CHAPTER 10

436 14 11
                                    


CHAPTER 10

"Nagdate kayo?" hindi makapaniwalang reaksyon ng kaibigan ni Olivia. Pinilit pa nito ang kaibigan na magkwento pa ng tungkol sa nasabing date nila. Sa totoo lang hindi naman sinabi ni Jane na date ang nangyari. Isang Dinner lang naman ang naganap sa bahay ni Sir Dame, pero iba ang nasa utak ni Olivia.

"Hindi nga kami nagdate," pilit na inaalis ni Jane ang salitang date sa usapan nila at baka kasi marinig sila ng kanilang mga katrabaho at magkaroon ng issue tungkol sa kanila ng kaniyang boss.

"Edi, hindi," saka biglang dumaan si Sir Dame at huminto ito sa kanilang harapan.

"Uy, si inspiration mo oh!" sabay sibat ni Olivia ng minutong iyon.

"Jane,"

"Sir?"

"May ginagawa ka ba?"

"Uhm," saka siya napatingin sa kaniyang desk. Sa totoo lang nagawa na niya ang mga pinapagawa sa kaniya nito kahapon pa at may mga gawain siya na hindi naman gaanong nakakastress at kayang matapos bago mag-uwian, pero hindi niya alam kung ano nga ba ang tamang isagot para sa tanong ng kaniyang boss.

"Uhm," napagakat siya ng labi't umiwas na tumingin sa mata ng kaniyang boss.

"Kung hindi ka naman gaano'ng busy, pwede ka bang pumunta sa office ko? May ipapagawa lang ako sa iyo," sasagot pa sana ito't magtatanong kung ano ang ipagagawa nito, ngunit bigla nalang itong tumalikod at naglakad na papunta sa opisina nito. Nasapok niya ang noo niya sa kahihiyan. Bakit ba kasi kapag kinakausap siya ni Sir Dame ay natatameme ito? Hindi makapag-isip at higit sa lahat, hindi makatingin sa magandang mata nito.

Kaagad siyang tumayo, kinuha ang kaniyang notes at balpen saka naglakad papunta sa harapan ng opisina ni Sir. Dame. Nang nasa harapan na ito, inayos niya ang kaniyang sarili't saka ito humugot ng hininga bago siya kumatok ng tatlong beses. Sumagot si Sir. Dame ng pasok. Saka niya hinawakan ang doorknob at saka niya ito binuksa ng mas malaki. At bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ng busy na boss nito.

"Pasok," pagyaya pa ni Sir. Dame kay Jane. Naglakad ng bahagya si Jane at pumasok sa loob, pinaupo siya nito sa kaniyang harapan at sinunod naman niya ito.

"Sir., ano ho ba ang ipagagawa niyo sa akin?"

"Uhm, pwede mo ba akong tulungang mag-isip ng password?" napalunok ng laway si Jane ng marinig ang sinabi ng kaniyang boss, sa totoo lang hindi niya ito gaanong naintindihan dahil kaagad naging busy ang kaniyang mga mata na pagmasdan ang gwapong mukha nito.

"Jane,"

"Ay, sir!"

"Ang sabi ko..."

"Sorry, narinig ko po kayo."

"So? May naisip ka na ba?" tumango ito at may isinulat sa kaniyang notebook at saka niya ito pinilas at inabot sa kaniyang boss, sabay iwas ng tingin nito. Napatingin naman si Sir. Dame kay Jane, habang busy si Jane sa pag-tingin sa paligid ng office ng kaniyang boss ay tinaype naman ni Sir. Dame ang isinulat ni Jane sa papel.

"Bakit ito ang ibinigay mo sa akin?"

"Ah? Pangit ho ba?"

"Sinabi ko bang pangit?" kumunot ang noo ni Sir. Dame sa isinagot nito sa kaniya.

"Ay sir. Sorry, hindi ko naman po, I mean... baka lang po kasi hindi niyo nagustuhan," nahihiyang sagot ni Jane.

"Password accepted! Tinanggap naman, nacurious lang ako kung bakit ito ang inilagay mo?"

Parang Tayo, Pero Hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon