Kabanata- viii

17 0 0
                                    

viii

Tama nga ang hinala ko…

 She’s with someone.

Lumapit ako sakanila na tuwang tuwa sa pagtutusok ng fishball at kikiam. Alam ko naman yung mga street food na yun, dahil favorite ko rin yun.

“Angelica… Warren…”  Napatigil sila.

Oo, tama kayo. Si Warren ang kasama niya buong oras na paghahanap ko sakanya. Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman..at nakakainit ito ng ulo!!

“Juan!!!” sigaw niya at yumakap sa akin. “Juan, tikman mo tong fishball, ang sarap!” wika nito at aakmang susubuan niya  ako nang hawakan ko yung kamay niya. Kinuha ko yung basong may fishball with sauce at ibinigay kay Warren.

“Bakit Juan, hindi ko pa ubos.” Hindi ko siya pinansin at tinuon ko ang tingin kay Warren.

“Chill lang bro. Nilibre ko lang girlfriend mo, wala kasi daw siyang pera.”

“Kaya ko siyang bigyan ng maraming pera.”

Ngumiti ito. “Yan ang gusto ko sayo Juan.” Tinapik niya ako sa balikat. “Ingatan mo siya. Nagiging mahalaga pa naman siya sa marami.” Binigyan niya ako ng nakakalukong ngiti.

“Sige Angelica, si Juan na ang manlilibre ng lunch mo total magttwelve na.”

“Yah. Salamat sa Libre Warren. Ahihihi ang sarap talaga ng fishball.”

“Hahaha. Kakaiba ka talaga. Alam mo bang paborito rin yan ni Juan.”

Tumingin sa akin si Angelica. “What?” naiirita kong tanong.

“Totoo ba?”

“Pssh. Oo. Eh ano naman ngayon?!”

“Yay!! Bili tayo ulit Loh!!! please please.. Libre mo ako!”

Pumulupot na naman ang kanyang malaahas na kamay sa braso ko.

“Una na ako sa inyo!” pamamaalam ni Warren. Hindi ko siya binigyan na kahit anong sagot o expression man lang.

“Ano na Loh? Fishball ulit tayo!”

Tinignan ko siya. At tumingin sa mamang nagbibinta ng fishball.

“Bibilhin ko lahat yan! Pati kariton mo!”

“Po?” tanong  niya.

“Ayaw mo?”

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon