"If you see this girl can you tell her where I am."
Zedrick
Nung nakita ko syang umiyak para akong nanlambot. Ayoko talagang may nakikitang umiiyak na babae. Dati halos araw-araw kong nakikitang umiiyak yung mama ko dahil sa tatay ko. Yung tatay kong bigla bigla na lang nawala. Okay lang sakin nung umalis sya eh, kasi lagi naman nyang inaaway at pinagbubuhatan nang kamay si mama. Pero si mama, mahal na mahal parin nya si papa. Di ko alam? Ganun lang siguro pag mahal mo talaga ang isang tao, magpapakatanga ka, magtitiis ka, gagawin mo ang lahat para sa kanya. Kaya nagpapasalamat na rin ako na umalis na yung tatay ko, naging tahimik na kami ni mama at para sakin mas masaya kami ngayun na wala sya.
"Ahhh.. Zedrick, dun tayo sa loob. Gagamutin ko yang sugat mo" pagputol nya sa katahimikan naming dalawa. Di ko namalayan na nagkatinginan kami nang matagal.
Sumampa sya sa bintana nya at sumunod naman ako.
"Dyan ka muna. Upo ka muna, kukunin ko lang yung first aid kit sa baba ahh."
"Okay.." lumabas na sya sa kwarto nya.
Tumingin tingin ako sa kwarto nya. May nakita akong picture. Yun yung pinakamalaking picture na makikita sa pader nang kwarto nya. Family picture siguro nila. Yung papa nya, mama nya, sya at yung bunso nyang kapatid na lalaki.
Napangiti ako. Kamukha nya yung kapatid nyang lalaki. Male version ni Zusaine, para tuloy gusto ko sya makita.
Pumasok na si Zusaine sa kwarto nya.
"Eto na." Nilabas nya yung alcohol at yung bulak. Nilagyan nya nang alcohol yung bulak.
"Ouch!" Napapikit ako sa hapdi.
Hinipan nya yung noo ko.
"Sorry, sorry.." hinihipan nya yung noo ko habang nilalagyan nya nang alcohol.
Napatingin ako sa kanya. Pinagmasdan ko yung mukha nya. Ang cute nung mata nya, singkit na malaki at yung pisngi nya malaman. May isa syang dimple at natural ang pagkapula nang labi nya.
"Ayan! Okay na!" napahawak ako sa noo ko at nakapa ko na may band aid na pala. Nakita ko ulit yung family picture nila.
"Ahmm.. Zusaine."
"Hmmm?" Sabi nya nang di nya ko tinitignan at inaayos yung first aid kit nila.
"Kamukha mo yung bunso mong kapatid noh?" Napatingin din sya sa family picture nila.
"Ahhh.. oo. Sabi nga rin nung iba."
"Ahmmm.. asan sya?"
"Wala na sya Zedrick."
"Oh. I'm sorry."
"Okay lang.."
"Can I ask kung-"
"Kung bakit sya namatay?" Napatingin lang ako sa kanya
"Hit and run." Napapikit sya at may tumulong luha sa mata nya.
"Magkasama kaming dalawa nang kapatid ko nun, iniwan ko sya kasi bibili ako nun ng ice cream. Pagbalik ko sa lugar kung saan ko sya iniwan may mga taong nagkumpol kumpol at nagkakagulo. Pagtingin ko...." napayuko sya at tumingin sa daliri nyang nilalaro nya. "Pagtingin ko, y-yung kapatid ko, duguan at w-wala nang buhay." napahawak sya sa mukha nya at umiyak sya. Niyakap ko sya. "Hanggang... Hanggang ngayun sinisisi ko parin ang sarili ko. Sana sinama ko na lang sya... sinama ko na lang sya sa pagbili ng ice cream... sana di ko sya iniwan.. sana kasama parin namin sya ni mama.." huminga sya nang malalim "miss na miss ko na si cobie, gusto ko na sya ulit makasama.." nagpatuloy sya sa pag iyak at ako naman ay walang tigil na hinahagod ang likod nya.
Di ko alam kung anong sasabihin ko, di ko pa nararanasan yung ganyang pangyayari pero naiintindihan ko yung sakit na nararamdaman nya.
"Di ko alam kung anong sasabihin ko para mabawasan yung nararamdaman mo but I think you need a hug."
Umiiyak lang sya. Ganun lang kami nang mga 15 mins.
"Ahmm.. Zedrick. Sorry ahh." Kumalas sya sa yakapan namin. "Di na to mauulit. Di na ko ulit iiyak sa harap mo."
"Sorry din."
"Para san?."
"Nagtanong pa kasi ako eh."
"Okay lang. Thank you kasi ngayun ko lang ulit nalabas yung nararamdaman ko dahil dun nabawasan na rin yung sakit dito" tinuro nya yung location ng puso nya "kahit papano."
"Uwi na ko ah. Okay ka na ba?"
"Osige uwi ka na. Okay na ko. Matulog ka na, Good Night Zedrick. Pasensya na sa abala"
"Good Night." Nginitian ko sya at nginitian nya rin ako, nagngitian kaming dalawa (hahaha!)
Bumalik na ko sa kwarto ko. At nagulat ako dahil andun yung mama ko.
"San ka galing?"
"Ma, andyan pala kayo."
"Lagi kitang chinecheck twing gabi. Napano yang noo mo?"
"Wala to ma. Nauntog lang ako kanina." Humiga ako sa kama ko.
"Nakwento sakin nang lola mo, si Zusaine. Mabait daw at masayahin."
"Ma, alam ko na kung saan to mapupunta."
"Anak, gusto lang kita maging masaya."
"Ma, may panahon para dyan."
"Hinihintay mo parin sya?"
"Ma.."
"Mahal mo parin sya? Zed it's been a long years. 5 years Zed. Di ka parin pagod?"
"Ma di ko alam? Di ko alam.."
"Ok, sorry anak. Pero, gawin mong masaya yung sarili mo." Niyakap ako ni mama.
"Ma, masaya naman ako eh. Basta andito lang kayo.."
"Nako, ahh.." kumalas si mama sa yakap.
"Totoo nga ma."
"O sya sige. Matulog ka na."
"Good Night ma."
"Good Night anak.." lumabas na si mama nang kwarto ko at sinarado ang pinto ko.
Kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung litrato na andun. Si Samantha..
Going back to the corner
Where I first saw you...May nagtext sakin. Tinignan ko kaagad.
Tsk! 2326 -.-
what da!
oo na hanggang ngayon hinahantay ko parin sya. Pero alam kong magsasawa din ako. Titigil din ako.
Im the man who can't be move...