Part 2: Dati

31 2 0
                                    

"Ang aking pagtingin ibulong na lang sa hangin
Pangarap na lang din na gaya parin ng.... ng dati"

Di ko alam kung bakit nasama ako sa di ko kakilala -_-


Pero mas okay na to kesa naman mag-isa ako dun. Nako sayang ang lahi ko. Teka nga saan ba kami pupunta??? Mga 15 mins na kaming naglalakad eh. Mamaya nabudol pala ako nung dalawa, ipang-aalay pala nila ako sa mga anito't anita nila.

"Psst.." tinusok tusok ko nang daliri ko yung braso nung babae. Teka, di ko pa pala alam yung pangalan nya. Tein ata pangalan nya, yun yung tinawag sakanya nung bata eh.

"Hoy, Tein!" Lumingon sya sakin.

"Zusaine Claire pangalan ko.. Di Tein." Aba! Marunong pala tong magtaray! Malay ko ba eh sya dyang di nagpapakilala. Saka yun yung narinig ko sa bata eh.

"Eh tawag sayo nung bata Ate Tein eh." Ngumiti sya. Bat ba sya ngiti nang ngiti!

"Ate Saine kasi tawag nila sakin, kasi nga diba Zusaine pangalan ko. Eh etong si Baby bulol pa lalo sa 'S' kaya ate Tein tawag nya sakin."

"Ahhh.. soo, saan tayo pupunta?"

"Sa bahay nang mga bata."

"Huh?" Di ko kasi maintindihan.

"Sa bahay ampunan. Sa bahay ampunan sila nakatira at madalas ako dun tumutulong kaya kilala na ako nang mga bata."

"Mahilig ka pala sa bata."

"Ahh oo. Simula kasi nang mawala yung kapatid kong bunso lagi nakong nandito para naman di ako masyado mangulila sa kanya" nginitian nya ulit ako. Pero this time parang may kung ano dun sa ngiting yun.

Di ko na sya kinausap, ganun din sya. Mga 5 mins. Pa kaming naglakad at...

"Andito na tayo!!!" Masiglang sabi nung bata.

Parang may program sa loob may stage at maraming dekurasyon. Saka yung ibang bata naka suot nang party hat.

"May birthday party?"

"Hindi. I mean wala. Ganyan talaga dito every year may program. Pinaparamdam nila sa mga batang yan ang mga celebration nang birthday kasi karamihan sa kanila or halos lahat di alam yung eksaktong date nang birthday nila. Kaya yan, may ganyan"

Napapatungo na lang ako sa pagpapaliwanag nya. Kawawa naman pala yung mga batang andito. Iniwan sila nang mga magulang nila nang di nila alam, hindi nila alam yung dahilan.

May lumapit saming madre..

"Oh, Zusaine andyan ka pala. Pasok ka sa loob. Ay, may kasama ka pala. Anong pangalan mo iho?"

"Zedrick po."

"Ahh. Zedrick, tara pasok kayo sa loob."

Pumasok kami sa loob at umupo kami ni Zusaine. Medyo mababa yung upuan at lamesa kasi para talaga sa mga bata. Sinandal ko yung gitara ko sa lamesa. Napatingin ako sa gitara ko, at may naisip akong gawin para naman may madulot ako sa program na to.

"Zusaine.."

"Yes?"

"Nakanta ka ba?"

OUR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon