Part 11: Panalangin

7 1 0
                                        

"At sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihing
Minamahal kita..."


Zedrick

Andito ako ngayun sa tapat ng gate nila Zeicie. Grabe ang kaba ko, di ko naman first time kumanta pero sobra sobra akong kinakabahan.

"Whoo! Kaya mo yan Zedrick Clein Lopez!" Huminga ako ng malalim at saka pinindot ang doorbell nila Zeicie. Umayos ako ng tayo at inayos ko rin yung pagkakakabit ng gitara ko sakin.

"Zeicie?" Lumabas si Zusaine sa gate nila.

"Uy! Bumalik ka nga dun!" Tinulak tulak ko sya para pumasok sa kanila.

"Bakit ba Zeicie?"

"Manghaharana ako, dun ka sa may pinto nyo."

"Eh? Nagdoorbell ka eh."

"Kinakabahan lang ako kaya ko napindot."

Tinignan nya ko ng masama.

"Sige na balik na dun." Bumalik nga sya sa may pintuan nila. Haha! Ang cute nya talaga.


Zusaine

May saltik talaga tong Zeicie ko.

"Anak, sino yung nagdoorbell?" Si mommy kasama nya si lola.

"Si Zedrick po, manghaharana daw po."

"Good Evening po Tita, Lola. Ahhmm, manghaharana po ko. Kung okay lang po?"

"Go, sige Zedrick."

"Ahh. Iho, kanino ka ba manliligaw? Kay Imelda o kay Zusaine? O sakin?"

Pfft! Haha! Patawa talaga to si lola, aagawan pa ko. Hahaha

"Nay kay Zusaine yan"

"Ahhh.. sige iho, mag-umpisa ka na"

Tinanguan ko sya para magsimula na sya.

Inayos nya yung gitara nya. Bat ganun? Kahit na anong gawin nya ang gwapo gwapo nya. Lalo akong naiinlove sa kanya eh.

He started strumming..

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung tinignan nya ko sa mata.

Panalangin ko sa habambuhay
Makapiling ka makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Ngumiti sya sakin, bago nya tignan ang gitara nya.
Shetness! Wag kang ganyan Zeicie, di mo alam kung pano mo nagugulo ang sistema ko sa ganyang ngiti mo! >///<

At wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
At sana nama'y nakikinig ka kapag aking sasabihing
Minamahal kita..

OUR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon