"There's only one way to say those three words, that's why I do...
I love... I love you."
Zedrick
"Zedrick. Uy! Zedrick!"
"Ano ba Zusaine! Natutulog pa yung gwapo eh."
"Pfft! Tumayo ka nga dyan! Para kang pulubi!"
Unti unti kong dinilat yung mata ko. Masyadong maliwanag kaya nahihirapan akong imulat yung mata ko.
"Oh. Akala ko wala ka nang balak gumising. Tumayo ka dyan. Ang lakas din ng trip mo sa buhay noh. At dito ka sa balkonahe mo natulog."
"Huh?" Umupo ako. Tinignan ko yung paligid. Nasa balkonahe nga ko. Pero..
"Zeicie???" napatayo ako at napayakap ako sa kanya, kahit na may nakapagitan saming bakod ng balkonahe. Bale ako nasa balkonahe ko at sya naman nasa balkonahe nya. Basta kayo na lang ang mag-imagine
"Namiss kitaaaa."
"Ahh.. Zedrick, d-di na k-ko m-makahinga"
Dali dali ko syang binitawan."Sorry."
"Bat ka ba dito natulog?"
"Ahh.. k-kasi. Di ko na namalayan eh."
"Pumasok ka na sa inyo. Papasok na rin ako." Tumalikod na sya.
"Zeicie." huminto sya sa paglalakad
"Sorry.."
"Bat ka nagsosorry?"
"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan?"
"Zedrick. Bababa na ko, tinatawag na ko ni mommy." At tuluyan na syang umalis.
Andito ako sa may gate namin. Inaabangan kong lumabas si Zeicie.
"Lalabas ba yun?" Tumingin ako sa relo ko. 3 hours na kong naghihintay dito wala paring Zusaine na lumalabas.
*2 hours ago*
"Zeicie, di ka ba lalabas? 5 hours na kong naghihintay dito."
Papasok na lang siguro ako ulit sa bahay.
"Ma, alis na po ako. Opo, saglit lang po ako."
Whoa! O_O
Si Zeicie.
Dalidali akong bumalik sa may gate namin at nagtago habang sinisilip sya.
Lumabas na sya ng gate nila. Hinintay ko muna syang makalagpas sa tapat namin at nung makalampas na sya sumunod na ko.
Sinundan ko sya. Napapatingin tingin sya sa gawi ko pero agad naman akong nakakapagtago. Ewan ko rin sa sarili ko, pwede naman akong magpakita pero eto ako effort na effort sa pagtago sa kanya.
Nakita ko na lang na andito kami sa tabing dagat kung saan kami unang nagkita. Nagtago ako sa may malaking bato at sya ay nakatayo na nakaharap sa dagat.