Chapter 3: First Day Of School

58 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng alarm clock.

"Ingay naman nun!" reklamo ko. Minulat ko ang aking mga mata. "First day of school?" Bigla 'kong naalala.

Mabilis akong bumangon sa kama at nagayos ng aking sarili. Bumaba ako para kumain, hinihintay na pala nila ako gumising. Ang saya kapag kasama mo yung pamilya mo kumain sa sala.

Ako nga pala si Julian Perez. Masayahin akong tao, sabi din nila mabait daw ako. Madali pakisamahan. Well tama sila, mabait ako sa mabait. Pero ang pinakaayaw ko lang sa lahat, ay yung mga pasikat at mayayabang. Kaya nga nakasali ako sa grupo ng mga haters, sa school namin, kami ng mga tropa ko. Actually hate talaga namin yung mga pasikat at mayayabang. Like famewhores. Hater nga kasi.  May kasabihan nga tayong Haters gonna hate ;)

Julian POV

Tumatawag si kian sa kabilang linya. "Pre nasa school na ba kayo?"

"Wala pa tol tsaka baka malate ako, hintayin mo nalang sila dominic"

"Always naman kayong late eh! Sige sige."

"Manchix ka muna." biro ko.

"Sus! Wag niyo ko gaya sa inyo loko ka!" defensive talaga 'tong si kian.

"Biro lang! Sige pre magaayos na ko." binaba ko na yung phone.

Naglakad ako sa hallway ng school namin. May napansin akong papalapit sa akin at tumatakbo. Nagulat nalang ako sa sunod na nangyari, dahil nabangga niya ko.

"Ah?" hindi ko alam yung sasabihin ko.

"Ay kuya sorry! ok ka lang ba? Nagmamadali kasi ako, pasensya ka na. Bye!" nagmamadali siyang tumakbo palayo.

Hindi man lang niya ko pinatapos magsalita. How nice? Tatanungin ko sana yung pangalan kaso tumakbo agad eh. Sayang! Ang ganda pa naman. Kaya wala akong nagiging girlfriend eh, kasi laging nauuna yung hiya ko. Minsan naman wrong timing, katulad kanina. "Makapasok na nga lang sa classroom.." napakamot nalang ako sa ulo.

The Fangirl Who Fell Inlove With A HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon