Kabanata- ii

112 16 4
                                    

“Young monster, wake up! Breakfast is done!”

“Young monster, papasok pa kayo diba? Gising na.”

Ang ingay naman! Inaantok pa ako. Istorbo!

“Young Monster, hindi ka ba diyan gigising o Rarapen kita?”

0______0 Napatayo ako at napalaki ang mga mata ko sa narinig ko. “Ah-. Anong ginagawa mo ditong babae ka?! Bakit ka nasa kwarto ko?! Sinong may sabing pwede kang pumasok dito?! Lumayo ka sa aking Rapist ka! Shoo! Alis! Sinasabi ko na nga ba may balak ka sakin! Kapag hindi ka pa umalis tatawag ako ng pulis!!!” Hindi ko ininda yung laway ko at kung anu ano pang nakadikit sa mata ko. Letcheng babae na to! May pagnanasa sa akin.

“HAHAHAHHA! OA MO JUAN! HAHAHAHAHA! ”

“Naniwala ka talaga na rarapen kita? HAHAHAHA! Grabe talaga! Ang dami kong tawa! Hahahaha Nabilang mo?”

 “-_____-”

“Hahahaha! Go, and get up your ass! Before I loss control and I’ll rape you. :)”

Ganun na lang yun? ANak ng tumakbo ako sa banyo ko at naligo na. Siya lang ang nakapag-utos sa akin ng ganun.

Paglabas ko ng banyo, “What the fvck!” I shouted. Nagulat ako ng nasa harapan ko siya na nakangiti. Topless pa naman ako. “Woooo. May abs ka pala Juan? Pahawak nga.” Sabay lapit niya sa akin.

“Tumigil ka babae na pangalan ay Angelica! Huwag mo akong manyakin! Lumayo ka!” Tumakbo ako sa gilid niya at nagpunta sa sulok ng kwarto ko.

Para siyang tanga na kumikendeng kendeng pa palapit sa akin. “Juannnnnn.”

“Heh! Wag kang lalapit sa akin! Kung hindi Papatayin talaga kita!”

“Hahaha, patawa ka talaga! Hindi mo ako mapapatay. Hahahaha!”

“Tss! Bakit ka ba andito? Sinira mo umaga ko!”

“I am one of your maids from now on. Kabayaran yun sa pagpapatira mo sa akin dito sa mala mansion mong bahay. Kayo lang ba talaga ng mga katulong mo at guard ang andito? Ang laki naman para sa inyo to. Asan ang Mom--”

“SHUT THE FVCK UP!”

Napatigil siya sa pagsigaw ko. Badtrip na talaga ako. Ngayong araw lang ako nabadtrip ng ganito. Sobrang kamalasan ang dala ng babaeng to sa akin!

“Sorry Juan. Heto oh..” Kinuha niya yung tray sa table at lumapit para iabot sa akin. Kinuha ko naman at nung nakita ko na. “Sigurado kang pagkain ito? May balak ka bang patayin ako?” Yung soup akala mo tubig lang tapos yung pritong itlog may mga shell pa. Tapos yung vege anlalaki parang hindi hiniwa in short halatang masama ang lasa.

“Masarap kaya yan!” Proud na sabi niya. “Tinikman mo?” tanong ko. Umiling siya at ngumiti na naman. Napasabanot na lang ako sa buhok ko.

“Asan si Manang Marie? Uutusan ko siyang gawan ako ng almusal.” Nilapag ko na yung tray sa table at naglakad papuntang cabinet para kumuha ng t-shirt.

“Pinamasyal ko muna. Mukha kasi siyang haggard hindi nakakalanghap ng original air.”

“Original air?”

“Oo, yung hangin sa labas. Mukha kasing yung aircon lang ng house mo ang nasisinghot niya. Kawawa naman ang tanda niya na Juan. Nagtatrabaho pa rin siya.” Kinokensensya niya ba ako? Ginusto naman ni Manang Marie yun eh. Bata pa lang ako siya na ang nag-aalaga sa akin. Siya lang at ang ibang katulong. Nasaan ang mga magulang ko? Hindi ko alam! Iniwan na nila ako since Grade 5. Iniwan nila ako sa malaking bahay na to at araw araw na pinapadalhan. No communication between us. No talks, No visiting. Wala! Wlang kwentang mga magulang!

“Ah. Eh.. Gusto mo magluto ako ulit?” sabi niya. Nakapagbihis na ako at binaling ang tingin sakanya. “Bumaba ka na. At hintayin mo ako sa kusina. Kakain tayo at AKO ang magluluto!”

Tama ba tong gagawin ko? Ako ang magluluto sa sarili ko at sa babaeng to? Ang malas ko naman at ang swerte niya!

“He-he-he :)”

Natigil ako sa pag-aayos ng narinig ko siyang tumatawa. Tumingin ako sakanya, nanahimik siya at ngumiti na lang. “Anong ngiti ngiti mo diyan?!”

“Wala. Natutuwa lang ako dahil ikaw mismo ang magluluto. I thought you’re lazy.”

“Hell! Labas na!”

Tumingin ako ulit sa salamin. Nagulat ako ng makita ko ang sarili ko. I am smiling. Yes, I am. Hindi ko naintindihan ang sarili ko. Bakit ako nakangiti? Nakangiti rin ba ako sa harap niya? Nakita niya bang nakangiti ako? Oh Jeez! I can’t believe this!

Nagluto nga ako ng almusal namin. Ang takaw niya! Nakailang plato ba siya? Apat? Lima? Kung ganito ba ang lalamun sa pamamahay ko baka maghirap na ako. -____-

Umupo ako sa sala at nanuod ng TV. “Hindi ka ba papasok?”

“Paano mo alam na pumapasok ako?”

Umupo siya sa kabilang silya, “Ang totoo niyan, hindi halatang pumapasok ka. Naisip ko lang na nag-aaral ka pa kasi kulang ka sa utak. Ang hina gumana ng kokote mo. :)”

“Aba, nang-aasar ka? ”

“Hindi. Nagsasabi lang ng totoo.”

Hindi ko na siya pinansin. Hindi ako mananalo sakanya.

“Sige na, pumasok ka na. Alam mo bang gusto kong mag-aral? Gusto kong maging photographer. I love catching people , who’s smiling in the flash of my camera. ”

“Ikaw anung gusto mo?”

Gusto ko? Ano nga ba ang gusto ko? Wala naman na yata. Nabubuhay naman ako na parang tao ano pa ba kakailanganin ko bukod dun?

“Wala.”

“Wala? Ayaw mong maging businessman? Scientist? Astronauts? Doctor? Teacher? Engineering? O kaya’y macho dancer sa club? ” Kinuha ko yung maliit na unan ng sofa at itinapon sakanya. Kung anu ano sinasabi akala ko seryuso siyang nagtatanong.

“Eto naman! Ano nga gusto mo? Sige na sabihin mo na.” :)

“Juan? Gusto mo bang singer? Artist? Dancer nga? ”

Ang kulit!

“Ang daldal mo! Papasok na ako!” Tumayo na ako at lumabas na ng pinto. Pero bago ako makaalis, “Asan ang bag mo? Bakit hindi ka nakauniform? Sigurado ka bang papasok ka? Hindi ka kaya papasukin ng ganyan.” Kainis naman! Tinatamad nga akong pumasok.

Umakyat na ako at nagpalit ng uniform. Letche! Lumabas na ako ng pinto.

Sumakay na ako ng sasakyan ng maalala kong maiiwan pala yung babae na yun, “Diyan ka lang babaeng pangalan ay Angelica. Huwag kang aalis! At huwag kang magnanakaw! ” Tumawa na naman siya. “Aye Aye Juan.”

“Tss. Sige alis na ako.”

“Be careful… Juan Angelo Villar the III”

0_____0 Lagi na lang nanlalaki ang mata ko sa babaeng yun. Tatanungin ko sana siya ng tumalikod na at nagtatatalon papasok ng bahay. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Talaga bang kilala niya ako?

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon