Kabanata- iv

115 15 4
                                    

iv

 

Ngayon ay lingo. Ang araw na to ay dapat akong nanunuod at kumakain sa loob lang ng kwarto ko. At pagsapit ng hapon nasa kabundukan ako para humiga hanggang sa mahulog ang bayabas sa bibig ko pero dahil sa likas ang kamalasan ko ngayong nagdaang araw. Patuloy pa rin itong nagtutuloy sa buhay ko at oras oras akong pinipeste.

“Juan aso oh.”

Andito kami ngayon sa Mall. Ang lugar para sa lahat ng mga babae. Ang mga babae lang ang mayganang mamasyal at magshopping dito. Pero ako? Hindi ako pwedeng pumunta dito dahil pagod na ang mga paa kong tatlong oras ng naglilibot. Grabe, pagod na ako! Gusto ko ng umuwi, matulog at magpahinga. Letche kasi tong babae na to! Dinadamay ako sa kamalasan niya. Keso daw, pagod na si Manang Marie sa paglilinis ng malaki kong bahay kaya daw kami na raw ang mamamalengke. See? Ako si Juan? Mamalengke? -_____- Sobra namang kahayupan yan!

“Eh anu naman ngayon?” Pagsusungit ko.

“Gusto ko siya.”

“Eh di sabihin mong gusto mo siya. Parang yun lang!”

“Gusto ko nga siya.” Magkakagusto na nga lang siya lahat lahat. Aso pa ang pinili. Ganito na ba kaliit ang respeto ng mga babae sakanilang sarili? At pati aso papatulan? Tell me! Are not they contented to a normal guy and only guy? tss!

“Lapitan muna at sabihing gusto mo siya. Dalian mo at gusto ko ng umuwi!” Naglakad na ako papalayo sakanya. Mga limang hakbang ko, naramdaman ko na siya sa bahaging likuran ko. Tumalikod ako para makita siya, “Ano nainlove sayo?” tanong ko. Nagkaroon naman ng mga tandang pananong sa dalawa niyang mata. Tapos ngayon idedeny nila na nagkagusto na sila. Mga babae talaga! Ang hirap intindihan!

Naglakad lakad ako hanggang sa mapukol ng paningin ko ang isang boutique. Stuff only for girls. Hinatak ko agad ang kamay ni Kah. Talaga bang malamig ang balat ng isang to? Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa sobrang cold ng balat niya.

“Mamili ka na ng mga damit mo.” wika ko. Napalitan ang kaninang walang expression na mukha. Ngumiti siya, “Pwede mo ba akong pilian ng babagay sa akin?” Lumaki ang mata ko out of shocked. Seriously? Uutusan niya akong mamili ng damit niya? Eh ako na nga tong magbabayad sa kukunin niyang damit tapos uutusan pa ako? Makonsensiya naman siya!

“Kahit hindi ka na magpalit ng damit mo diyan habang buhay!” sabi ko. Lumapit yung isang sales lady sa amin.

“Gooday Ma’am and Sir.”  Bati niya sa amin na sa akin naman nakatingin.

Natuwa ako bigla ng hindi man lang bumati pabalik si Kah at agad agad nagtungo sa side ng mga damit. Mukhang sa bagay na to kami magkakasundo dahil hindi ko rin pinansin yung sales lady na kung makatingin sa akin, naglalagkit.

Umupo ako sa sofa na meron dito. Pinagmasdan ko lang siya na tumitingin ng damit. At last, nakaupo na ako at makakapagpahinga na rin. Isinandal ko yung ulo ko. Nakakaantok sobra. Tuluyan na sana akong makakatalog ng marinig ko ang boses niya.

“Sorry po Miss.” Inangat ko yung ulo ko. Nakita kong natanggal yung malaking sequence nung damit na hawak hawak niya. Tinignan ko rin yung mga pinili niya. Geez! Wala siyang taste sa fashion. So plain lahat ng mga napili niya.

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon