Chapter 20: Future Plans

206 4 1
                                    

Mykel's Pov:

1 MONTH LATER.. 

paglabas ko sa ospital ay bumalik na sa dati ang lahat... napagkasunduan na rin namen ng mga magulang ko at ni Aiane na saka na kami magpapakasal pag nakagraduate na kami ng college , para masimulan na rin ang partnership... ang Tamayo-Salcedo Group Of Companies...

nandito kami ngayon ni Aiane sa may sea side sa SM Mall Of Asia , nakatayo ako habang pinagmamasdan ang mgandang view

"huy! wag ka ngang tumayo dyan! bawal! papagalitan tayo ng guard!"

"haha! hindi yan! halika rito!"

itinayo ko rin sya at pinagmasdan ang view 

"uy.. ano ba natatakot ako kaya nga hindi ako tumatayo ei.."

"hawak ka lang kasi saken , oh diba? ang ganda ng view, picture nga tayo"

nilabas ko ang camerang dala ko , at hinalikan ko sya sa picture

"nagulat naman ako sayo! haha "

habang nagpi picture picture kami sa sea side ay biglang may pumitong guard sa direksyon namin at pinapaalis kami dahil nakatayo kami sa may itaas 

"hoy! bawal dyan! naku kayong mga bata kayo! pag nahulog kayo dyan!"

"uy! may guard! dali baba na tayo! takbo dali! haha!"

binaba ko si Aiane at tumakbo na kami dahil hinahabol kami ng guard habang pumipito

Aiane's Pov:

"Cupid, pagod na ko... wala na yung guard upo muna tayo..haha"

"hay grabe kakapagod nga haha"

tawa kami ng tawa sa kalokohan namin , napa upo kami sa may pader 

"Aiane, may tanong ako.."

"hmm? ano?.."

"san mo gustong magpakasal tayo?.."

"alam mo.. Cupid.. kahit saan basta ikaw ang groom ko!"

"wow.. answeet naman kinikilig ako"

"ay! bakla ka talaga! haha may lalake palang kinikilg! haha"

"malamang! anung akala mo samen?.. bato?.. haha"

"palabiro ka talaga!"

"teka nga... bakit nga pala wala taong callings ei diba tayo na?.."

"ha?.. kaylangan pa ba yun?.."

"oo syempre para sweet.. haha"

"malandi ka talaga! haha sige anong gusto mo?.. ikaw mag isip"

nakatingin lang ako sa kanya habang nagbabanggit sya ng mga callings like.. Bhe, Baby,Sweetie,Sweetheart,Babypie,SweetiePie , Pumpkin! haha! :D ang co corny pero nakakatuwa haha! 

"tawa ka naman ng tawa dyan ei.. ano bang gusto mo?.. andame dame ko nang binanggit wala kang nagustuhan kahit isa?.. grabe ka naman papahirapan mo ko mag isip ah.."

"sige pa.. isip ka pa..haha"

"ay alam ko na "Hemi" nalang kaya?.."

Marrying Mr. Cupid :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon