TBOOLS Part 9: Hey There Delilah

6 1 0
                                    

"If every simple song I wrote to you,
Would take your breath away,
I'd write it all."

Zedrick

"Ma, sigurado ba kayong di pumupunta dito si Zeis-.. si Zusaine?"

"Anak, bat ba paulit ulit ka? Di nga sya pumupunta dito. At saka umupo ka nga! Bat ba di ka mapakali dyan?"

"Di ko alam ma? Feeling ko may mali."

Limang araw na ang nakalipas nung huli naming pagkikita ni Zei-- Zusaine. Bakit di sya nagpapakita ngayun?

"Nakooo. Miss mo lang ang Zeicie mo."

"Huh? P-pano.." Paano nalaman ni mama yung call sign namin? Sinabi ni Zusaine??

"Kanina sabi ka ng sabi ng Zeicie."

Napaupo na lang ako sa sofa namin.

"Anak, wag ka nang mag-alala baka may ginagawa lang yun. Saka wag ka ngang OA, dyan lang bahay nun oh! Kung gusto mo talaga syang makita puntahan mo."

"Oo nga noh!" Dali dali akong tumayo at lumabas para pumunta kila Zeicie.

Nakita ko sya sa may isang bintana ng kwarto nya na nakatapat dito sa labas. Pero bigla syang nagtago.

Iniiwasan ba nya ko? Sakin ba sya nagtatago?

Nagdoorbell ako sa gate nila.

"Zusaine!!! Zusaine!!"

Bumukas yung gate nila at ang mama nya ang nagbukas.

"G-good Afternoon po. Si Zusaine po?"

"Pasensya na iho. Masama pakiramdam nya."

"Ahh.. p-pwede ko po ba syang puntahan."

"Pasensya na talaga. Ayaw ni Zusaine."

"Bakit po?"

"Sorry Zedrick. Umuwi ka na ha." Sinara nya yung gate.

Bakit feeling ko nareject ako? Feeling ko nabusted ako.


"Oh? Zed? Nakausap mo na si Zusaine?"

Di ko na nasagot si mama at dirediretso ako sa kwarto ko. Feeling ko magkakasakit ako gusto ko lang humiga.

Iniiwasan ba nya ko? Ayaw na ba nya kong makita? May nasabi ba kong mali o masama sa kanya? Baka may nasabi nga kong mali. Pero..






"Aiiiisshh!!!!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustrated. Di ko alam! Di ko na alam kung 'bat ako nagkakaganito. Diba ito naman ang gusto ko? Ang di na kulitin nung babaeng yun at tumahimik ang buhay ko.. ayan na Zedrick, ayan na natupad na ang gusto mo. 'Bat ba di ka na lang maging masaya ha.

Tama!

Tama!

Eto ang gusto ko. Siguro tinupad na rin ang wish ko na hindi na kulitin pa nung babaeng yun..



Tama!

Tama..








*after 2 hours*





OUR SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon