Chapter 15

196 8 1
                                    


~*~
Devil's Tower
• Third Person PØV •

"Eidolons!" Tumalon mula sa butas ng pader si Grimm papunta sa kamay ng malaking demonyo.

Tumalon na rin si Autumn mula sa butas saka siya nagtaas ng lupa na paglalandingan niya.

Gumawa na rin siya ng matataas na lupa para pagtalunan niya papunta sa tumatakbong halimaw.

Itinaas niya ang kanyang kamay na nagtaas sa lupa na pupuntahan ng malaking halimaw. Tumalikod na rin ang halimaw para tumakbo sa ibang direksyon pero kinulong na siya ni Autumn sa bilog na pader.

"Suntukin mo Eidolons!" Sigaw ni Grimm kaya naman sinuntok ng halimaw ang pader pero masyado itong matigas at matibay.

"Hindi ko inakalang ganito katibay ang lupa ko... Pero nung inatake ko siya noong bata pa ako, walang gana pero ngayon, kahit gaano pa niya kalakas suntukin, hindi parin ito nasisira..."

"Sipain mo Eidolons! Dale! Kailangan nating makatakas sa kanya! Masyadong malakas ang kapangyarihan niya!"

"Hindi kayo makakatakas sa aken! Kasi alam kong illusion lang yang halimaw na yan!" Sigaw ni Autumn.

Natakot naman si Grimm dahil nalaman ni Autumn na illusion lang ang demonyong kinokontrol niya kaya unti unti na itong nawala.

"Now.. ngayong mag isa kana diyan sa loob... Tatapusin ko na ito!"

"HINDI MO AKO MAPAPATAY!!!" Naglabas ng maraming bangkay si Grimm na unti unting gumapang papaakyat sa napakataas na pader na lupa.

Itinapat ni Autumn ang dalawa niyang palad sa malalaking pader na lupa. Sa loob nito, lumabas ang maraming pagsabog na galing sa lupa kaya naman nasunog at namatay lahat ng nasa loob nito.

Nasira na rin ang pader dahil sa lakas ng pagsabog kaya natumba ito at nadaganan lahat ng nasa loob.

"Hindi ko alam kung patay na siya pero.. nakakapagod..."

Nahulog si Autumn mula sa mataas na lupa na kinatatayuan niya saka siya tumama sa lupa na walang malay.

~*~
Chapter 15

~*~Chapter 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~*~

Sa loob naman ng Tower, sa lugar kung saan sumabog si Davis...

"Okay lang ba kayo?" Tanong ng isang babae kila Winter at Arie habang nawawala ang malaking flytrap na pumrotekta sa kanila mula sa pagsabog.

"Hana? Okay ka lang!" Sabi ni Winter pero hindi parin siya makagalaw.

"O-oo. Nakakatakot kasi tumagos sa dibdib ko yung espada niya kahit na puno ang Spirit ko. Mukang may Anti-Spirit Crystal Shards yung armas niya. Buti nalang may nagawa akong halaman na nanggagamot sa mga sugat pero..."

 [ Volume 2 ] A Realm Rebørn : High Breeds [ ØN-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon