Kabanata 2

34 4 0
                                    

Kabanata 2

Manila

"Goodbye Albay, hello Manila." bumaba na akong bus. Napagtanto kong nasa Cubao, Quezon na pala ako. Binuhat ko ang isang malaki kong bag at ang isang maleta. Nakasabit sa likod ko ang gitara kong nasa case.

Iniwan ko muna ito sa Terminal, nilingon ko ang matatayog na mga gusali dito. Bihira lang ako nakakita nito.

Naglakad ako. Si Sir Benedict ay umalis at sumakay sa isang kotse na nag-aabang sa kanya.

Malapit lang dito ang Art in Island a? Nakita ko kasi ang mga litrato ni Philip nang pumunta sila dito.

This isn't my first time here.

Kumain ako sa Bon Chon at kinuha ang gamit ko. Sumakay ako ng taxi papunta sa titirhan ko.

It's 6: 47 am. Naidlip muna ako, ang sakit pa ng ulo ko.
"Salamat po." ani ko nang ibinaba ng taxi driver ang mga bagahe ko.

Nasa Montereal Building ako. Dito ako titira sa apartment na ito

May isang maganda at matayog na 5 storey building. Maroon ang bubong nito at Cream and mga pader. May maliit na parking sa loob.

Umalis na ang taxi at may isang lalaking nasa mid 50's na nagdidilig ng mga halaman.

"Ayy! Hijo... pasok ka." binukas ng lalaki ang gate ng apartment. Pumasok ako nakitang malawak ang harap ng Apartment. Bermuda grass iyon.

"Ares! Dalhin mo nga ang mga bagahe ng kapitbahay mo." tumakbo ang isang lalaki na mukhang ka-edad ko lang.

Kinuha niya ang isang maleta at pinasok sa Main Door.

"Ikaw ba ang anak ni Gabriel Hernandez?" tanong niya.

Tumango ako. "Gavin Hernandez po." naglahad ako ng kamay.

Tinanggap niya. "Kaibigan ako ng tatay mo, nung pagpunta niyang Manila. Ako si Ricardo Del Valle."

Sinundan ko siya sa loob. Napagtanto kong moderno ang disenyo ng Apartment.

"Hindi naman ako ang may-ari ng Apartment na 'to. Ipinagkatiwala lang ito sakin ng pamangkin ko. Regalo 'to sa kanya, ngunit mukhang hindi niya naman ito naalagaan. So, pinarentahan niya na lang ang mga kwarto." tumango na lang ako.

"Kuya Ric, nalagay ko na po." Lumabas si Ares, sa pagkakaalam ko, galing elevatorm

"Sige. Gavin, siya pala si Ares, katabi mo ang kwarto niya." tumango si Ares.

"Ares Pascual."

"Gavin Hernandez."

Sumakay kaming elevator at pumasok sa kwarto ko.

Maganda ito, hindi naman sobrang lawak ngunit maganda ito.

Puti ang pader at itim ang higaan pati ang mga unan. May isang malaking Cabinet at may isang painting na nakasabit.

Umupo si Ares sa isang stool. "So, anong college ang papasukin mo?" tanong niya.

"Xavier University." nanlaki ang mata niya. Itinaas ko ang kilay ko.

"Doon din ako."

Napag-usapan namin ang tungkol sa papasukan kong kolehiyo at tungkol sa mga bagay-bagay.

"So, you're the youngest?" tanong ko. "Oo. Yung ate ko kasi may pamilya na dito sa Manila. Yung parents ko, naiwan sa Cebu."

"May gitara ka pala. Ako may electric guitar sa kwarto." sabi niya. Tumango ako.

"Naisipan ko na gagawa ako ng banda sa XU." sabi ko. Tumayo ako at pumunta sa maliit na kusina sa gilid. Nagtimpla ako ng kape.

"Sali mo ako, tutal marunong na man ako." si Ares kasi ay kasali sa banda noong nag-Senior High siya.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon