Chapter 4

12 0 2
                                    

Chapter 4

Pagkauwi ni Papa galing sa trabaho, inayos ko na kaagad ang hapag-kainan. Alam ko kasing gutom na gutom na si Papa. Mamaya ko nalang sasabihin sa kanya yung tungkol sa audition. Buti naman at tumulong din si Chloe sa paghahanda.

Habang kumakain, tahimik lang kami. Bihira lang naman kami magkwentuhan habang kumakain eh.

"Ah, Papa may sasabihin po ako." Panimula ko. Napatingin naman sakin si Papa, si Mama naman nakangiti sakin.

"Ano sasabihin mo, na may boyfriend ka na at buntis ka tapos titigil ka na sa pagaaral?" sunod sunod na sabi ni Papa.

"Papa naman eh! Grabe kayo hahahaha hindi po yun!" sabi ko sa kanya habang hindi mapigilang hindi matawa.

Minsan na nga lang magpatawa si Papa, waley pa. Hahaha XD

"Ang sasabihin ko po, gusto ko po sumali sa drama club. Para maging scholar po ako at malaki po ang mababawas sa tuition fee ko. Para hindi na po gaanong mabigat para sa inyo ni Mama. Tsaka may allowance din po pala yun." Masayang sabi ko sa kanya.

"Hindi pa ba sapat yung pagod at pagsisikap namin ng Mama mo!?" may tonong tanong sakin ni Papa. Nahalata ko naman ang lungkot sa mukha ni Papa. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod.

"Papa, hindi naman po sa ganon. Gusto ko lang naman po, ang pagaanin ang problema nyo ni Mama sa tuwing sasapit ang enrollment. Hindi po dahil sa kulang pa. Tsaka gusto ko po talagang makatulong sa inyo. Pero dahil nagaaral pa po ako at ayaw nyo pa po ako payagang makapagtrabaho, gusto ko po na sa kahit ganitong paraan makatulong ako sa inyo." Paliwanag ko kay Papa.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Papa. "Okay kung yan talaga ang gusto mo." Sabi ni Papa.

"Thank you Papa! Promise po gagalingan ko para makapasok ako." Sabi ko.

"Wala ka naman atang talent sa pagarte Ate eh." Sabi ni Chloe. Natawa naman sina Mama.

"Aba! Wala ka pala bilib sa sakin." Sabi ko kay Chloe. Gusto mo sabihin ko kay Lance na umiihi ka pa pag natutulog!" panakot ko kay Chloe, crush nya kasi yung anak ng bago naming kapitbahay.

"Ate!!!!!" sigaw ni Chloe. Hahahahahaha asar talo!

Pinagpatuloy naman namin ang pagkain namin.

"Dan..." tawag sakin ni Papa.

"Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Yung anak ni Mr. Hale, umuwi na dito galing sa America. Gusto nya dito na ipagpatuloy ng anak nya pag-aaral. Lagi daw kasing barkada ang inaatupag doon. Ang sabi ko dun na lang sa school nyo sya i-enroll. Ang gusto nga pala ni Mr. Hale, bantayan mo daw yung anak nya." Sabi sakin ni Papa.

"Po?? Eh di ba po American si Mr. Hale so American din ang anak nya. Baka po maubusan ako ng dugo doon." Sabi ko kay Papa.

"Ang alam ko Dan, marunong managalog yung anak ni Mr. Hale. Pilipina ang nanay nya saka pati yun nag-alaga sa kaya ay pilipina din." sabi ni Mama.

to be continued...

PERSLABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon