Chapter 17: Old Picture

26 0 0
                                    

Charlotte POV

Nakatingin sa kalangitan habang nakaupo sa kinauupuan. Para tuloy akong baliw na nakangiti dito at inaalala yung mga nangyari sa amin. Biruin mo? ilang buwan palang kaclose na namin yung mga haters na yun? Well may kanya kanya naman kasi tayong reason kung bakit tayo nagiging fan o hater. Pero sabi nga nila, hindi yun nababase 'don.  

"Naks! 'Di ko alam na loner ka na pala?" Ay! Anak ng kabayo! nagulat ako sa pagsulpot ni kian. Ano 'to? Multo? Bigla bigla nalang susulpot. Hay naku! "Problema mo nanaman?" tinignan ko siya.

"Ginaganyan mo na ko ha?" Nagiba yung maaliwalas niyang mukha. Kadramahan neto? Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako. Baliw yata? "Wag mo nga 'kong titigan!" reklamo ko.

Para lang siyang bingi na hindi nakakaintindi patuloy lang siya sa pagtitig. "Wag mo sabi akong titigan eh!" ulit ko sabay hawak sa mukha niya at hinarap yun sa ibang direksyon.

"Bakit ba?" napakamot siya sa ulo. "Hindi ka naman panget?" dagdag niya. Sa totoo lang, hindi ako naiilang sa pagtitig niya. Natatakot lang ako na mahulog ng tuluyan! Achehehehe. "Ano kasi! Nailang ako!" I lied.

May bigla nalang siyang kinuha dun sa bulsa niya at kasabay 'non ay nilabas niya yung wallet niya. Isang litrato ang bumungad sa'kin. "Naiilang ka diyan? Ohh tignan mo 'to!" sabay abot sakin nung litrato.

Halos malaglag yung panga ko sa nakita ko. "Sa'n mo nakuha yan?!" napasigaw pa 'ko sa sobrang gulat. "Bago ko sagutin yung tanong mo, sagutin mo muna yung tanong ko." huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin. "Ikaw 'to?"

Dahan dahan akong tumango at tumingin sa malayo. "Hindi ba halata?" binaba ko yung tingin sa sahig. Feeling ko babagsak nanaman ang mga luha ko. Wag ngayon please? Madiin 'kong ipinikit ang mga mata ko at kinagat yung labi ko.

Kian POV

Pauwi na sana ako at ang ganda pa nang lakad ko habang iniikot ikot yung kalawakan ng SM na 'to. Tignan mo nga naman oh, Nagkalat yung mga fans sa tabi tabi. Pa'no kasi? May concert nanaman yata sa ground, kaya ayun kumalat sila na parang virus tsk. 

"Kuya! kuya! Papicture po!" Isa? Dalawa? Tatlo? I think apat silang lumapit sa'kin para magpapicture. Pero hindi ko na pinansin 'yon dahil nagiba nang direksyon ng mga mata ko. 

Nilagpasan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad. I stop for a minute, when I saw something weird. Isang picture na may kalahating punit. May kasama yata siya 'don kaso hindi ko na makita kasi nga punit siya. Wala yung missing piece niya nung nakita ko sa sahig.

Inikot ikot ko yung mall para mahanap yung babae na nasa picture. Unluckily, hindi ko siya nakita. 'Di ko rin akalaing nandun rin pala sila rain at julian. "I didn't know na gumala din kayo huh? Na'san si dominic?" I approached them.  

I saw rain's reaction na para bang natataranta at hindi mapakali. "Problema nun?" Pagtataka ko. Nagtaas balikat lang si julian. "May problema ba?" ulit ko.

"His own problems.." tanging nasagot niya. ".. and hey nandito din pala si dominic eh?" pagpatuloy niya. "Puntahan ba natin?" I dont think so.

"Nah too busy.." tinago ko yung litrato na nakuha ko at patagong nilagay sa likod ng pantalon ko. "Ikaw nalang.." dagdag ko, tumango naman siya at nagsimulang maglakad palayo.

"That was almost a year ago.." nakatitig lang ako sakanya habang pinagmamasdan siya na nakabagsak yung tingin sa sahig. "Pwede mo bang sabihin sa akin yung buong kwento?" Still confused.

The Fangirl Who Fell Inlove With A HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon