CHAPTER 3
ILANG ARAW niyang hindi nireplayan si Scott. At ilang araw niya ring hindi tinignan ang kaniyang phone. Kailangan niyang matapos ang manuscript ng isang kwentong ibinigay sa kaniyang kaniyang boss. Dahil malapit na ang deadline nito.
Pagkatapos niyang umuwi sa trabaho ay kaagad siyang dumiretso sa kwarto nito. Tinawag siya ng kaniyang ina at sinigawan ito kung kakain ba siya o hindi dahil ipaghahanda siya nito. Sumigaw rin siya nito bilang tugon rito, sinabi niya na 'wag na kumain na raw sila ni Olivia sa labas, magpapahinga na raw ito.
Kaagad niyang ibinagsak ang kaniyang katawan sa kama. Hanggang sa biglang pumasok sa kaniyang isip si Scott. Tatlong araw na simula nang hindi niya ito itext, at tatlong araw na rin nang simula nang hindi niya tinitignan kung nagte-text pa ba ang lalaking iyon sa kaniya.
Tumayo siya at tumungo siya sa kaniyang stereo at hinanap ang kaniyang paboritong cd ang mga kanta ng CURSE ONE. Isa sa mga paborito niyang kanta ng mga ito ay ang Mhie and Dhie. Nang maisalang na niya ito ay kaagad nang tumugtog ang kantang iyon.
Muli siyang nagtungo sa kanyang higaan at napatingin siya sa kaniyang working table at napansin niya ang cellphone niya na ginagamit niyang pantext kay Scott. Paano iyon napunta roon? Dahan-dahan siyang lumapit roon, at dahan-dahan niyang dinampot ang cellphone nito. At nang makuha na niya ito ay napabuntong hininga muli siya.
Inopen niya ito't saka tinignan ang mensahe na galing kay Scott. Ngunit napakunot siya ng noo niya nang mapansing wala ni isang text galing kay Scott nang lumipas ang tatlong araw.
Pumunta siya sa write message at tinext ang lalaki. Ngunit nang ise-send na niya ito ay hindi 'to nag-send, dahil sa wala na itong enough na load. Napasigaw siya ng shit! Nang minutong iyon. dali-dali siyang lumabas ng kwarto niyang bumaba upang magpaload sa tindahan.
Nagtaka ang kaniang Ina nang mapansin nagmamadali ito, tinanong pa siya nito kung saan pupunta, ngunit hindi niya ito napansin at nagpatuloy ito sa pagtakbo hanggang sa makarating sa gate at buksan ito, saka tumakbo sa kabilang kalye hanggang sa makarating ito sa tindahan.
"Ate, paload po!" hingal na hingal na sabi nito sa tindera.
"Sige, wait lang," walang ganang sagot nito, sabay gumawa ng ibang gawain imbis na unahin siya.
"Ate, magpapaload po ako, hindi ako bibili ng bigas. Kaya please, mamaya niyo na unahin iyan?" bulalas pa nito rito.
"Hindi ba pwedeng unahin ko siya? E nauna siya sa iyo?" sabay tingin nito sa batang bumibili ng bigas, masyadong maliit kasi ang bata kaya hindi niya napansin na may iba pa palang bumibili sa rito maliban sa kaniya ng minutong iyon.
"Ay, sorry." Nag-peace sign pa siya sa tindera ngunit inirapan lang siya nito. Pagkatapos pagbilhan nito ang bata, ay itinuon na nang tindera ang atensyon nito kay Jane.
"Magkano?" tanong ni Ateng tindera.
"Ah?"
"Tsk. Magkano ang ilo-load mo. Jusko! Akala ko ba nagmamadali ka?" mataray pang tanong ng tindera sa kaniya.
"A-ah, e-eh... sorry! Ito na ang number ko... 09**-***- ****." Bigay pa niya sa tindera ng numero nito. Pagkalipas ng ilang segundo ay dumating na kaagad ang load. Saka inabot ni Jane ang bayad nito at kaagad nang umalis sa nakabusangot na mukha ng tindera.
Kaagad niyang binalikan ang text nito na napunta sa saved messages. At nakahinga na siya nang maayos ng masend na nito ang gusto niyang sabihin sa lalaki.
Jane: Scott, sorry sa hindi ko pag-te-text sa iyo nitong nakaraang araw. Masyado lang akong naguguluhan sa mga nangyayari, sabi ko I need more time to think kung tama bang magkabalikan tayo, pero ngayon alam ko na ang sagot ko sa mga tanong ko sa isip ko. I will never ever lose you again. I love you Baby," saka niya idinikit ang kaniyang cellphone sa kaniyang dibdib.
![](https://img.wattpad.com/cover/67032050-288-k575358.jpg)
BINABASA MO ANG
Parang Tayo, Pero Hindi.
Short StoryParang Tayo, Pero Hindi. Kwento ng isang babaeng nagpanggap bilang ka-textmate ng isang lalaking matagal ng nag-aantay sa reply ng isang babaeng kaniyang minamahal. Naawa siya kaya niya nireplayan ito, pero lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay...