Pumunta na ako sa resto kung saan mag la lunch kmi nina trufz. Same as usual late na naman sila. Napa upo na ako sa loob biglang dumagundong ang dibdib ko ng makita ko ang lalaking papalapit sakin. Sinuri ko kung ano ang nararamdaman ko. May konting galit pero nangingibabaw ang kapatawaran at kapayapaan.
"Hello Mitch"bati nya sakin
"Hello Zayn"sagot ko
"Pwde ba tayong mag usap?"stanong nya
"Bakit?sumasayaw ba tayo??"sambit ko.
"Di ka parin nagbabago. Palabiro ka parin. Maupo na ako ha." At umupo nga sya."Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. Nasaktan kita. Di ko pinahalagaan ang mga ginawa mo para sa relasyon natin. Sinayang ko lang lahat. Patawad." Malungkot nyang sabi.
Di ako sumagot nakikinig lang ako. Gusto kong umiyak pero parang naubos na yatang pumatak nung mga panahong niloko nya ako.
"Pinagsisisihan ko lahat ng nagawa ko. Sana mapatawad mo ako. Kaya ako nandito para itama mga pagkaka mali ko. Sana di pa huli ang lahat.." nagulat ako ng bigla itong lumuhod sabay pakita skin ng small red box. "I STILL LOVE YOU. PLEASE COMEBACK TO ME. PLEASE MARRY ME".
Napatayo ako bigla.
"Simula nung araw na niloko mo ako. Pinilit kitang kalimutan. Lahat ginawa ko, aaminin ko nahirapan ako ng husto. Pero nagawa ko. Zayn marami ng nag bago. Pati narin ang nararamdaman ko sa'yo. Hwag kang mag alala matagal na kitang pinatawad. Pero pasensya kana. Heto na ako ngayon YUNG MAHAL MONG MAY MAHAL NG IBA at di ko makakayang saktan ang taong bumuo muli ng puso ko."Akmang tatalikod na ako ng biglang pinigilan ako ng waiter.
"Ma'am excuse me.""Bakit po?"tanong ko.
"Kasi ma'am, every day po kasi may pinipili kaming guest of the day bali ngayon po ikaw yung napili namin."paliwanag ng waiter.
"Ay nako paxenxa na po. Yung iba nalang"sabi ko.
"Ma'am mabilis lng naman po ito. Uupo po kayo da gitna then i se serenade po kayo ng celebrity guest din po namin."sabi nya
"Ay nako. Seloso po BF ko. Paxenxa na yung iba nlng."sagot ko
"Ah Ma'am bale may gift certificate din po kayong makukuha trip for 2 to Palawan."sabi nya ulit
"Ganun ba? Nako napaka understanding nung boyfriend kong yun. Saan ako uupo dun ba sa gitna?"sabi ko
"Opo. Mabilis lng po ito Ma'am"sagot nya
"Nako kahit tagalan nyo pa"sabi ko. At naupo na nga ako sa gitna.
Narinig kong nagsimulang tumogtog ang piano sa tune ng "ALL OF ME BY: JOHN LEGEND" at narinig kong kumanta ang isang lalaki.
BINABASA MO ANG
"Yung Mahal Mong May Mahal Ng Iba"
RomanceMinahal mo na naghanap pa, tapos biglang babalik nang basta basta? Tatanggapin mo pa ba? O ipapamukha mo sa kanyang wala na syang babalikan pa?