Chapter 7
Habang nasa sasakyan, panay ang bilin sakin ni Papa tungkol kay Jansen. Hanggang sa makarating sa school inulit pa din ni Papa na bantayan ko daw mga ginagawa nito.
"Opo, Papa... hangga't kaya ko po sya bantayan" ang tugon ko kay Papa bago bumaba ng sasakyan.
Yung totoo, ok lang naman sakin kaya lang parang awkward baka kasi mahuli ako ni Jansen at isipin pa na crush ko sya. Hahaha... Ang advance ko mag-isip. Mahirap na kasi ma-misunderstood, he just came from US and mga liberated mga tao dun. I don't want to be taken advantage. Syempre, ang kulit lang ng utak ko kasi kung anu-ano naiisip ko. Haha...
Habang naglalakad, napapatawa ko sa mga iniisip ko. Parang baliw lang. Hindi ko man lang napansin sina Rhona at Jane na nakatambay sa isang bench sa lobby ng school.
"Uy, uy Alexis, snobbed!? Ok ka lang!? Tumatawa tawa habang naglalakad... Inlove sya" tukso sakin ni Jane habang nakaharang sa dinaraanan ko.
Natulala lang ako sa kanya at biglang natawa.
"Ay, baliw nga! At saan ka naman papunta nyan? Don't tell me hindi mo alam wala si Sir dela Cruz today" pang-aasar naman ni Jane
Then I finally get back to myself pero tumatawa pa din. (Hahaha)
"Rona, Jane nakakaloka kasi talaga ng umaga ko, na-meet ko na yun anak ng amo ni Papa. Yung galing ng states"
"And so!?" sabay nilang tugon
"Remember, yung kinuwento ko sa inyo na cute na guy sa jeep na kinainisan ko dahil ayaw iabot yun bayad ko?" They are the same person at nakilala nya ko.
"Oh my God Alexis, bawas-bawasan mo kasi pagtataray mo kasi di mo alam na pwede may mangyari na ganyan. Maliit lang ang mundo. So, umamin ka ba!?" tanong ni Jane.
"Aba, syempre hindi noh! And thank God kasi parang na-convince ko naman sya sa sinabi ko na hindi ko pa sya nakikita ever. Saka alam nyo ba nakakainis lang kasi naka-trunks lang sya nung humarap sakin. Eeehwe, hindi ako natuwa. Parang gusto ko tumalikod kung hindi lang talaga ako nahihiya kay Papa at Mr. Hale"
Habang salita ako ng salita, itong si Rhona at Jane biglang nabaling ata sa iba ang tingin. Tila ba may nakitang artista o di kaya anghel.
"Oh my God" sabi na naman ni Jane, Ngumuso naman si Rhona sa likuran ko.
Dahan dahan naman ako pumihit para lingunin. Hala! It's Jansen approaching... parang pakiramdam ko tumigil ang mundo ng mga babaeng nasa lobby ng mga oras na iyon. Kasabay ang bilis ng tibok ng puso ko. At sa mga oras din na yun, parang gusto ko kumaripas ng takbo o bigla na lang mawala sa eksena. Eh bakit naman ako tatakbo sabi ko sa sarili ko!? Hindi ako affected sa kanya at isa pa kelangan ko nga pala sya bantayan sabi ni Papa.
I fix myself na parang deadma lang sa nangyayari sa paligid. Then, suddenly I found Jansen walking towards us. At pagkarating sa kinatatayuan namin ay...
"Hi Dan, ang bati sa kin ni Jansen." wow feeling close agad!?
"Alexis, magkakilala kayo?? tanong ni Rhona habang palipat lipat ng tingin samin dalawa
"Alexis? Oh, so you are Alexis here?" nakangiting tanong na sabi ni Jansen
"Sya yung..." tinakpan ko agad yun bibig ni Jane at tinitigan naman si Rhona ng masama para hindi na sumegunda pa.
"Ah... Si Jansen nga pala, sya yung anak ng amo ni Papa. Jansen, this is Rhona and this is Jane..." pakilala ko sa kanila.
"Nice meeting you Rhona & Jane. Ahm, Alexis, saan nga ba dito yun Registrar's office? I just need to pass my requirements. Transferee lang kasi ko." explain ni Jansen
Binigyan ko lang sya ng instruction then umalis na din sya agad. Ayoko nga mag-offer na samahan sya.
"Thank you Alexis. See you around!"
"You're welcome" sabi ko, then I gave him a "pilit" smile.
Tuwang-tuwa naman yun dalawa, akala mo nakakita ng artista. Kilig na kilig sila pero ako deadma lang. Hindi ko sya "type" sa isip isip ko lang.
"Grabe sya oh!, bakit hindi mo man lang sinamahan si pogi tapos sinama mo kami ni Jane. Kawawa naman yun tao. Alam mo naman bago lang sya sa school natin eh" reklamo ni Rhona
"Teka nga muna, eh bakit parang kontrabida ang dating ko ah. Hayaan nyo sya para matuto. Hindi porket pogi, eh to the highest level na yun concern nyo. Parang nakalimutan nyo na yun ginawa sakin nun ah." emote ko sa kanila
"Wow, parang grabe naman yun ginawa sayo. Patawarin mo na. Mukha naman friendly at mabait yun tao. Saka diba ikaw nga nagsinungaling ka na ikaw yun masungit sa jeep, hihihihi" kinikilig na bungisngis ni Rhona.
"Ok, let's move on na. Change topic na ha. Kelangan natin mag-prepare para sa audition." Dun tayo mag-concentrate muna & wag na natin pagtalunan si Jansen. Please... Gusto ko makapasa sa audition" paglalambing kong sabi sa kanila.