Di ako nahirapang hanapin si Zayn. Tahimik akong lumapit at nagkubli. Rinig na rinig ko ang tawanan nilang magbabarkada..
"Pare, maiba ako. May problema ba kayo ni Anne Michelle?"tanong ni Bryan kay Zayn.
"Ha?wala naman bkit?"sabi ni Zayn
"Di nman sa nakiki alam ako pero, parang may pinaghuhugutan mga post nya eh."sagot ni Bryan
"Sa tototoo lng pare parang gusto ko munang mkipaghiwalay sa knya. Minsan kasi dumarating sa point na I want something new, minsan kasi nagiging boring na eh. Ewan ko, Bahala na."sagot ni Zayn
Biglang nanlambot ang tuhod ko sa narinig lalo pa akong nanghina ng makita kong may 3 babaeng dumating ang isa biglang humalik sa lips at kumandong pa kay Zayn. "Honeyloves I miss you"
"Last week lng tayo nagkita miss mo na ako?"sagot ni Zayn sabay halik ulit.
Di na ako nakapagpigil lumapit na ako sa kinaroroonan nila.
"ZAYN!"Sabay suntok ko sa mukha nya. "AT hwag na hwag mo akong hahabulin di lng yan maabutin mo sakin. Balang araw pagsisihan mo itong ginawa mo"lalakad na sana ako ng nagsalita si Zayn.
"I'm sorry".Padabog akong lumabas ng bar. Ng mkita kong nakalayo na ako. Dun na bumuhos ang luha ko. Di ko alam anong gagawin napakasakit. Namalayan ko nlng na umiinum narin ako sa loob ng isang bar.
BINABASA MO ANG
"Yung Mahal Mong May Mahal Ng Iba"
RomanceMinahal mo na naghanap pa, tapos biglang babalik nang basta basta? Tatanggapin mo pa ba? O ipapamukha mo sa kanyang wala na syang babalikan pa?