Part 1: Cat and Mouse

34 3 1
                                    

Softly we tremble tonight
Picture perfect fading smiles are all that's left in sight
I said, I'd never leave, you'll never change
Im not satisfied with where I'm at in life

Am I supposed to be happy?
With all I ever wanted, it comes with a price
Am I supposed to be happy?
With all I ever wanted, it comes with a price

You said.. you s-

"Huhuhuhuhuhu" Napatigil ako sa pagkanta at paglalaro sa gitara ko nang may narinig akong iyak.. Hinanap ng mata ko yung naiyak..

Naalala ko tuloy yung kwento dito sa probinsya namin na may white lady daw dito sa tabing dagat..

Andito ako sa probinsya namin nagbabakasyon.. Sa manila talaga kami nakatira ng mama ko. Andito kasi ang lola ko sasamahan namin sya ngayung bakasyon.

Ako nga pala si Zedrick Clein Lopez, 17 years old and a Second Year Architure student this coming school year sa isa sa mga University sa Manila.

"Huhuhuhuhuhuhu" Muli kong narinig yung iyak. Nakaramdam ako ng takot at kaba dahil sa mga naiisip ko. Hinanap ko ulit yung naiyak..

←_← (kaliwa) - wala

→_→ (kanan) - wala din

"Huhuhu.. *sniff sniff*huhu" Halos mahulog ako sa batong kinauupuan ko.

Sino ba kasi yun?

Napabaling ako sa malaking bato na nasa harap ko di kalayuan sa kin. Lalo akong kinabahan. Sinandal ko yung gitara ko sa bato na inuupuan ko kanina. At lumapit ng konti sa bato na nasa may harapan ko.
Paunti unti akong lumapit. Wala na kong narinig na iyak.

"Haisstt!!!" Ginulo ko yung ulo ko. "Para kang timang Zedrick!" Sabi ko sa sarili ko. Inalis ko yung mga kawirduhang naiisip ko kanina at bumalik na sa pwesto ko kanina, kinarga ko ulit ang gitara ko.

Nagstrum ako nang gitara. Napapatingin parin ako dun sa bato na pinaghihinalaan kong may white lady. At sa pangatlong tingin ko, halos napamura ako.. kinakabahan ako at para akong natatae na naiihi na ewan.

"PAKSHIT" At napamura na ako.

May lumitaw na babaeng nakaputi na dress at mahabang buhok dun sa bato. Nakatayo sya at nakatalikod sa akin. Pinagpapawisan na ko kahit na malamig dito sa probinsya.
Kumuha ako nang bato na nakita ko, at binato ko yung white lady.

"Aray!" Lumingon sya sakin..

"Whaaaaaaaaaaa!!! White Ladyyyyyyy!!!!!" - ako

"Whaaaaaaaaaaa!!! lalakeeeeeeeeee!!!!! - sya

Sabay kaming napasigaw.

"Su-s-subukan mong lum-lum-mapit!" Inambaan ko sya na papaluin ko sya ng gitara ko. Lumalapit parin sya sakin, hanggang sa nasa harapan ko na talaga sya. Mas nakakatakot sya sa malapitan. Ang puti nang mukha nya, at kalahati nang mukha nya eh natatakpan ng mahaba nyang buhok.

"Anong tinawag mo sakin?" Hindi ako makagalaw.. para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.. Juskooo! Save me. Katapusan ko na ata. Wag naman po sana.

"Wa-white Lady?"

"Hahahahahahahahahahahaha!" Ayan na tumatawa na sya, siguro nabuo na nya yung plano nyang pagpatay sakin. Marami pa kong pangarap Lord, wag nyo po syang hayaang kuhain ako. "Hindi ako white Lady! Ano ka ba! Hahaha!" Hinawi nya yung buhok nya, inipit nya yung buhok na nasa gilid.

"Eh.. b-bakit? A-ano?!"

"Wait lang.." hahawakan nya yung balikat ko at agad naman akong umiwas. Mamaya balisin ako neto eh okaya mambabarang pala to.. oh well, maganda sya pero mahirap na malinlang nang ganda. "Haha! Kumalma ka nga.. Inhale, exhale." At dinemo pa nya sakin yung paghinga.

"Ok miss, alam kong huminga."

"Ows? Pero kanina parang hindi mo alam."

"Tsk.." tinalikuran ko sya at kinuha ko na yung gitara ko.

"Oh? San ka pupunta?" Lumapit sya sakin.

"Uuwi na ko." At lumakad na ko. Ayoko talagang makipag-usap sa di ko kakilala.

"Hoy! Zedrick!" Napalingon ako sa kanya. Napakunot yung noo ko.

"Pano mo nalaman yung pangalan ko? Ano ka ba talaga ahh?"

"Tao ako okay! Nakita ko lang yung pangalan na nakasulat sa gitara mo." Tumalikod ako ulit at naglakad.

"Zedrick, alam mo yung mga kwento kwento dyan sa nilalakaran mo?" May pananakot sa tono nya, kaya naman pagkasabing pagkasabi nya nyan biglang nagtaasan yung balahibo kaya napa hinto ako sa paglalakad. Madilim pa naman at ang daming puno. Pero di ko pinansin at naglakad ulit ako.

"May bata, may mga batang tumatakbo!" Medyo pasigaw ang pagsabi nya nyan kaya napalapit ako sa kanya at nagtago sa likod nya..

"Fuck! Fuck! Fuck!"

"Hahahahaha! Zedrick. Hahahaha! Wag ka ngang magtago sa likod ko! Hahaha!" Sabi nya habang inaalis ako sa may likuran nya, pero bumabalik pa rin ako sa likuran nya "Mga bata. Wag na nga kayong maglaro, magsiuwi na kayo gabi na oh.. at mukhang may isang lalaki dito na natatakot." Dinaanan nya ko nang tingin, habang nakangiting may pang-aasar.

Nakita kong may kinakausap nga syang mga bata.. mga totoong bata at hindi multo. Kaya umalis na ko sa likod nya.

"Opo. ate saine." Umalis na yung mga bata.

"Ate tein.." may humawak sa kanyang batang babae siguro nasa mga 4 to 5 yrs old palang sya..

"Bakit baby?"

"Sama ka sakin.. tara.." at hinila sya nung bata..

Nataranta ako kasi maiiwan akong mag-isa dito. Kaya hinawakan ko rin yung isa pa nyang kamay.. napatingin sya sakin.

"Why?"



"Sama ako." Ngumiti sya, at napansin ko yung dimple nya sa may kaliwa nang pisngi nya. Isa lang sya pero ang cute nyang tignan.. aissh >_<

Umupo sya para pantayan yung bata.

"Ahmm.. baby, pwede ba nating isama si kuya zedrick?" Tinignan nila akong dalawa.

"Ate tein, Mabait po ba tiya?" Tanong nung bata dun sa babae.

"Oo, mabait sya." Napangiti ako sa sinabi nyang yun, mabait naman talaga ako eh. "Hindi naman sya nangangagat." Tumingin ako sa kanya nang matalim. Ok na eh. Ok na yung una nyang sinabi eh -_-

"Ahmmm..." napatingin sa may taas yung bata. Na parang nag-iisip talaga nang malalim.


"Tigee na ngaaa (^_^) Tama na natin ti kuya Tedrick. Cute din naman tya, parehat kayo ate tein"

-----------*
(A/N): SORRY SA MGA TYPOS (^_^)V
ENJOY!! (*^_^*)

OUR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon