DOMINIC POV
Bumili ako ng bulaklak at dumiretso agad sa sementeryo.
Ano nga ba ngayon?
Yung araw na ito?
Eto yung death anniversary ng girlfriend ko
Isang taon na pala nakalipas simula nung kunin siya sa akin.
Umupo ako sa puntod niya
at pinatugtog ko yung theme song namin.
Kumanta ako magisa..
"Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you
Forget the world now, we won't let them see
But there's one thing left to do.."
"Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way.."
"Marry me..
today and everyday.."
Hindi ko tinapos yung kanta..
dahil naalala ko ulit yung sabay naming kinakanta yan.
Naalala ko pa yung ring na binigay ko sakanya
kasi naniwala ako na siya yung magiging future ko.
Pero hindi pala..
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANDREA POV
Gumising ako ng maaga dahil ito yung araw na ililibing yung tatay ko.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak
dahil nagsisisi ako na hindi man lang ako humingi ng tawad sakanya bago siya pumanaw.
Nagtanim na kasi ako ng galit sakanya simula nung iniwan niya si mama.
Tuwing dadalaw siya sa bahay namin..
Ni hindi ko man lang siya maituring na ama
Dahil nga dun siya sa pangalawang pamilya tumira.
Dun siya binurol hindi sa bahay namin
At sila ang unang mas nakaalam na patay na siya kaysa amin ni mama.
SA SEMENTERYO.
Nakaupo ako habang pinagmamasdan ko na binabasbasan yung kabaong.
at eto na yung huling papapaalam.
"Mama..maglilibot muna ako"
"SIge anak.."
Nilibot ko yung buong sementeryo
at tinignan yung mga pangalan ng mga yumao na.
Sa hindi kalayuang pagtanaw ng aking paningin
May naaninag akong familliar na mukha.
Nakaupo siya sa sa isang puntod
Tinignan ko ulet..
Si Dominic..
Magisa siyang nakaupo dun sa puntod
kaya napaisip ako kung sino yung dinadalaw niya.
Nilapitan ko siya kahit labag sa kalooban ko
dahil na nga lagi tong nangaasar sa klase.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sakanya.
"Ha? Andrea? Anong ginagawa mo dito?.." nagulat siya sakin
"Eh ako unang nagtanong kaya ikaw ang unang sumagot.."
"Pwede kapayapaan muna? ayoko magaway at magasaran tayo sa puntod ng girlfriend ko.."
"Huh? Girlfriend mo yan?..:
Napatahimik ako sa narinig ko
at nalungkot.
Tinignan ko yung lapida nakita ko yung pangalan ng isang babae.
"Alam mo ba yung feeling na mawalan ka ng minamahal?.." Tanong niya sakin.
"Oo naman..kakamatay lang kasi ng tatay at hindi man lang ako nakahingi ng tawad sakanya"
"Kaya ka nandito sa sementeryo?.."
"Oo dominic.."
Tumahimik ang buong paligid..
para bang peaceful place na pwede kang makapagisip ng maayos.
Ang ganda pala dito.
dati kasi natatakot akong pumunta sa sementeryo.
dahil marami daw multo at espiritu na gumagala dito.
pero hindi pala..
Umupo ako sa tabi ni dominic
at nilagay yung bulaklak na ihuhulog ko sana sa libing.
Inalay ko nalang sa girlfriend niya.
"Alam mo ba kung bakit galit ako sa mga fangirls?.."
"Bakit naman?.."
"Kasi fangirl din yung girlfriend ko..at nawalan siya ng oras sakin"
"Ano bang nangyare?"
"Namatay siya nung araw ng monthsary namin..nagaway kami kasi pumunta siya ng mall tour at nagayos ng banner para sa idol niya imbis na sa date namin siya pumunta.."
"Hindi naman niya atang sinasadyang gawin yun..pagkatapos naman siguro nun ilalaan na niya yung oras niya sayo diba?.."
"Oo nga..humingi siya ng tawad dahil kampante naman daw siya na hihintayin ko siya pagkatapos nun.."
"Naiintindihan ko na kung bakit nagkakaganyan..at kung bakit ganyan nalang galit mo sa mga fangirl.."
'Salamat nalang sa pagintindi at wag kang magalala pagsisikapan kong intindihin yung pagiging fangirl niyo..para sa girlfriend ko"
Ngumiti ako sakanya
at nakipagbati.
"Bati na tayo dominic ha?!"
"Sige na nga hindi na kita aasarin.."
Inabutan niya ko ng kamay at nagshakehands kaming dalawa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lahat ng bagay may rason kung bakit ito nangyayari kaya wag tayong maging malungkot kung may nawala man sa atin kasi lahat ng bagay may kapalit.
Just go with the flow :)
A MESSAGE FROM THE CREATOR
-Nitsuj
Salamat sa lahat ng nagbabasa ng storya ko! ^^
Thanks! Ingat.
BINABASA MO ANG
The Fangirl Who Fell Inlove With A Hater
RomanceHow do you say "I Love You" to a hater? Simple lang! Eh 'di "I hate you!" Asdfghjkl. Basahin niyo nalang! ;)