Chapter 10

160 11 0
                                    


Happy Father's Day po sa mga magigiting na ama diyan!
Enjoy :)
~*~
Heroes Hotel
Third Person PØV

Chapter 10

"Kayo naman, Princess at Edison

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kayo naman, Princess at Edison. May nangyari ba sa Mermaid Falls?" Tanong ni Mason.

"Well, we saw a fake hybrid. Pumasok siya sa likod ng tubig na nahuhulog sa waterfall at di na namin nakita." Sagot ni Princess.

"Nung medyo nagtagal, sumunod rin kami pero wala na siya doon. Wala na rin ang fake hybrid dun eh. Yung pader lang na gawa sa lupa ang bumulaga sa amin." Dagdag pa ni Edison.

"Biglang nawala yung fake na hybrid? Paano yun?" Nagtatakang tanong ni Autumn.

"Hindi nga namin alam eh. Hindi rin namin siya nakitang lumabas."

"Baka may entrance po sa pader?" Tanong ni Casper.

"Wala din Casper eh. Kinapa na namin ni Edison yung pader." Sagot ni Princess.

"Hindi sapat ang nakuha nating impormasyon. Sakaling meron sila Hana, Chaud at Jay." Sabi ni Autumn.

"T-teka... Yung dinala kong babae sa ospital, naaalala mo Autumn?"

"Oo. Bakit Mason?"

"Sila daw ang umatake kila Winter at Arie sa tuktok ng Sunken Tower. Baka may kinalaman siya?"

"Baka. Or adik lang siyang babae."

"Babalik ako sa ospital para tanungin ko kung gising na siya."

"Okay. Mag-iingat ka." Sabi ni Autumn.

"Magpapahinga nalang muna kame. I need some beauty sleep!" Sabi ni Princess at agad siyang umakyat sa kanilang kwarto para matulog.

"Nasan nga pala yung dalawa niyo pang kateam? Yung babaeng may berdeng buhok at lalaking may asul na buhok?" Tanong ni Edison.

"Hindi pa sila bumabalik eh. Nandun pa sila sa Town Hall." Sabi ni Mason.

"May paparating..." Sabi ni Autumn.

"Huh?" Nagtaka sila Edison at Mason.

"Inaantok na ako Chaud..." Naiinis na sabi ng paparating na babae.

"Ay, sila Hana at Chaud."

Pumasok ang dalawa at agad na humiga si Hana sa sofa para matulog.

 [ Volume 2 ] A Realm Rebørn : High Breeds [ ØN-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon