Kabanata 6

16 0 0
                                    

Kabanata 6

Painting

Ang kanilang mga boses ay napaka-ganda. Mala-anghel at ang sarap pakinggan.

Nang natapos ang kanta ay pumalakpak ako. Nagsitatalunan ang mga babae at lumabas ng recording area.

Lumapit sa akin na nakangiti.

"Hi Miss Ivana!" naglahad ng kamay ang isang babaeng jolly at cute. Petite lang siya at may mahabang buhok na black na black. Ang mata niya ay mala-pusa. Ang cute niya!

"Ako si Drixie." sabi niya. Ngumiti ako. "Ivana na lang." lumapit ang ibang tatlo at nagpakilala.

"My name is Jade." isang morenang babae at matangkad. Siya ang pinakamatangkad sa kanila. Ngunit magka-height lamang kami.

I'm tall.

Ang kanyang buhok ay kulay brown talaga. Samantalang sa akin ay kaunti lang sa parteng baba. Itim na itim ang mga mata niya at mataas ang cheekbones niya. She looks fierce.

"Ako naman si Alexa." isang babaeng mukhang mahiyain at tahimik. Pero sa kanilang apat, siya ang may pinakamataas na boses. Siya ay maputi at mapupula ang labi at pisngi.

"Leila, ako iyon!" tumalon ang babae at yinakap ako. Napatawa ako. "Hello Leila." si Leila ay matangkad at mukhang amerikana. Dirty blonde and buhok niya at brown na brown ang mga mata.

"Ang ganda niyo naman." sabi ni Leila. Ngumiti ako. "Maganda rin kayo noh."

Dahil sa kanilang talento, siguradong sisikat ang apat na ito.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay nagpasundo na ako kay Harris. Dumiretso akong kwarto at humiga sa kama. Nagbihis na ako at pumuntang Art Room.

Ang bahay namin ay hanggang 3rd floor. Sa 3rd floor naman ang tinutukoy kong Art Room ko. Andun din ang Music Room na ginagamit ni Kuya dati.

Kumuha ako ng canvass at ang mga pintura kong halos matigas na. Hinugasan ko ang mga paint brushes ko at binabad sa mainit na tubig para matunaw ang tigas na pintura.

Ginamit ko ang puting pintura at pinahidan ang canvass ng puti. Pinuno ko ito.

Pinasadahan ko ang orasan sa dingding. Halos mag-aalas siyete na rin.

Dinampot ko ang mixing palette at naghalo ng kulay.

This is my hobby. I don't think I can increase my rank if I don't have this talent. Pag walang wala ako, siguradong pagtatawanan ako ng mga tao. Lumaki sa kilalang pamilya. Ang mga Villanueva, ngunit parang hindi naman namana ang talento nila.

My mother is a known singer. Tinulungan niya si Dad kaya't hindi na niya tinapos. My father is a great musician.

My achievements are not good as them. Isa lang akong simpleng babae na pangpipinta lamang ang pampalipas oras.

Lagi na lang nila pinupuri ang Kuya ko. Hindi naman na naiinggit ako, sanay naman ako. Sa akin, bihira lamang ang pagpupuri nila.

Sumali ako sa isang poster making sa Elementarya noong grade 3 hanggang grade 6 ko. Lagi akong panalo. First!

"Congrats anak." sabi ni Mommy habang may kausap sa cellphone. Hindi ko maalis at bitterness sa aking boses. "Thank you." Si Daddy naman ay nasa gilid lamang. Tinapik niya ang balikat ko. Ngumiti ako.

I'm longing for their love. I can't feel it.

"Congratulations Ivana!" yinakap ako ng mahigpit ni Kuya. Yinakap ko siya pabalik. Grade 8 na siya habang Grade 6 ako.

Siya ang naging bestfriend kong lalaki. Siya ang pinakaclose ko maliban kay Amiee.

Kaya nang nalaman kong mag-isa na siyang titira ay nagalit ako sa desisyon niya. Iiwan niya na ba ako?

Hindi niya na ba ako mahal? Will he ignore me like my parents?

Bumuntong-hininga ako at pumikit ng mariin.

My parents said they love me. They give me everything I want, they spoil me too much. Dahil na rin sa kayamanan ay masyado na silang naabala. Wala na silang panahon para sa akin. Kahit kay Kuya. Malaki na 'yon.

Dumilat ako. Nagsimula na akong kulayan ang canvass. I made a orange sky. I'm planning to make a silhouette of a couple on beach in sunsetting time.

Gumawa ako ng mga ulap at kaunting ibon. Ang kahel na langit ay napakahimbing. Gumuhit ako ng katawan ng babaeng nakatalikod sa lalaki. Their faces are can't be seen.

"Miss kakain na po." pumasok si Yaya Melda, tumango ako at naghugas ng kamay. Bumaba na ako at naabot na nagsasalitanamg mga magulang ko sa sala.

Halos naka-dalawang oras na ako doon.

"Ivana." sambit ni Dad. "Po?" kumunot ang noo ko. "Anong course ang kukunin mo?"

"Bachelor of Fine Arts. BFA po."

Tumango si Daddy. "Ayaw mo mag-architecture?" tanong naman ni Mommy. Umiling ako at nilingon ang dining table. Kumain na akong mag-isa dahil paniguradong ako na lang ang hindi pa kumakain.

Nang natapos ko ang pagkain ko, bumalik ako sa Art Room. Gusto ko rin sanang mag-Business Administration dahil plano kong magtayo ng isang art gallery. But, my parents will surely disagree. Baka nga bibigyan na lang nila ako ng perang pangpatayo nito.

Ayaw kong laging umaasa sa mga magulang. I don't want to be a liability. I want to be successful with my own feet and the help of no one else.

I don't want the responsibilities about our business dahil wala akong maitutulong diyan.

Malaking Kumpanya ang LaVilla Records. Famous artists was trained in here, was made popular here. Across the world, LaVilla Records is known.

Ginawa ko na ang silhouette ng lalaki sa right side.

Lovers at Dawn, ito ang itatawag ko sa painting.

Gavin's POV

Bumalik na ako galing MOA. Pinadala ko ang mga libro ko papuntang Bicol.

Sa hapong iyon, nag-gym na muna ako sa Beta Fitness Gym. Kasama ko si Ares.

Bumalik kaming apartment ng mga alas-otso. Kumain ako ng dinner sa kwarto ni Ares.

Halos pareho ang mga gamit namin sa kwarto. Iba lamang ang pagka-arrange ng mga gamit.

"Anong plano mo pagka-graduate?" tanong ni Ares. Tahimik lang ako, tanong siya ng tanong sa akin.

"Sino yung ex mo?"

"Anong oras na?" mayroon siyang wrist watch!

"May crush ka? Sino?"

Napabuntong-hininga ako. This guy won't stop.

"I'm already done talking, Ares."

***

Sorry for very short update. Nagkamali lang at nagkaproblema ang plot ng story. Nagbabasa ako ng ibang story para may reference sa writing style.

Sorry. On hold na muna ang story..

Opposites AttractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon