Chapter 5
Kinabukasan maaga ako nagising... Nagluto ako ng sinangag, itlog at ginisang spanish sardines na may maraming kamatis. Feel na feel ko ang pagluluto habang kumakanta ng isa sa mga favorite song ko.
"I'll open up my eyes and see
The rules are there to set me free
I keep on chasing but the world won't let me beBreak me now but I'm still here
This light inside won't disappear
Believe that my love is meant for something real"Napatigil ako sa narinig na boses sa likuran ko, "Ang aga naman ata nagising ng panganay ko, at amoy masarap ang niluluto ha. Excited ka ba!?
Nagulat ako kasi bihira naman magbiro si Papa sakin saka nagtaka ako bakit may word na "excited"?
"Good morning po Papa, excited po saan?" ang tanong ko sa kanya
"Oo, diba kagabi napag-usapan natin yun anak ni Mr. Hale. Ipapakilala kita sa kanya ngayon" ang sagot sakin ni Papa
"Hala si Papa, ako po excited!? Opo, excited, hindi masyado, pero dahil..." di ko na natuloy kasi biglang sumagot si Mama
"Ano ba yan pinag-uusapan nyong mag-ama?" biglang pasok sa kusina.
"Si Dan natin, ang aga nagising at nagluto pa" sagot ni Papa kay Mama
Nilapitan ko si Mama at niyakap, "Masaya lang po ako Ma, Pa"
Bakit!!!? Natawa naman ako kasi sabay silang sumagot.
"Excited nga po talaga ako! As in at kaya po ako nagluto para mag-thank you po sa inyo kasi pinayagan nyo ako mag-audition. Ngayon po kasi yun!" Kinikilig kong sagot...
"Ah..." yun lang ang naisagot ni Papa. Si Mama naman napangiti lang. Hindi talaga sila showy kahit alam kong na-appreciate nila ko pero Ok lang naman sakin."Sya nga pala Dan, dadaan muna tayo kina Mr. Hale bago ka pumasok ha. Anong oras ba yun audition mo? Ngayon kasi ang sabi ko kay Mr. Hale na ipapakilala kita sa anak nya. Sabay ko na lang kayo ihahatid sa school" explained ni Papa.
"A, E pa lang ang nasabi ko" biglang sabi ni Papa, "Nakiusap kasi sa kin yun Daddy nya, gusto nya talaga tumino yun Unico Hijo nya""Sige po Papa, ok lang po, Uhmmm, hapon pa naman yun audition saka absent yun Prof namin sa first subject kaya ok lang po talaga habang naka- thumbs up kay Papa. Kinindatan ko naman si Mama.
Pagkatapos, naghain na ako para mag-almusal. Kami lang ni Papa nagsabay sa pagkain kasi tulog pa si Chloe. Sasabayan na lang daw sya ni Mama.
"O Dan pagkatapos mo dyan, gumayak ka na agad para hindi tayo malate sa usapan namin ni Mr. Hale" ang bilin ni Papa.