Simula

49 4 0
                                    

Simula

Life

"Anak!" narinig kong sigaw ni Papa. "Po?" tanong ko at lumapit kay Papang tinitingnan ang kanyang alagang mga bibe.

"Pakainin mo na ang alaga mo." sabi nito. Oo nga pala! Nakalimutan kong pakainin ang mga aso namin. "Ah sige pa, mauna na ako." tumango siya at umalis na ako sa bakuran naming malawak at maputik. Kakaulan pa lamang dahil may Low Pressure Area daw.

Ang Bicol ay ang bukas na bukas sa mga bagyo. Sanay na kami ditong lahat.

Pumasok ako ng bahay. Nakitang nagluluto ng agahan ang nanay ko. "Maray na aldaw, Ma." (Magandang umaga, Ma.) linapitan ko si Mama na nagluluto ng adobo sa kusina.

"Spike! Halika!" sigaw ko at narinig kong tumatahol ang German Sheppard kong aso. Siya ang bantay namin sa Gate. Dahil na rin sa kanyang laki at lakas ng tahol, ni isang kriminal ay walang ganang gumawa ng masama.

Tumakbo ito sa akin at dinilaan ako at ang puti kong t-shirt. Maputik na iyon kaya tinanggal ko na lang.u

Nilagay ko na ito sa lalabhan at pinakain na si Spike. "Kuya, nasaan si Princess?" lumabas ang nakababata kong kapatid na si Gabriella. 13 siya pero magbibirthday na siya next week.

Napagtanto kong malapit na rin ang pasukan at kailangan ko ng maghanda.

"Andun ata sa garden." tinutukoy niyang Princess ay ang kanyang maliit na Shitzu. Tumango siya at lumabas.

Nasa maliit na garden ang kapatid ko. Lumabas ako. Mga 7 o'clock pa lang nito.

"Hi Gavin!" ngiti sa akin ng kapitbahay kong babae. Kinawayan ko siya at siya'y namula. Nag-aaral siya sa eskwelahan ko dito sa Albay.

Naging kaklase ko siya nung Grade 8.

"Kuya." mariin na sabi ni Gab. "Ano ba Gabriella?" humalakhak ako at yumuko.

"Landi na naman ba?" nanlaki ang mga mata ko at biglang naging seryoso ang ekspresyon ko.

"Ganyan ba ang tingin mo sa Kuya mo? Babaero?" malamig kong sinabi. Mukhang natakot si Gab. Suminghap siya at kinuha si Princess.

"Hindi naman. Hindi kasi ako sanay." ginulo ko ang buhok niyang naka-fishtail at pinalo ang kamay ko.

"I'm not a kid anymore!" giit niya.

"Yes. You still are." ngumisi ako at kinuha ang balde ng tubig. Diniligan ko ang mga sunflower na nasa flower bed namin.

"Hay nako Kuya Gav, maligo ka na! Ang baho mo! Suotin mo ying damit mo!" sigaw ni Gab at tinulak ako paloob ng bahay.

"Tss. Ako mabaho? Tanungin mo si Nena... Nena, mabango ako diba?" ngiti ko sa kapitbahay namin. Pumula ang pisngi niya at umiwas ng tingin.

"Ate Nena, hayaan mo na 'yang Kuya kong baliw." umirap si Gab sa akin at pumasok sa loob kasama si Princess.

"Halina kayo. Kainan na." ngumiti ang nanay kong guro sa isang Elementary School. Umupo na kaming lahat.

Nagdasal na si Gab para sa lahat at nagsimula ng kumain.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo, Anak?" tanong ni Papa. Ngayon lang siya magtanong. Hindi naman kasi nangingialam ang tatay ko sa mga desisyon ko. Si Mama ang ang laging kuryoso.

"Opo, Pa." sabi ko at sinubo ang patatas. Tumikhim siya at tumingin kay Mama.

"Bakit?" tanong ni Mama. Napag-usapan na namin ito ngunit ibinalik niya.

Matalim ang mga titig ni Mama sa akin. Namana ko ang pagiging seryoso at sopistikadong postura niya.

"Kasi alam kong malaki ang mga oportunidad sa Maynila, Ma. I hope you understand." hinawakan ko ang mga kamay ni Mama.

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon