Chapter 6

14 0 0
                                    

Chapter 6

"Dan, Alexis, Daniety, bilisan mo aalis na tayo! Baka maabutan tayo ng trapik?" si Papa habang sinisigaw yun pangalan ko. Luh, kulang na lang pati middle name at surname talaga.

Sa pagmamadali 1-2-3 ang bawat galaw ko. Suot ng shirt (white na may design na gitara), suot din ng jeans, suklay ng buhok then, itinali ko na lang pataas yun bandang bangs para cute pa rin. "Daniety anak bilis..." 

"Andyan na po Papa", tumatakbo pababa ng hagdanan habang sinusuot yun favorite white sneakers ko.

Finally, nasa byahe na kami ni Papa. Sa totoo lang parang medyo kinakabahan din ako ma-meet yun amboy na yun. Hays, sana lang Lord mabait po sya at hindi ako sungitan. Hindi kasi talaga ko as is makipagkaibigan sa mga boys. Siguro kasi wala akong kapatid na lalake pero I'm trying naman.

Sa sasakyan, mahinang kong kinakanta yun audition piece ko. Si Papa naman tahimik lang pero tinitingnan ako at pasimpleng ngumingiti.

Nakarating na kami sa bahay ni Mr. Hale at namangha ako sa sobrang laki nito. Parang 3 gate yun nabilang ko bago makarating sa Main Gate. "Ang yaman naman nila" naibulong ko sa sarili.

Mas lalo ako namangha sa loob ng bahay nila. Parang Mediterranean house yun design... Sinalubong kami ng katulong.

"Good morning!" bati ni Papa sa katulong... bumati na din ako. "Good morning po." 

"Halikayo, pasok, andun yun mag-ama sa may swimming pool. Sumunod naman kami ni Papa. Pagkakita ko ng pool, sobrang natuwa ako. Isang infinity pool na made sa glass yun gutter nya. Sa sobrang tuwa ko sa pool, di ko na napansin yun nagsu-swimming. Nagulat na lang ako nung biglang may umahon.

"Good morning Mang Frank", bati ng isang matandang lalaki na naka-smile pa kay Papa. Nagsuot ito ng robe pagkalapit sa amin. "Ito nga po pala yun anak ko si Dan" ang pakilala sakin ni Papa "Good morning, Mr. Hale" bati ko sa matanda.

May isang lalaking papalapit at napansin ko agad yun mata. OMG! Hindi ako pwede magkamali, parang sya yun nakasakay ko sa jeep pag-uwi ko from school. Para akong natakot bigla at ang bilis ng kaba sa dibdib ko. Kinuha ko agad yun panyo ko at itinakip sa bibig ko.

"Hi Dad! Good morning Mang Frank" and... sino sya? Gusto ko tumakbo palayo kasi ang antipatiko, humarap sa amin ng naka-trunks lang. Never pa ako nakakita ng lalaking nakahubad. Sa isip-isip. Lalo lang ako na-awkward at ako pa talaga ang nahiya sa gawa nya.

"Sir ang anak ko po si Dan" sabay tingin sakin. "Hi Dan, I'm Jansen, how are you!?" sabay abot sa kamay nya sakin. Ako naman di ko matanggal yun panyo sa bibig ko. Natatakot akong maalala nya ko. Pero syempre parang ang pangit naman saka paano ko makakapagsalita ng nakatakip ang bibig.

"Gooood mooorning, Sir Jansen, nice to meet you" ang sabi ko naman. "Oh, parang nakita na kita, let me guess? Hindi ako pwede magkamali, nakita na talaga kita" may pagka-slang na sabi nya.

Ako naman, natulala lang. Inaantay ko lang sabihin nya kung saan. Si Papa at Mr. Hale din nagtataka sa kanya.

"I remember you, ikaw si bayad girl. Ang cute mo pala kapag hindi nagsusungit." panunukso nya

"Baka nagkakamali lang po kayo Sir, hindi pa po kita nakita eversince. Baka kamukha ko lang po yun, madami kasi ako kamukha eh..." pagde-deny ko. 

--- Grabe na ito, pakiramdam ko gusto ko na maglaho sa kinatatayuan ko o kaya sana panaginip lang at bigla akong magising dahil hindi ko kinakaya yun nangyayari.

Ok! Mabilis na sagot ni Jansen. "Please excuse me, mauna na ako sa inyo. This is my first day in school so I need to get there early." pagpapaalam nya.

"Jansen, sabay na kayo ni Dan, ihahatid kayo ni Mang Frank. Sasamahan ka ni Dan maglibot sa school nyo" ang sabi ng Daddy nya.

Tumingin ako kay Papa, tingin na nagtatanong... Bakit ako!? Ako talaga magto tour sa kanya sa school? Ang tanda na nyan. Sa isip-isip ko lang naman. Kunsabagay ang laki laki ng unibersidad na pinapasukan ko kaya siguro kelangan nya ng kasama.

"It's ok Dad! may dadaanan pa kasi ako. Remember Allison, yun childhood friend ko dito sa subdivision? We are in the same school. Sasamahan nya daw ako" Saka Dad, nakakahiya naman kay Dan, ngayon lang kami nagkakilala." He was looking at me while saying those lines to his Dad.

He smiled at me and said "Nice meeting you again Dan"

Talagang may "again"!? Parang sure sya na nagkita na kami. Hmmmp!

I just smiled back at him. (Poker Face)

"O paano Mr. Hale, mauna na po kami ng anak ko. Kelangan ko na po sya ihatid sa school para makabalik agad dito." Ang sabi ni Papa

"It's ok Mang Frank, yun pinag-usapan natin about kay Jansen ha. Alam naman na ni Dan yun diba? Tama ba Dan?" sagot ni Mr. Hale.

"Opo Sir, makakaasa po kayo"

At umalis na din kami kaagad ni Papa...





















PERSLABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon