Chapter 2

322 16 0
                                    


Sunktuary
• Third Person PØV •

"Jay..?" Mahinang sambit ni Kitty.

"Kitty tara habulin naten!"

"A-ah, oo!"

~*~
Chapter 2

~*~Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~*~

Tumakbo sila Kitty at Mason saka hinabol si Jay pero bigla nalang itong nawala.

"Nakawala na siya.." Sabi ni Kitty.

"Nope. I can still feel his presence from the wind in this area... There!" Biglang nawala si Mason at napanganga si Kitty dahil nakita nalang niyang nahuhulog na sila Jay at Mason mula sa tuktok ng isang shop.

"Mason! Jay!"

"Tch!" Pinaputukan ni Jay si Mason ng baril pero naka-ilag naman siya. Nawala nanaman si Jay pero hinahabol parin siya ni Mason.

"Nasan nanaman silang dalawa..." Bulong ni Kitty dahil nawala nanaman sila Jay at Mason.

"Wag ka ngang umepal saken!" Napalingon si Kitty nung nakita niya si Jay at Mason na nag-lalaban.

"Wala ka nang matatakasan!"

"Crap!"

"Diyan ka lang sa labas Kitty! Ako na bahala dito sa Hybrid na ito!" Sigaw ni Mason mula sa loob ng napakalaking ipo ipo na kumukulong sa kanilang dalawa ni Jay para walang makatakas.

"Mason wag mo siyang sasaktan! Kateam ko siya!"

"Ha!? Pero Hybrid siya!"

"Oo! Gusto ko lang siyang tanungin kung ano ba nangyayari sa kanya!"

"Gaaa!!!" Nakarinig nalang si Kitty ng sigaw mula sa loob ng ipo ipo at nakitang binaril na ni Jay si Mason.

"Jay! Tigilan mo to!" Sigaw ni Kitty pero hindi nakikinig si Jay at tinuloy parin ang pagbabaril kay Mason.

Tumalon si Mason at nawala.

"Hmm.." Tumigil sa pagbaril si Jay nang nahulog si Mason sa kanya kaya agad niyang binaril ito pero nawala nanaman siya at may sumipa nalang sa likod niya.

"Tch!" Pinaputukan ni Jay ang lalakeng nasa likuran niya pero nawala ulit ito.

Nawala na rin si Jay kaya hindi na alam ni Kitty kung ano ang nangyayari sa dalawa. Maya maya pa ay nakakita nalang siya ng isang gray na hangin na kakulay ng damit at buhok ni Mason at isang itim na cape na mabilis na lumilipad.

 [ Volume 2 ] A Realm Rebørn : High Breeds [ ØN-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon