Chapter 2
"Thank you po sa paghatid Papa." At pagkatapos ay nagmano ako kanya. "Ingat po kayo sa pagda-drive." Ang sabi ko bago bumaba. Tumango lang naman sya sakin. Man of few words talaga itong si Papa.
"Good morning Alexis!!" sigaw ng mga classmate/kaibigan ko. Sina Rhona at Jane.
Rhona Mae Jimenez at Mary Jane Trinidad, mga una kong mga naging kaibigan dito sa school at sila din yun tinuturing ko na mga bestfriend. Simple lang sila, makukulit at masasayang kasama.
"Good morning!!" masiglang bati ko sa kanila sabay beso sa kanila.
"Good mood ata si Tito Frank ngayon ah. Akalain mo at isinabay ka pa sa pagpasok." puna ni Jane.
"Hahahaha ano ba kayo? Masanay na kayo kay Papa. Ganyan lang talaga sya hindi palabati pero mabait naman yan." Sabi ko sa kanya. Pag pumupunta kasi sila sa bahay si Mama lang ang nakakakwentuhan nila. Palibhasa parating pagod si Papa sa pagda-drive kaya panay tango lang ang sagot sa kanila kapag binabati nila.
"Nga pala Alexis, sama ka ba mamaya? Tara gala tayo sa Mall." Aya ni Rhona.
"Alam mo naman na bahay at school lang ako Rhona." Sabi ko sa kanya.
"Eto naman, minsan na nga lang tayo gumala ng magkakasama ayaw mo pa. Siguro mas gusto mo talaga kasama yung mga friends mong konyo." nagtatampong sabi nya. Ang tinutukoy nya yung iba kong mga friends. Yup madami akong friends dito sa school, sobrang dali ko daw kasi pakisamahan at masayahin din daw kasi ako. Kung baga sina Rhona at Jane kasi, sila yung mga mahilig magaral, Geek kung baga. Inakbayan ko naman sya.
"Eto naman, hindi naman sa mas gusto ko sila kasama talagang mas gusto ko lang umuwi ng mas maaga kesa gumala." Pampalubag loob kong sabi sa kanya.
"Alam mo naman yang si Alexis, Rhona kapag may project lang tayo na kelangan mag-research sa ibang lugar tsaka lang sumasama satin." Sabi ni Jane.
"Haaay nako, basta sa birthday ko ha hindi pwedeng tanggihan mo ako." Sabi ni Rhona. Ngumiti lang ako. Mahirap kasi mag-oo agad.
"Oo naman!" sabi ko sa kanya. "Tara na baka malate pa tayo!" aya ko sa kanila at naglakad na kami papunta sa building namin.
Pagpasok pasok namin, tumambad samin ang maiingay naming mga classmate, kanya-kanyang grupo.
"Hi Alexis!" bati sakin ni Chantal. Sya yung isa sa mga tinutukoy ni Rhona na konyo girls. Tumingin muna ako kina Rhona at Jane, at parang sinasabing sige-na-lumapit-kana-wala-naman-kami-magagawa look. Ngumiti naman ako sa kanila at lumapit na kina Chantal, Trisha at Sophie. They look like mean girls pero mababait din ang mga toh. They just want to be friends with me since sobrang bait ko daw. Parang hindi naman hahahaha.
"Hi good morning!" bati ko sa kanila. Bumeso naman sila sakin.
"Girl, nakakita kami ng bagay na hairstyle na para sayo." Sabi ni Sophie sabay pakita ng isang sikat na magazine sa kin. They are very obsessed of giving me a make–over para daw maging official friend na nila ako. But I don't want to dye my hair. Gusto ko simple lang tsaka baka magalit sakin sina Mama at Papa.
"Pero ayoko talaga pakulayan itong buhok ko." sabi ko sa kanila.
"Sige wag na kulay, ipakulot nalang natin. Sayang ang ganda pa naman ng hair mo." Sabi ni Trisha.
"Hahaha... ano ba kayo? Okay lang ako, hindi ko kelangan yung mga ganyang make-over na yan. Kuntento na ako sa itsura ko." simple lang din kasi ako, short, T-shirt & sneakers ok na ako. Hindi ako mahilig sa mga branded clothes since hindi naman kami mayaman.
"Girls hayaan nyo na si Alexis. Simple lang kasi sya kaya hindi nyo sya mapipilit." Sabi ni Chantal. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Paparating na si Sir!" sigaw ng classmate naming lalaki. Kaya nagsibalikan kami sa kanya kanyang upuan.
"Ang kulit naman nina Sophie at Trisha, bakit ba gustong gusto nila na baguhin ka?" bulong ni Rhona. Natawa naman ako sa kanya.
"Hayaan mo na Rhona, relax ka lang. Wag high blood." Bulong ko sa kanya. Nginusuan nya lang ako at humarap nalang kay Sir Asuncion.
Halos isang oras din ang itinagal ng klase namin. Mga bandang 11 pa ang next subject namin. Ganito talaga pag college, minsan nga 5 hours pa vacant kaya yung ibang sa mga dorm sa paligid ng University nakatira umuuwi muna para matulog.
"Alexis tara na!/ Alexis tara na!" halos sabay na tawag sakin nina Rhona at Chantal, nalito naman ako kung kanino sasama. Balak kasi namin nina Rhona at Jane na tumambay sa Canteen. Pero pagganitong vacant gusto nina Chantal sa Gym tumambay since madaming boys doon lalo na ang mga Basketball player ng University.
Hindi naman ako ganon ka attracted sa mga Varsity Players. Ang yayabang kasi nung iba, pero I admit may naging crush ako pero crush lang naman. Hindi naman ako sobrang naging head-over-heels doon.
"Ah Chantal sorry, kakain kasi kami nina Rhona at Jane sa canteen." Sabi ko sa kanya.
"Okay sige, but If you change your mind nasa Gym lang kami." Sabi ni Chantal sakin. Tumango lang ako at ngumiti.
Kung sina Rhona at Jane ay Geek at mas mahilig magbasa at magaral, Sina Chantal naman mahilig sa mga extra curricular activites. They're into singing. Kaya nga close din ako sa kanila. I both love books and singing.
***
"Akala namin kina Chantal ka sasama eh." biro sakin Jane, while chewing her burger. Natawa naman ako.
"You know how crowded the gym is pag may practice ang mga player." Sabi ko sa kanila.
"Nagtataka ako why they always like to go there kahit alam naman nating mainit doon at ayaw nila ng pinagpapawisan sila." Naguguluhang tanong ni Rhona.
"Ang alam ko, gusto ni Chantal yung Captain Ball." Sabi ko sabay inom ng softdrinks.
"Parang lagi namang may gusto na bagong boy si Chantal." Sabi ni Rhona.
"Alam mo pansin ko parang laging mainit ang dugo mo kina Chantal, Is there any problem with them? Why you hate them so much?" tanong ko kay Rhona.
"Simply because halos nahahati na ang oras mo samin. Minsan ka nalang namin makausap at makasama." Nagtatampong sabi nya sakin. Halata din naman na malungkot si Jane.
"Ano ba kayo, mababait naman sina Chantal ah." Nagseselos kayo? Sabay tawa kong tanong.
"Sobrang friendly mo kasi Alexis that's why everybody want to be friends with you. Super jolly kasi ng personality mo. Eh kami ni Rhona, we are a bunch of loser." Sabi ni Jane.
"Jane! That's not true! You and Rhona are not losers, okay? You are cool in your own way." Sabi ko sa kanila, ngumiti naman sila sakin.
"Thanks Alexis, your such a great friend talaga." Sabi ni Rhona.
to be continued...