EPILOGUE
FIVE MONTHS LATER.
Araw ng mga puso. Jane is still single pero okay lang atleast may maganda na siyang trabaho ngayon at unti-unti na niyang nakakalimutan ang lahat ng mga nangyari nitong nakalipas na limang buwan. Malaki ang naitulong ng kaniyang mga kaibigan lalong lalo na si Olivia, hindi siya nito binitawan sa mga oras na kailangan niya ito. Gano'n din ang kaniyang mapagmahal na pamilya, mas naging mabait at masunurin na si Jonas, 'di gaya ng dati. At si Scott? Wala na siyang balita sa lalaking iyon.
Simula ng nagpalit na ito ng number ay wala na siyang natanggap na balita tungkol rito. Ngunit hindi naman niya ginawa na itapon iyong cellphone, sayang naman raw kasi. Medyo mahal din kasi ang presyo nito. Siguro gagamitin niya parin ito, pero hindi muna sa ngayon.
Sana isang mall siya. Events organizer na siya ngayon at nasa event siya ng isang toothpaste product sa isang kilalang mall sa ka-maynilaan. Naiinggit siya oo, pero at the same time masaya siyang nakikita ang mga ngiti sa labi ng bawat magsing-irog na talaga namang umaapaw ang pagmamahal sa bawat isa.
Pagkatapos ng event ay naisipan ni Jane na pumunta sa seaside. Wala lang, gusto niya lang maayos ang mga tae sa paligid ng seaside. Hindi! Makita ang paglubog ng araw. Isa kasi ito sa mga pangarap niyang gawin, o well sana sa isang espesyal na tao, pero mukhang matatagalan pa ata iyon.
Umupo siya at ginalaw-galaw nito ang kaniyang paa. Hanggang sa umihip ang malakas na hangin dahilan para matamaan ang kaniyang mga mata. Napuwing siya at sobrang sakit ng mga mata nito ng minutong iyon.
Hindi niya alam ang gagawin, kumikirot na talaga ang kaniyang mga mata. Natataranta na siya at natakot na baka mahulog siya sa ibabang parte ng seaside at magmukhang tanga. Wala na ngang love life tanga pa? Ang saklap!
Hanggang sa may nag-offer na ihipan nito ang kaniyang mga mata. Medyo pamilyar ang tono ng boses nito, ngunit hindi na muna inisip ni Jane iyon. Pumayag siya, naramdaman niya ang init ng palad nito ng hawakan nito ang kanyang mukha. At parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ng lalaki patungo sa katawan nito na siyang nagbigay kilabot sa kaniya ng minutong iyon.
Nang medyo hindi na nakaramdam ng sakit ang mga mata ni Jane ay do'n na niya dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata. At do'n na rin niya naaninag ang itsura ng lalaking nasa kaniyang harapan. At nang makita na niya ito ay biglang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga.
Nangarag ang kaniyang buong sistema.
Nataranta ang kaniyang katawan.
Nagwala ang mga bulate, uod, insekto sa loob ng kaniyang bituka.
Nagulo na naman ang kaniyang isip.
At nagtaka ang kaniyang puso.
Ano ang ginagawa ni Dame sa kaniyang harapan?
She was about to escape that minute nang biglang siyang pinigilan ng lalaki.
"Saan ka pupunta?"
"Uhm, aalis na?" pilosopong sagot nito.
"Ni hindi ka man lang ba marunong magpasalamat?"
"Fine, salamat! Okay na ba?"
"That's not how it goes, you need to kiss me."
"What? Kiss you?" hindi makapaniwalang sambit nito.
"Yes, you must kiss me."
"In your dreams," pagtataray pa nito sabay irap ng mga mata.

BINABASA MO ANG
Parang Tayo, Pero Hindi.
Short StoryParang Tayo, Pero Hindi. Kwento ng isang babaeng nagpanggap bilang ka-textmate ng isang lalaking matagal ng nag-aantay sa reply ng isang babaeng kaniyang minamahal. Naawa siya kaya niya nireplayan ito, pero lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay...