PERSLAB
Chapter 1
Ako si Alexis Daniety Soriano, isang 16 y/o first year College. Simpleng babae na may pangarap sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya.
Hindi naman kasi kami mayaman. Si Papa nagtatrabaho bilang Family Driver ng isang may kayang pamilya. Matagal na sya sa trabahong ito kaya malaki na rin ang tiwala nila sa kanya.
"Dan!! Linisin mo na nga yung sasakyan! Baka malate ako sa trabaho! Nakakahiya kina Mr. Hale!" sigaw ni Papa sakin mula sa pintuan ng kwarto ko.
"Sige po!" sagot ko sa kanya. Nagmadali naman akong maghilamos para makababa na kaagad. Mga 8am pa naman klase ko. Binuksan ko kaagad ang gripo at itinapat ang hose sa kotse. Hindi naman namin kotse 'to. Sina Mr. Hale ang may ari nito, inuuwi ni Papa para madali sya makarating sa trabaho. Ayos lang naman kina Mr. Hale kasi marami naman silang kotse.
Matapos kong linisin ang kotse pumasok na ako sa loob para tulungan si Mama na maghain ng almusal.
"Papa ok na po yung kotse." Sabi ko kay Papa na nagkakape na. Tumango lang sya sakin.
"Dan, ako na bahala dito maligo ka na. Baka malate ka pa sa school." Sabi ni Mama.
"Bilisan mo para makasabay ka na sakin." Sabi ni Papa pero hindi nakatingin sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"Talaga Papa??!" excited na tanong ko sa kanya.
"Oo nga, kapag hindi mo binilisan iiwan kita." Sabi nya sakin. Nagmadali naman akong umakyat pero bumalik ako para yakapin si Papa.
"Thank you Papa!" sabi ko sa kanya. Halata na nagulat si Papa, natawa naman si Mama. Papa might be very cold and strict but I know kung gaano nya kami kamahal.
Nakita naman namin na pupungaspungas si Chloe, bunsong kapatid ko 8 years old. Halatang bagong gising. "Ang ingay mo naman ate!" inis na sabi nya sakin.
"Hahaha ayusin mo nga yang itsura mo Chloe, may panis na laway kapa! Baka makita ka ni Lance, sige ka baka ma-turnoff sayo yun." natatawang sabi ko sa kanya. Nagmadali naman syang pumunta sa tapat ng salamin.
"Wala naman eh!!" inis na sigaw nya. Tumakbo naman ako paakyat ng kwarto.