Chapter 20

138 5 0
                                    


Merry Christmas to all! 🎉🎈🎄🎊🎁🎂
~*~
?
• Third Person PØV •

"Maraming inosenteng hybrids at tao ang pwedeng mapahamak kung hindi ko pa to mapapahinto!"

"Alam mo, nandito lang yung control panel eh. Nakalimutan ko nga lang kung saan yon, hahaha!" Nakangising pagkakasabi ni Milo habang desperadong hinahanap ni Jay ang control.

"Tch!"

Pumunta sa harap ng tren si Jay at tinignan niya ang daanan ng tren sa pamamagitan ng malaking bintana na gawa sa salamin.

"Wala na akong pake!" Malakas na sigaw ni Jay saka niya binaril ang salamin para mabasag ito.

"Hoy hoy hoy ano sa tingin mo ginagawa mo sa tren ko!?" Tanong ni Milo kay Jay.

"Wala kana don tanda." Bulong ni Jay saka siya lumabas mula sa bintana.

"ANO!?" Napasigaw si Milo nung nakita niya ang kapa ni Jay na mabilis na lumilipad patungo sa dulo ng daanan ng tren.

"Diyos ko tong mga batang to parang mga baliw!" Malakas na sigaw ni Milo saka siya tumayo sa harap ng nabasag na bintana ng tren. 

~*~
Chapter 20

~*~Chapter 20

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~*~

"GRAAAAAAAA!!!!!!!!"

Nahagis papalayo si Edison pagkatapos siyang masipa sa muka ng kanyang kalaban.

"Hm...." Tinignan lang ng dambuhalang lalake si Edison na nahihirapan sa pagtayo.

"Tch! Malabit nang maubos spirit energy ko dahil sa lalaking to. Sobrang bigat ng mga atake. Hindi makayanan ng shield ko."

Tumayo si Edison at huminga ng malalim.

"Ayoko namang gamitin yung naipon kong lakas mula sa mga atake niya, baka mawalan ako ng control... Pero kung tutuusin, desperate times call for desperate measures,  and this is indeed desperate times."

"Sabihin mo lang bata kung hindi mo na kaya." Nakangising pagkakasabi ng lalake.

"NO CHOICE! GRAAAAAA!!!!!!"

Napangiti ang lalake nung nakita niyang binalot ng apoy ang buong katawan ni Edison at nagsimulang umilaw ng pula ang kanyang muka.

"MUKANG MASAYO TO AH!!!" Malakas niyang sigaw saka siya sumugod kay Edison.

"GRAAAA!!!"" Malakas ni Edison saka rin siya sumugod papunta sa lalake.

 [ Volume 2 ] A Realm Rebørn : High Breeds [ ØN-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon