"Tama na to. Tara hatid na kita sa bahay nyo?"tanong nya
"Napanuod ko na to. Kunwari hahatid mo ako sa bahay. Pero pagka sakay ko sa kotse mo,hihinto tayo sa madilim na lugar tapos pupunitin mo damit ko. Gagawan mo ako ng masama pagkatpos iiwan nlng basta basta sa kung saan" phikbi kong sabi.
"Wow!di ako ganun noh, di ko magagawa yun!"sabi nya
"Ganyan nman kayo eh, sasabihin nyong di kayo ganun, di nyo magagawa yun. Pero anu umuuwi parin kaming luhaan at durog ang puso"sabi ko
"Kanina kapa hugot ng hugot. Tara na hatid na kita sa bahay nyo.""Ayokong umuwi"sagot ko
"Ok sa bahay nlng ng kaibigan mo"sabi nya
"Ayokong maka isturbo"sagot ko
"Sige sa hotel nalang. Hatid kita dun ako na bahala mag bayad."
"Ayoko din dun"sagot ko ulit
"Sige tara na sa presinto"sabi nya.
Parang nawala bigla ang pagkahilo ko sa narinig.
"Bakit sa presinto? Wala naman akong ginawang masama ah?nagmahal lng naman ako"
"Eh ayaw mo umuwi sa bahay nyo, sa bahay ng kaibigan mo, sa hotel eh di dun nalang sa presinto. Tapos tawagan nlng natin family mong kunin ka nila dun.
"Graveh ka naman!(nakita kong may tumatawag sa cp ng lalaki) oh ba't ayaw mong sagutin. Gf mo yan ano?pinagtataguan mo!"sabi ko
"Lagot nadetect nya ako.." sabi ng lalaki sabay tingin sakin"ayaw mo talagang umuwi?sige mauna na ako"
"Sandali!iiwan mo ako? Iiwan mo na-"naputol ang hugot lines ko ng bigla nya akong hinila.
"Sakay na"sabi nya.
"Kotse mo to?"tanong ko.
"Malamang hawak ko ang susi eh"
"Di naman porke hawak mo na masasabi mo nang iyong iyo na. Pwede parin itong ma agaw ng iba"pahikbi kong sabi.
"At humugot ka pa talaga. Sakay na dali"sabi nito.
Wala naman akong nagawa kundi sumakay ng kotse. "Yuko, Yuko"sabi nya sakin. Yumuko din ako nakita kong may isang babaeng naka tingin sa kotse na sinasakyan namin at mabilis itong naglakad papasok ng bar.
"Kotse mo ba talaga to?"tanong ko.
"Oo nga sabi ang kulit mo"sagot nya
"Kung ganun bat tayo yumuko? Nakalimutan mo bang tinted ang salamin ng kotse mo?natural di nya tayo makikita. Tenge leng?"sabi ko
"Ay oo nga pala no. By the way so ano?tara na sa presinto?"tanong nya
"UNGAS! Sympre sa bahay namin. Go na! Straight then right then left then turn around go go go"
BINABASA MO ANG
"Yung Mahal Mong May Mahal Ng Iba"
RomanceMinahal mo na naghanap pa, tapos biglang babalik nang basta basta? Tatanggapin mo pa ba? O ipapamukha mo sa kanyang wala na syang babalikan pa?