CHAPTER 8

436 10 6
                                    


CHAPTER 8

PAGKALIPAS ng tatlong araw.

Muli nang nakabalik sa opisina si Jane at lahat ng mga tao ay nakatitig sa kaniya habang naglalakad ito papasok at papunta sa kaniyang working table.

"Mukhang break na ata sila ng boyfriend niya?" bulong pang sabi ni Olga kay Marvin.

"Mukha nga girl, iyong eyebags ni ateng oh? Ang lalim, mas malalim pa sa deep blue sea!" sagot naman nito rito.

"Hoy! Hoy! Hoy! Pag-tsimisan raw ba ang bestfriend ko? e kung pagkokotongan ko kayo?" saka naghulasan ang dalawang tsimosa ng oras na iyon. at do'n na lumapit si Olivia sa kaniyang kaibigan.

"Hoy! Anong arte iyan?" dukdok pa sa ulo nito.

"Olivia, wala ako sa mood makipag-talo sa iyo. May mga dapat akong tapusin ngayon." Saka niya binuksan ang kaniyang computer.

"I know, pero hindi naman ata tama na magtatrabaho ka na parang wala ka sa sarili. Wala kang maaaccomplish niyan girl. Been there, done that." Maarteng wika pa nito.

"Magkaiba tayo okay?" sagot ni Jane sabay irap ng mga mata nito.

"Ano ba kasing nangyari?" Olivia starting to ask.

"Wala. Nag-away lang kami ni Scott." Walang ganang sagot niya habang binabrowse niya ang files niya.

"Nag-away? Wow ah? First time iyan! So kumusta?" gulat na sagot ng kaibigan.

"Kumusta? Sa tingin mo papasok ako nang ganito na okay parin ang sitwasyon ko? Siyempre hindi! At hindi ko alam kung magiging okay pa kaming dalawa." Sigaw pa nito. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya. Maya-maya ay nagpalakpakan sila. Parang mga tanga!

"Pang-famas!" sabi ni Olga na panay ang palakpak.

"Hindi teh! Pang oscar!" dagdag pa ni Marvin. Napabuntong hininga na lamang si Jane at muling humarap sa computer.

Matatapos na ang otso oras niya sa trabaho ay wala pa siyang natatapos sa mga ginagawa niya. Panay ang revise niya at walang ibang magandang lumalabas rito. Para na siyang zombie ng oras na iyon. Ang laki ng eyebags, namumula ang mga mata at parang patay ang mukha. Wala! Mukha na talaga siyang zombie.

Hanggang sa may mag-offer sa kaniya ng isang sandwich, napatingin siya rito.

"Sir.?" Gulat na sabi ni Jane nang makita niya ang kaniyang boss na nasa kaniyang tabi.

"I heard, hindi ka naman raw kumain? Jane, kung nag-da-diet ka 'wag mo nang ituloy. Kapag nagdiet ka pa ng lagay na iyan. Tangkay na ang kalalabasan mo." Biro pa ng kaniyang boss.

"Si Sir. Makalait masakit!" ngumuso pa ito sa harapan ng kaniyang boss.

"I'm serious. Anyways. Wag mo nang isipin iyon. Mahal ka no'n." sabay tapik sa balikat ng dalaga. Parang gumaan ang pakiramdam ni Jane sa sinabi ng kaniyang boss.

Saka niya tinext ang kasintahan.

Jane: Scott. I'm sorry. Bati na tayo please.

After few minutes ay nagreplya ng binata.

Scott: Hindi naman ako galit sa iyo e, mahal kaya kita. I miss you, Baby.

Kinilig na naman ang ating bidang baliw-baliwan.

Saka siya bumulong sa hangin at nagpasalamat.

"Thank you, Sir. Dame. Hulog ka talaga ng langit." At niyakap ang kaniyang cellphone.

Parang Tayo, Pero Hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon