PROLOGUE

318 20 1
                                    

…love means never having to say you’re UNDEAD –Angelica Urbano

Isa’t kalahating oras ko na siyang pinagmamasdan. Wala pa rin. Wala pa rin siyang balak tumayo at umalis. Kanina pa siya nakahiga at naghihintay hanggang sa mahulog ang bunga ng bayabas. Ganito ba talaga siya? Grabeng katamaran naman yan!

Pinagmasdan ko parin siya hanggang sa nakatulog na to. Imba! Paano ko magagawa ang misyon ko dito sa ibabaw ng lupa? Mahirap yatang baguhin ang isang taong to. Ubod sa katamaran!

Kumuha ako ng bato at ibinato sa hinog na bayabas. Natamaan ito at nahulog sa natutulog na si Juan kaya nagising. Lumapit ako sakanya, “Hindi muna pwedeng gawin ang mga bagay na to.” Sabi ko ng nakangiti. Tinignan niya ako at inalis din agad ang tingin. Lokong to! “Baliw.” Sabi niya. Tinawag akong baliw? Ako baliw? Hindi kaya, Pinadala nga ako dito para patinuhin siya tapos tatawagin niya akong baliw? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Tumingin ako sa langit at sinabing, “Kaya ko to! Kayang kaya kitang baguhin Juan Tamad!”

At dito na nagsisimula ang lahat.

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon