Kabanta- iii

119 16 4
                                    

Papasok na ako. Ay mali pala.. KAMI. Kasama ko ngayon itong babae na to. Naisip ko kasing pag-aralin siya sa school na pinapasukan ko. Huwag kayong mag-isip ng kung anu! Naisip ko lang, sayang yung utak niya kung hindi niya gagamitin. Ok? Malinaw na.

“Yeheah! *clap clap clap* Papasok na rin ako!” Nagtatatalon siya sa saya sa sinabi ko. -_____-

Madali ko lang naayos ang papeles niya kasi barkada ko ang anak ng may –ari ng school kaya napadali ang pasok niya. Isang lingo na ang nakalipas. At nalaman ko na, siya pala si Angelica Urbano.

Umandar na yung sasakyan at papunta na kami ng school.

*gugh gugh gugh*

Biglang nagstop yung sasakyan.

“Anong nangyari?” tanong ko sa driver ko.

“Sir, nasiraan tayo.”

“0___0 ANO?!”

Paano kami papasok nito? Anak ng kamalasan naman ito oh! Ngayon pang tinatamad akong magcommute! Timing? Timing?! Letche!

“Nasiraan nga Juan. Si bobo talaga.”

“Anong sabi mo babaeng pangalan ay Angelica?!”

“Nasiraan nga! Paulit ulit?? Tamad ka na nga pati pandinig mo kumakalawang na.” nakangiting sagot niya sa akin.

“Iniinsulto mo ba ako?!”

“Insulto ba yun? Hindi ba ako sumasagot sa tanong ?” Ahhhh! Nakakabwiset kausap to! Sira na nga ang sasakyan pati siya ang laking sira sa pag-iisip!

“Ano ng gagawin mo ngayon ha?!” tanong ko sa driver ko.

“Sir, kelangan niyong magcommute kung papasok pa kayo.” Sagot niya.

“Tanga ka? Kaya nga ako nagpapahatid sayo para pumasok! ”

“Eh?”

Bumaba na ako at padabog na sinara yung pinto.

“Sir, papara na po ako ng sasakyan niyo?”

“Heh! Isa ka ding bwiset! Magsama na nga kayo niyang babaeng yan!”

“Talaga Sir? Sige po! Yay! … Hi Angelica?”

“Hello Manong? :)”

Iniwan ko na yung dalawa.

Ang dami talagang tanga sa mundo! Nangunguna na sila!

Bwisit talaga! Ngayon saan ako sasakay? Ang dami daming tao. Bwiset na Pilipinas na to, may balak atang pasabugin sa dami ng tao dito sa bansa! Mga walang magawa! Mga walang pera! At… Mga TAMAD!

(an: Baka nawawala ka Juan? Isa ka sa tamad na tao sa bansa. Wag kang feeling! ^_____^

*: Letche! Isa ka ring bwiset! Magtype ka na nga diyan. Laki mo namang epal sa bansang to. Papansin!

*: Speechless -____- )

Habang iniikot ko ang tatlo kong mata para maghanap ng sasakyan papuntang school may biglang humawak sa braso ko.

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon