na ako sakanya dahil sa sagot niya. “Anong hindi mo alam? Saan ang bahay mo?” Tanong ko ulit. “Hindi ko nga alam. Kulit mo rin nuh.” Aba! Ngitian pa ako. Werdong babae na to. Napakamot na lang ako sa ulo ko, mas lalo yata akong nagiging bobo sa kakausap sa babaeng to. “Kung hindi mo alam kung saang lupalop ka nakatira. Saan ka bababa dito?”

She smile, “Syempre sa bahay mo!”

0_____0

  

“Baliw ka talaga nuh? Bakit ka naman uuwi sa bahay KO? Hindi nga kita kilala at kaanu ano tapos sa bahay KO gusto mong bumaba. Sabihin mo sa akin ang totoo , takas ka sa mental nuh?” Seryuso kong tanong. Natatakot ako baka idamay niya ako sa kabilawan niya. “HAHAHAHHAHA! SH*T! HAHAHAHAHA”

  

0_____0

Magmura ba naman? Lokong to. Bwisit! Pati ako napapamura sa kabaliwan niya. Isinandal ko na yung ulo ko sa side ng window. Maggagabi na pala at nagugutom na ako. Napansin niya siguro na hindi ko na siya pinapansin. Tumigil na siya sa kakatawa at nagumpisa na siyang mag-salita. “Juan, mag-sipag ka na oh.” “Juan, wag kang pasaway. Tutulungan kitang magbago. Gagawin ko ang lahat mabago lang kita.” Nasisiraan na talaga siya ng pag-iisip pati tuloy yung driver ko tumitingin sakanya. Magsalita ba naman ng mga werdo. “Tsaka alam mo Juan….ang gwapo mo pala!”

0_____0 Tangina! Feeling ko namumula na ako. Hindi ko yata kayang makasama tong babae na to. Ilang oras ko pa siyang nakasama ganito na agad ang nangyari. Napamula niya ako! Napamula niya ako sa simpleng pagkakasabi na Gwapo ako? Sh*t talaga! Matagal ko ng tanggap na gwapo ako pero parang first time ko lang nasabihan na gwapo ako. Bakit ganun? Ginagayuma yata niya ako. Jeez!

“Sir andito na tayo.” Huminto na yung sasakyan at lumabas na ako. Tuloy tuloy akong naglakad papasok ng bahay. “Gosh! Bahay mo to?! ” she looks so amaze sa pagkakakita niya sa bahay ko. “Oo bahay ko to. Kaya umalis ka na dito. Bumalik ka na kung saan ka nanggaling.”

Lumapit siya sa akin, “Wala talaga kong tirahan Juan. Wala akong pamilya. Wala akong kilala bukod sayo.” Yung mukha niya hindi parang nakakaawa. Sa totoo lang nakangiti pa rin siya. “Manloloko!” Nasigaw ko na lang sakanya. “Huh?”

Tumingin ako sa mata niya, “Bakit nakangiti ka pa sa lagay na yan? Bakit ganyan pa rin ang mukha mo sa kabila ng wala kang bahay, pamilya at kakilala. Bakit na kasmile ka pa?!”

Mas lalo siyang lumapit sa akin.

*dug dug dug*

  

Anak ng… Ano yung malakas na tunog na yun? Hindi maaaring puso ko yun?! Hindi pwede!

“Alam mo Juan, kahit anung mangyari kelangan kong ngumiti. Tanging ngiti lang ang nagpapalakas sa akin. Dahil once na nalungkot ako, babagsak na lang ako at manghihina.” Mukha siyang seryuso sa sinabi niya. Hindi yata siya baliw may sakit lang siguro. Haaay kahit anu talagang gawin ko hindi ko siya maintindihan.

Wala na akong nagawa at pinatuloy ko na siya sa bahay ko.

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon