Kabanata- vii

64 6 0
                                    

vii

 

“Pareng Juan, Juan!”

“Ano na naman ba Alfred?” naiiritang tanong ko. Kanina pa niya ako hinahabol. If I know, magbibinta na naman siya sa akin.

“I made this one,one.” wika nito at halata namang inulit pa niya ang kanyang pagsasalita.

Pinakita niya sa akin ang isang singsing. Well, mukhang ordinaryong singsing lang naman ito. Nothing to explain.

“I embedded control circuitry, feelings receiver and---”

“Ok, stop. Wala akong pera.”

“But, but, Juan! Juan!”

“Madami ka ng ibininta sa aking mga invention mo. At lahat ng yun, hindi ko napakinabangan. Sinasayang ko lang ang pera kong pinambabayad sayo saw ala.” wika ko sabay pamulsa.

Tinignan ko siya at agad namang inalis. Lumungkot ang kanyang mukha, na para bang parati na lang niyang ginagawa sa tuwing gagawa siya ng kung anu anong invention, saka sa akin ibibinta. Masasabi kong isa si Alfred na mahalaga sa buhay ko..sama mo na rin yung si Warren na babaero. Si Alfred, uhmm. Mahirap sila. Kumuha lang siya ng scholarship kaya siya nakakapag-aral sa school nato. Mabait, masakit sa ulo kapag kausap mo siya kasi parating may nauulit na word sa mga sinasabi niya. Isa siyang matanilo! As in matalino. Matatawag mo talaga siyang GEEK. Pero wala sa kanyang mukha. Gwapo kasi ang loko.

Yun lang.

“The best, as in the best to Juan! Kapag pinasuot mo sa isang tao to..tao talaga.., malalaman mo ang nararamdaman nito. Kung galit ba to, Masaya o kahit natatae. Kayang kaya niyang malaman sa tulong nitong singsing nato. At pwedeng pwede tong maging tracking device.”

Naghikab ako sa mga pinagsasabi niya. Kahit kelan talaga to! Pssh, kung hindi ko lang kaibigan to…

“Kung ayaw ayaw mo naman yun. Ibigay mo na lang ito sa mapapangasawa---”

I cut him off. “Magkano?” I asked.

“Thanks, thank you Juan. ”

Tinaasan ko siya ng kilay,

“Oh. Isang libo lang..”

“Anong isang libo--!!”

He cut me off. Damn!

“Ano kasi Juan.. Hmm, gusto ko sanang bumili ng device.. Hm, alam muna. Para sa naiisip kong invention. Kasi ano…”

I sighed. Naglakad na ako ulit.

“Teka, teka Juan.. ”

I'm too lazy to Love (JuanTamadSyndrome)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon