Authors Note: Hi/Hello/Hey, Pasensya na kung minsan lang magupdate. Busy po kasi sa school kasi graduating hehe sorry.Yun lang! Take Care God Bless :)
--
ANDREA POV
"Akin na yang juice ko! Ano ba! Papansin ka?" sinubukan kong abutin iyon kay dominic kahit hirap na hirap na ako. Putres kasi ang panda ko!
Bumelat lang siya sa'kin at nilagay yung juice sa lapag. Tumakbo siya agad bago ko pa siya mahuli. Gusto ko sanang ibuhos nalang sakanya iyon! "Pandak!" sigaw nito palabas.
Mabilis kong kinuha iyon dahil sa inis na baka bumalik pa ulit siya. Narinig kong biglang bumukas yung pinto. Naman! Bumalik pa! "Ands! may laban ng basketball ngayon, sama ka sa'kin dali." 'kala ko tuloy si dominic. Eww! Ba't ko nga pala inaasumme na bumalik yun? Sakit lang yun ng ulo!
Sa totoo lang, hindi ako interesado sa mga nood laban na yan kaya tinanggihan ko siya. "Ganun? Balita ko kasi nandun daw si dominic eh?" umiwas ito ng tingin sabay ngisi. Loka loka! Tingin niya papayag ako? Well...... oo naman yes! Gusto ko lang makitang maglaro yung gungong na yun, hindi dahil gusto ko siya or kung ano pa. Gusto ko lang naman na madistract siya sa laro niya habang nandun ako. BWAHAHAHA!
Ngumisi din ako katulad ng ginawa niya at hinila siya palabas ng room. This is it! "Eto naman! Excited masyado? Makahila wagas!" napansin ko din na parang masyado naman akong excited. Bakit kaya? "Sorry naman! E-Eh naeexcited talaga ako eh!" binitawan ko naman siya agad pagkatapos naming makapunta sa court. Para siyang naistroke na ewan habang nakatingin sa'kin. Problema neto? "What?!" nanlalaking matang sinabi ko sakanya.
"Don't tell me....... Gosh andrea! Akala ko ba man hater ka?" Pinagsasabi nito ni margaret. Ofcourse I am! "Girl ha! Iba na yang nararamdaman mo para kay dominic." dagdag niya. Napakunot noo nalang ako.
"AHHHHHHHHHHHHHH!" bungad samin ng mga nagtitilian sa loob ng court. Sakit sa tenga! Napansin 'kong dahil pala iyon dun sa mga kakalakihan na naglalaro. Susmaryosep! Ganon ba kagagwapo ang mga 'yon? Lalo na si dominic? Yuck. "Look margs! Si dominic ba 'yon?" halos malaglag yung panga ko sa nakita ko. Pano kasi sila julian lang yung naglalaro habang siya nakaupo.
"Bangko ampucha!" tumawa ako ng malakas, kaso ako lang ata yung natawa. Hoy margs!" sabay batok sakanya. "Ba't tulala ka diyan teh?"sinubukan kong kunin yung atensyon niya dahil tulala ang gaga habang nakatingin kay julian na hawak hawak ang bola.
"Ay! Oh?" Lutang nga siya.
Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti at nagets naman niya agad yung nais 'kong iparating kaya napailing ito. Aba! denying ang gaga! "Deny pa!" napansin ko kasing nakatingin siya kay julian kanina at ngayon kinikiliti ko siya pero umiiwas lang siya. "Harot mo andrea! Panoorin mo nalang kaya si dominic? Maglalaro na pala siya oh..." sabay turo kay dominic na naglalakad palapit sa gitna ng court. Akala ko pa naman bangko!
"BOOOOOOO!" Malakas kong sigaw na nagpakuha ng atensyon nila atsaka ni dominic. Lumingon siya sakin at kinindatan ako. Napatingin sakin yung mga fans niyang walang ginawa kung di bigyan ako ng matatalas na tingin. Che! Panget nila.
"Nice one dominic!" rinig kong naghiwayan yung buong court. Wala pang ilang segundo, nakuha na niya agad yung bola at walang hirap na shinoot agad yon. Nanlaki bigla mata ko. BOO! CHAMBA PWE!" hirit ko, sabay nakatingin nanaman sakin yung mga fangirls niya. Well sorry siya, ako naman yung hater ngayon. Isa isa nila akong tinarayan at ibinalik yung tingin sa laro. Sorry girls! 'Di bagay sa inyo magtaray. Pwe!
BINABASA MO ANG
The Fangirl Who Fell Inlove With A Hater
RomanceHow do you say "I Love You" to a hater? Simple lang! Eh 'di "I hate you!" Asdfghjkl. Basahin niyo nalang! ;)