Chapter 1: The Life Of Being A Hater

426 5 4
                                    

Sa panahon ngayon, maraming nang sumisikat at naglalabasan na akala mo kung sino. Ang tanong ko lang? Nagiging role model ba sila ng kabataan? Oh kaya naman, Napapaunlad ba nila yung pilipinas? Hindi ko nga alam kung paano sila sumisikat. Pero sabi nga nang iba, dahil daw maporma, magaling sumayaw, magaling kumanta atsaka may mga itsura. Sa totoo lang, ayoko ng ganun. Gusto ko sumikat ang isang tao, sa paraan na nakatulong siya sa kapwa. Kaya ako naging isang hater ng mga famewhores, kami ng mga barkada ko. Hindi sa dahil sa insecure kami sakanila ah? Hindi lang talaga namin gusto yung mga pasikat at lalong lalo na yung mga taong pag sumikat, lumalaki na yung mga ulo. Eh malalaos din naman balang araw!

Ako nga pala si Kian Morales. kasali ako sa grupo ng mga haters na kung anong makita naming mali sa mga famewhores, eh talagang nilalait namin sila kasi nga haters kami. Wala kaming pake sa mga fan na laging bumabangga sa amin. Trashtalk dito, trashtalk doon. Ganyan lang ang buhay ko. Sabi nga rin nila masama daw akong tao. kaso lahat na daw ng kasamaan nasa akin na. Pake ba nila? Eto na yung nakaugalian ko at hindi na nila mababago yun.

KIAN POV

Habang nagsusurf sa internet, bigla nalang akong may nakitang nagpasakit sa mga mata ko. Parang gusto ko tuloy sapakin 'tong monitor. 

"Lintek! Sino ba kasi tong mga famewhores na to?" Napa-facepalm nalang ako.

"Mga pasikat lang naman to e. Akala mo naman mapapaunlad nila yung pilipinas? Damn! makalogout na nga!" 

Ako yung taong may limitasyon sa pangiinsulto at pangaasar. May oras lahat ng bagay sakin kung kailan ako manglalait o mangtitrip. Pero pag alam kong sobra na, Tinitigil ko na.

Dumiretso ako palabas ng bahay para pumuntang supermarket. Tignan mo nga naman yung mga nakapaskil na mukha ng mga famewhore sa labas ng mall. Concert concert pang nalalaman. Ang tanong may talent ba? Tss. Puro porma ang alam sa buhay.

"Bag niyo po sir." sabi nung guard bago ako makapasok sa entrance. Binuksan ko ito at pinakalkal sakanya. Para namang may bomba akong dadalhin.  Pagkatapos nun, pinapasok na niya ko.

Dumaan muna ako sa bilihan ng zagu para bumili. Paborito ko kasi 'to eh, Lalo na yung hazelnut cappuchino. Nakakaadik! Mga ilang minutes din ako nagantay bago makuha yung zagu ko. Patient is virtue nga naman sabi nila. 

"Thank you! Come back again!" pagkasabi niya nung inabot sakin yung zagu. 'Di niya alam na lagi ko kaya 'tong binabalik balikan. Kinuha ko naman 'yon agad atsaka tumalikod palayo.

Sa 'di kalayuan naman ay may narinig akong hiyawan at sigawan. Ano nanaman yun? Concert ba? Sus waste of time lang yang mga yan. Isa pa magastos yang mga yan. 'Di marunong mag value ng pera, puro gastos. Mga fans nga naman, worth na yun para sakanila. Wala tayong magagawa! 

Ang popogi nila noh?

Oo nga eh! Mas gwapo pala talaga sila sa personal.

Seriously? Rinig 'kong pagkakasabi ng mga fangirls na nakasabay ko sa paglalakad. Katatapos lang ata ng concert kaya ayan parang basura na kumakalat sa tabi tabi. Buti nalang hindi ko naabutan yung concert, baka mabuga ko lang 'tong iniinom ko.

5:30 pm

It's getting late I need to go home. Ba't kasi hapon ako pumunta? Ang bilis ng oras! Binilisan 'kong maglakad para hanapin yung exit. And then I end up here sa bridge na nagtutulay sa kabilang side ng mall. As you can see, makikita mo yung view sa labas dahil glass type 'to. Palapit ng lumubog yung araw, tinignan ko muna ito bago ako maglakad muli. Ilang minuto din ako nagtagal dito pero nagsimula narin akong maglakad. 

May mga fangirls nanaman akong nakasalubong. Buti nalang talaga ubos na 'tong zagu ko kasi baka mabuhos ko lang sakanila 'to. Papicture? Autograph? Nah. I don't need to be famous anyway, being contented is the best thing. 'Di ko na sila pinansin dahil narin may napansin ako sa bandang likuran nila.

Nilapitan ko 'yon at kinuha. Isang litrato ng isang babae na may punit sa gilid. What is this? Some kind of missing things? Pinagmasdan ko lang ito hanggang sa naramdaman ko nalang na parang lumalambot yung pakiramdam ko. I kinda feel like nawawala yung galit sa puso ko. Whoa! Is this real? Napangiti nalang ako bigla sa hindi malamang dahilan.

Pinatuloy ko nang maglakad muli para umuwi na, pero napigilan nanaman 'yon dahil nakasalubong ko sila rain at julian. Mga kapwa hater ko sila, ayaw din nila sa mga mayayabang at mga pasikat. Tinanong ko sila kung anong ginagawa nila dito, sabi nila just chilling lang daw. Inaya pa ko ni julian na sumama sakanila pero tumanggi ako dahil pauwi narin ako. 

Footbridge, 6:00 pm.

Nagkakagulo yung mga tao sa paligid. 'Di ko alam kung bakit pero sabi ng iba may nabaril daw. Bakas parin dito yung dugo. Ang daming tao ngayon sa footbridge, mga nakikibalita tungkol sa nangyari. Pero 'di ko na pinansin yun dahil ang pakay ko lang naman ay makauwi ng buhay. Iba na talaga ngayon, bihasa na ang patayan. 

"Dominic?" hindi ako pwedeng magkamali dahil si dominic talaga yung nakita ko. Bakit kaya punong puno ng dugo yung damit niya? May kinalaman kaya 'to? Tss.

Lumingon lang siya sakin na tila wala sa sarili. Ano kayang nangyare? "Pre.... wala na siya!" kasabay 'non ay paghagulgol niya ng iyak.

--

Authors Note: Inedit ko po 'to :') Masyado kasing maikli kaya may parts ako na dinagdagan. Related sa next chapter :)  - Nitsuj

The Fangirl Who Fell Inlove With A HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon