CHAPTER 7
"Jane!!!" pagbukas ng pintuan ay halos lumuwa ang mga mata ng taong nasa loob ng kwarto. Si Sir. Dame hinihingal na pumasok sa loob ng kwarto ni Jane sa ospital.
Parang tubig sa redsea na nahati sa dalawa ang mga taong nakapaligid kay Jane nang lumapit ang lalaki sa dalaga.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng lalaki rito.
"Sir. Nadapat lang ako, medyo nagkafractured lang iyong kaliwang paa ko pero buhay pa naman ako. Ang tanga-tanga ko kasi e, hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko. May sign pala roon haha." Habang papasok kasi si Jane kanina sa opisina ay naisipan nitong maglakad since sobrang traffic at baka raw malate siya, kaya siya bumaba ng jeep at mas piniling maglakad nalang para makahabol sa oras. Makakahabol sana siya sa pagpasok niya on-time kung hindi nga lang siya nahulog sa manhole habang nagtetext at naglalakad.
"Wag mong tawanan ang nangyari. It's a serious matter, kailangan may malagot rito!" inis na sabi ni Sir. Dame.
"So Sir. Irereklamo niyo iyong DPWH?" sabat pa ni Olga.
"Bakit ka ba nandito? Concern ka ba talaga kay Jane o dahil nandito si Sir. Dame?" tanong ni Olivia kay Olga. Tinaasan siya nang kilay nito.
"Tsk. Kung hindi dahil sa akin, hindi makakarating ng buhay si Sir. Dame dito!" sabay irap niya rito.
"Enough! Sige, bumalik na kayo sa trabaho niyo." saka sila naglabasan isa-isa hanggang sa maiwan nalang si Sir. Dame sa loob ng kwarto.
"Oh? Bakit hindi ka pa sumunod sa kanila Sir?" tanong ni Jane rito.
"Wala nama akong gaanong gagawin sa office, so maalalagaan kita at mababantayan." In his serious tone of voice.
"Tsk. Sir. Kailangan ko na bang kiligin? Ikaw ah?" she tease him.
"Jane, nakukuha mo pa talagang magbiro sa ganitong pangyayari sa buhay mo?" kunot noong wika ni Sir. Dame rito.
"Biro lang Sir. At isa pa, amoy tae lang ako at kanal wala akong cancer kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin. Makakabalik ako bago mag-simula ang MIBF." She assures him of that.
"Are you sure of that?" taas kilay na tanong nito rito.
"Ayay! Sir!" nagsalute pa si Jane rito.
Nang mapalit nito ang kaniyang boss na umalis na at bumalik na sa opisina ay doon na niya tinext ang kaniyang boyfriend na si Scott.
Jane: Scott, nasa ospital ako ngayon.
Scott: Bakit? Anong nangyari? Kumusta ka? Anong nangyari sa iyo? Okay ka lang ba? Uy. Uy. Magreply ka naman oh?
Jane: Pwedeng isa-isa lang ang tanong? Ang dami e.
Scott: Sorry, nag-aalala lang naman ako sa iyo e.
Jane: Well, sa sobrang katahangan ko kanina habang magkatext tayo, ayun nahulog ako sa kanal. Diba? Ang saya-saya ng araw ako?
Scott: Are you sure you're okay?
Jane: Yes! Probably no, pero makakalabas na rin naman ako mamaya.
Scott: Sorry, I wasn't there to take care of you.
Jane: Aysus! Umaarte naman ang boyfriend ko.
Scott: Seryoso ako! Kung nandiyan lang sana ako, maalagaan kita ng mabuti.
Jane: Enough, Scott. I'm okay.
Scott: Galit ka ba?
Jane: Hindi ako galit. I said, I'm okay.
![](https://img.wattpad.com/cover/67032050-288-k575358.jpg)
BINABASA MO ANG
Parang Tayo, Pero Hindi.
Короткий рассказParang Tayo, Pero Hindi. Kwento ng isang babaeng nagpanggap bilang ka-textmate ng isang lalaking matagal ng nag-aantay sa reply ng isang babaeng kaniyang minamahal. Naawa siya kaya niya nireplayan ito, pero lumipas ang mga araw, linggo at buwan ay...