LARO DITO LARO DOON
MASAYA MAGLARO SOBRANG SAYA!
*SA ARCADE*
Pindot dito pindot doon.
Sayaw dito sayaw doon.
Laro dito laro doon.
Baril dito baril doon.KUYA TOKEN PA NGA!
"Oh eto..magsawa ka kakalaro"Suki na kasi ako dito sa arcade eh
Gusto ko kasi laging masaya.Ako nga pala si Dominic
Yung pinakamakulit daw sa tropa? Oo sabi nila yun
Sabi naman ng iba childish daw at sobrang isip bata
Minsan lang daw magseryoso gusto ko nga kasi laging masaya paligid ko. Puno ng trip puno ng kasiyahan ganyan lang buhay ko araw araw, Ang motto ko nga sa buhay ko "Whenever im sad. I stop being sad and be awesome instead"*toot toot*
1 new message..
"Pre bakit hindi ka pumasok?..." text sakin ni julian.
"Wala namang gagawin sa classroom eh.." nireply ko sakanya."Naku pre ang tamad mo talaga..."
"Hindi ka pa nasanay sakin..""Wala ka na bang inspirasyon sa buhay?.."
"Matagal na siyang wala..gusto ko lang magpasaya kahit wala na siya""Tsk tsk sige pre happy trip.."
"Sige pre bukas nalang ako papasok.."Yung inspiration ko sa buhay.
Matagal na siyang nawala dahil nga namatay siya.Ilang months narin bago nangyari yun.
*FLASHBACK*
"ADVANCE HAPPY MONTHSARY BABY KO! "
Binati ko siya sa facebook.'"Sobrang excited ah? hahaha"
"Oo naman gusto na kasi kitang makasama bukas.."
"May lakad kami bukas eh.."
"Saan nanaman? uunahin mo pa ba yung pagiging fangirl mo kaysa sa date natin?"OO FANGIRL YUNG GIRLFRIEND KO DATI
DUN NIYA LAGI BINUBUHOS YUNG ORAS NIYA AT NAKAKALIMUTAN NA NGA NIYA MINSAN YUNG MONTHSARY NAMIN."Magaaway nanaman ba tayo dahil dito dominic? pwede ka namang sumama sakin bukas pagkatapos ng mall tour..."
"Lagi naman kitang sinasamahan jan ah? Pwede sakin mo naman ibuhos yung lahat ng oras mo bukas?.."
Nagoffline siya agad.KINABUKASAN..
Pumunta ako ng bahay nila..
*knock knock*"Si Rhian po?.."
"Ahh kanina pa siya umalis dominic.." sabi ng nanay niya sakin."Sino po kasama? may lakad po kasi sana kami ngayon..." malungkot na pagkakasabi ko.
"Yung mga kaibigan niya pupunta nanaman atang sm? Naku! pasensya ka na dominic kung palagi niyang inuuna yun kaysa sayo pinagsasabihin ko naman yang anak ko kaso nakasanayan narin talaga niya yan.."
"Susundan ko nalang ho salamat.."
Nainis ako at sa sobrang inis ko binilisan kong pumunta kung nasaan yung girlfriend ko.
Hindi ko alam gagawin ko nung mga oras na yun. Yung luha lumabas sa mga mata ko dahil narin sa sobrang sama ng loob.
Hanggang makarating ako sa mall
Ayan ang daming nagkakagulong babae at nagtitilian.Hinanap ko kung nasaan yung girlfriend ko
Inikot ko yung buong lugar at pati narin yung buong mall.Nakita ko siya nagaayos ng banner
Sa sobrang galit ko hinila ko yung braso niya."DOMINIC NASASAKTAN AKO! " Sigaw niya sakin.
"Umuwi na tayo.."
"Bitawan mo nga ko!"Pinagtitingian kami ng mga tao pero yung iba nakafocus padin sa nagpeperform sa gitna.
Binitiwan ko siya.Tumakbo siya pero sinundan ko parin siya.
"RHIAN BUMALIK KA DITO! "Hanggang nakapunta kami sa may footbridge
Nagkagulo yung mga tao..Pero nakatuon parin yung tingin ko kay rhian
May nakita akong matanda na babarilin ng holdaper dahil ayaw ibigay yung cellphone niya.Tinapat ng holdaper yung baril sa matanda
Pero humarang yung girlfriend ko para siya yung tamaan."BANG!" Isang putok ng baril.
Nabaril yung taong pinakamamahal ko
Kitang kita ng mga mata ko yung pangyayari."BANG! BANG! BANG!" Binaril ng mga pulis yung holdaper.
Nilapitan ko yung girlfriend ko habang nakahandusay siya.
Paulit ulit kong binanggit yung salitang "Wag mo kong iwan...please"Dumating yung ambulansya
Nasa kamay ko yung bakas ng dugo niya.Hindi ko alam gagawin ko nung mga oras na yun
Pumunta akong hospital para alamin kung anong lagay niya.Malubha daw sabi ng doctor dahil sa dibdib siya tinamaan.
Napaupo ako sa may waiting shed..Tinignan ko siya habang nakaratay sa kinahihigaan niya.
Hindi ko mapigilan umiyak at sabihing "ako nalang dapat yung nasa kalagayan niya.."Mga ilang oras dumating nadin yung pamilya niya
Pinuntahan namin siya para kausapin..Hirap na hirap siyang magsalita pero natapos niya yung sasabihin niya sakin.
"Dominic..patawarin mo ako dahil naging kampante akong hindi ka mawawala sakin kaya mas pinili kong pumunta ng mall tour nila dahil alam kong pagkatapos nun hihintayin mo parin ako..at itutuloy natin yung date..hindi ko inisip yung mararamdaman mo tsaka naging makasarili ako sorry kung mawawala man ako ngayon alam kong may mas deserving pa sa pagmamahal mo..ipagpatuloy mo yung buhay mo na wala ako ah..ayokong malulungkot ka sa pagkawala ko..smile ka nga dyan :) .."
Pinilit kong ngumiti kahit pumapatak yung luha ko sa kamay niya
"Wag mong isiping hindi kita minahal..dahil iba yung crush sa mahal tandaan mo yan at sa pagkawala ko ngayon gusto ko ikaw huli kong makita dominic." tumulo yung luha niya.
"Paalam na dominic..."-^-^----^--^---^---^---^----^--
^----^-----^--^--^---^---^--^--------------------------------
Tumunog at nagstraight...
Niyakap ko yung bangkay niya.*End of the flashback*
Umupo ako sa may bench at tinignan ang paligid ko.
Naalala ko pa lahat..Kung paano kami naglalaro dito sa quantum
Kung paano ko hawakan yung kamay niya kapag naglalaro kami ng baril barilan
Kung paano naging masaya buhay ko sa tuwing kasama siya.Kaya sumali ako sa grupo ng mga haters
Dahil ganun nalang ang galit ko sa mga fangirl.Hindi man lang nila inisip kung ano mararamdaman ng taong pinapahalagahan sila
Pwede naman maging fangirl pero wag sana yung sobrang obssesed lalo na't pag taken ka.Tahimik lang ang mga lalaki
Pero nagseselos din yan at nasasaktan.Tao din kami
Hindi kami bato.Kaya mas pinili kong magpakasaya
para takbuhan yung malungkot kong nakaraan at kalimutan lahat lahat.Pinatugtog ko yung cinover ng boyce avenue.
"The One That Got Away""In another life I would make you stay..
so I dont have to say a word the one that got away"Nawala lahat..
Sobrang lungkot pero gusto ko masaya.Tumulo yung luha ko
dahil hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko.Mahirap magpanggap na masaya ka.
Natapos na yung kanta.
at umuwi narin ako..
BINABASA MO ANG
The Fangirl Who Fell Inlove With A Hater
RomanceHow do you say "I Love You" to a hater? Simple lang! Eh 'di "I hate you!" Asdfghjkl. Basahin niyo nalang! ;)