Chapter 3
"Finally natapos na din ang class natin. Grabe lang inaantok talaga ako kay Ma'am Olimpiana." Sabi ni Trisha. Katatapos lang kasi ng English subject namin and last subject namin for today.
Sabay sabay kaming bumaba, including Rhona and Jane. Pero hindi pa rin sila close sa tatlo.
"Kung makapagsabi ka na inaantok ka, pero sa totoo lang nagbabasa ka lang ng wattpad eh." Tukso ko sa kanya. "Halata na kinikilig ka sa binabasa mo eh." Sabi ko sa kanya.
"Oo na! Kung tungkol nga lang sa Wattpad ang exam natin, I'm sure perfect ko na lahat. Topnotcher pa!" pagmamayabang ni Trisha.
"Nagbabasa ka din ng Wattpad?" mahinang tanong ni Jane. Napatingin naman kami sa kanya.
"Oo naman! Ikaw rin ba?" tanong ni Trisha. Tumango lang si Jane.
"Mukhang magkakasundo kayo dyan." Sabi ko sa kanila. Pero halata pa rin na hindi pa rin ganong ka palagay ang loob nila sa isa'tisa.
"Guys look!" sabi ni Chantal, sabay turo sa nakapost sa bulletin board.
"Good day!
The University Drama Club is looking for new members who can sing, dance and act.
For those who are interested, tomorrow is the audition, 5 pm at Drama Club Auditorium and look for Yuna."
Yan yung nakasulat sa poster. Sosyal naman ang pangalan, dyosa ang peg. Hahaha.
"Tara sali tayo!" masiglang sabi ni Trisha.
"Game ako dyan!" sabi ni Sophie.
"Ikaw Alexis? Diba marunong ka naman kumanta at sumayaw?" tanong sakin ni Chantal.
"Syempre multi-talented yan si Alexis eh." Sabi ni Rhona proud na proud sakin.
"Pagiisipan ko." sabi ko sa kanila.
"Ano ka ba Alexis, wag mo na pag-isipan!" sabi ni Jane.
"Oo nga, ang makakapasa dyan sa audition, automatic Cultural Scholar! Miscellaneous Fee nalang ang babayaran mo." Sabi Rhona.
Sabagay malaking halaga din ang matitipid ko. Para hindi na ganong kalaki ang kelangan bayaran kada enrollment.
"Magpapaalam muna ako kina Mama at Papa." Sabi ko sa kanila, tumango naman sila.
Pagdating namin sa gate, naghiwa-hiwalay na kami. May kanya-kanyang lakad. Sina Rhona at Jane, tumuloy pa rin sa Mall.
Pumunta na kaagad ako sa sakayan ng Jeep, kelangan ko na din makauwi. Excited na akong sabihin kina Mama yung tungkol sa audition. Matagal ko na nga ring pangarap maging isang Musical Theater Actress katulad ni Lea Salonga.
Pagsakay ko ng Jeep may, nakatabi akong lalaking naka-face mask at beanie. Makikita mo rin na may hikaw sya sa kaliwang tenga nya, pero natatakpan ng kaunti kasi mahaba ang buhok nya, kpop hairstyle. Nakapikit sya kaya makikita ang maba nyang pilik mata.
"Ano ba yan, bakit ko ba sya tinitingnan." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Kumuha na ako ng barya sa wallet ko.
"Bayad po!" sabi ko na medyo malakas, para marinig ng katabi ko pero, nakapikit pa rin. Halata naman kasi na hindi sya tulog.
"Bayad po!" sigaw ko ulit. Iilan lang kasi kaming sakay ng Jeep. Di naman kasi ako makatayo para iabot sa driver, kasi patok ang nasakyan ko. Sobrang bilis ng takbo ng jeep namin. Nakakainis na ha!
"Kuya bayad po! Makikiabot naman po oh!" sabi ko sabay tapik na din sa katabi ko.
Dumilat naman sya at inis akong tiningnan, with matching irap pa! Kinuha naman nya ang bayad ko. Pero doon ko napansin yung blue eyes nya. As is blue! Hindi contact lens!
"Bayad daw!" sigaw nya ng inabot nya sa driver yung bayad ko. Tiningnan naman nya ulit ko at inirapan bago pumikit ulit. Aba't! Akala mo kung sinong gwapo! Antipatiko naman! Pero sa totoo lang kahit may takip ang kalahati ng mukha nya, hindi mapagkakailang malakas ang dating nya. Ang tangos ng ilong. Mukhang may lahi, pero matatas magtagalog.
"Are you done checking on me?" biglang sabi ng katabi ko sabay tingin ulit sakin. Para namang pinilipit ang bituka ko at hindi mapigilang hindi pamulahan ng mukha.
"Asa ka!" sabi ko sabay layo ng kaunti sa kanya. Kainis, hindi ko kasi mapigilang hindi mapatingin sa kanya. Lakas kasi ng dating nya eh.
Nang makita kong malapit na ako sa kanto ng kalye namin, hinila ko na yung tali para magstop.
"Bye, bayad-girl." Mahinang sabi nung lalaking katabi ko. Mapapansin mo naman na nakangiti sya kasi nanliit yung mga mata nya. Dinedma ko lang. FC (feeling close) naman sya masyado.
Friendly naman talaga akong tao, ewan ko ba pero nainis talaga ako doon sa katabi ko. Well dahil kasi, halos tubuan na ako ng pigsa sa kilikili kasi ngalay na ngalay na ako kakaabot ng bayad ko.
"I'm home!" masayang bati ko pagbukas ko ng pintuan ng bahay. Nakita ko si Mama na nagtutupi ng mga nalabhan. Nakatingin lang ako sa ginagawa nya.
"Kamusta naman ang araw mo?" tanong sakin ni Mama.
"Okay naman po. Sya nga po pala Mama, magpapaalam po sana ako." Sabi ko kay Mama. Natigilan naman si Mama sa pagtitiklop.
"Ano yun?" tanong nya sakin. Nahihiya akong sabihin, ako kasi ang namamalengke samin, kada paguwi ko. Para sa mga nilulutong ulam ni Mama na dinadala nya sa isang malapit na pabrika. Sa isip ko, baka hindi ko na ito magawa kung sakaling maging part ako ng Club.
"Gusto ko po sanang sumali sa isang Club sa school. Drama club po. Kapag natanggap po ako, automatic scholar na po ako at ang babayaran nalang po natin kada enrollment yung Miscellaneous Fee na lang. Malaking tulong po ito para hindi na po tayo masyadong mahihirapan, at pwede na po tayo mag-ipon para sa future ni Chloe." Paliwanag ko kay Mama.
"Sure ka bang kaya mo? Baka mapabayaan mo yung pagaaral mo?" tanong sakin ni Mama. Todo iling naman ako.
"Naku Mama, Hindi po talaga. Kasi kelangan pa rin pong ma-maintain yung grades namin." Sabi ko kay Mama.
"Sige, halata naman din kasing matagal mo ng gusto yan eh. Pero magpaalam ka din sa Papa mo." Sabi sakin ni Mama.
"Opo, mamaya ipapaalam ko po kay Papa." Sabi ko kay Mama.
"Oh sige na, magbihis ka na muna at magmerienda ka na. Nagluto ako ng paborito mo." Sabi ni Mama sakin at na excite naman ako bigla.
"Champorado po??" excited na tanong ko. Tumango naman si Mama. Nagmadali naman ako umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng pambahay.
to be continued...