Chapter 5

220 11 0
                                    


This chapter is dedicated to : AruuNii

~*~
Sunktuary
• Third Person PØV •

"Gusto niyo talaga malaman!?" Tanong ni Jay sa apat.

"Sabihin mo sa amin Jay para maunawaan ka namin... Please, miyembro ka ng team at mahalaga ka sa amin. Wala kaming pake kung Hybrid ka." Sabi ni Kitty.

"......"

"Princess mag sorry ka." Sabi ni Kitty kay Princess.

"Wha-. No! Bakit ako magso-sorry sa kanya?"

"Don't worry, di niya kailangan. Alam niyo naman yung organisasyon na High Breeds diba?"

Tumango sila.

"Parte ako non."

"WHAAAAT!!?" Napasigaw ang tatlo maliban kay Casper.

"It was 9 years ago.. Pitong taong gulang pa lang ako.."

~*~
Chapter 5

~*~Chapter 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~*~

"Hoy bata bumalik ka dito!!!"

Isa akong bata na walang magulang, walang tirahan, wala lahat. Ang sarili ko lang ang kasama ko. Siyempre kung wala kang pera at gamit ano gagawin mo? Siyempre magnanakaw.. Kahit isang tinapay lang tuwang tuwa na ako pero.

"Huli kang magnanakaw ka!" Binugbog ako ng matanda hanggang sa duguan na ako. Hanggang sa lumabo na ang aking paningin pero..

"Hoy! Anong ginagawa mo sa batang yan!?" Nakarinig ako ng isang sigaw at sa unang pagkakataon, parang nagkaroon ako ng pag-asa dahil sa boses na iyon.

"Sino ka!? Hybrid! Katulad mo itong basurang ito!?"

"Hindi siya basura. Bata siyang nagugutom." Nakita ko siyang lumapit sa akin. May dalawa siyang wolf ears at isang buntot ng wolf.

"Wag kang umepal dito! Kulang pa pangbubugbog ko sa batang ya–!"

Agad na sinuntok ng lalake ang matanda sa muka kaya nawalan siya ng malay.

"Okay ka lang ba bata?" Tanong niya sa akin noon.

"O-opo..."

 [ Volume 2 ] A Realm Rebørn : High Breeds [ ØN-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon