Chapter 5

22 4 0
                                    

Chapter 5

"Hello, is this France?"

Nanindig ang mga balahibo ko ng marinig ko ang boses na yun mula sa kabilang linya. Hindi agad ako nakapagsalita.

Ang dami na namang tanong na bumabagabag sakin. Wala ding lumalabas na boses mula sa akin.

Ilang segundo din akong napatahimik ng marinig kong magbuntong hininga sya at magsalitang muli.

"I know it's you. Babe, can't you go back here? Here with me. I really miss you. Please. Come back to me."

Napakasoft ng boses nya ngayon. Ganyang ganyan ang tono ng boses nya kapag naglalambing sya sakin. Lalo na nung bagong kasal pa lang kami. Ganyan nya ako kausapin pag dating nya galing trabaho at pagod na pagod sya. At ganyan din ang tono ng boses nya na hinding hindi ko kayang hindian kapag may hiniling sya.

Pero ngayon? Hindi ko alam. Gustong gusto ko ng bumalik sa kanya. Gustong gusto ko ng makasama at yakapin sya. Pero kung nung una pa lang sana, kung hindi nya sana ito pinatagal pa. Kung noong naka isang buwan pa lang ako dito sa Pilipinas, tumawag n sya at sinabi nya ang mga salitang yan. Siguro ay binalikan ko na sya. Kahit agad-agad. Kahit kinabukasan. Pero ngayon? Huli na eh. 

Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi din ako nagsasalita. Sya rin naman sa kabilang linya. Naririnig ko lang ang mga buntong hininga nya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano nga ba ang dapat? Nasaktan na kasi ako eh. 4 months yun. 4 na buwan nya kong binaliwala. Hindi nya man lang ako naisipang kamustahin o tawagan. 

Wala. Tas ngayon? Saka sya tatawag tawag at hihilinging bumalik na ako sa kanya. Pakshet. 

"Please France. Please." Narinig ko naman na paputol putol ang pagkakasabi nya nito. Umiiyak ba sya? Ha?

"I don't know Kurt. I really don't know." Sa wakas ay nagkalakas loob din akong magsalita.

Matagal bago sya ulit nagsalita. Naririnig ko lang ang pagbubuntong hininga nya at ang di nya siguro mapigilang paghikbi.

"I want you back. Please France. Ano bang dapat kong gawin para balikan mo na ko? Ni hindi ko man lang alam kung bakit ka biglang umalis. Ni hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta. Fuck. Nakakabaliw na wala ka dito France. I really miss you." Bakas pa rin sa boses nya na umiiyak na nga sya. Di ko rin mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. 

Pero dahil sa sinabi nya nagkalakas loob na din akong sabihin sa kanya ang lahat. Lahat ng hinanakit ko.

"You miss me? Really?" I said sarcastically. "Nung nandyan ako Kurt, nung nandyan ako, ano ba natatanggap ko mula sayo? Wala. Binabaliwala mo ko. Lahat na ng pagpapapansin nagawa ko na ata. Lagi kitang hinahantay makauwi, ipinagluluto kita. Dinadalhan kita ng lunch sa office mo. Pero ano Kurt? Wala, halos di mo ko mapansin. Ha." Napabuga na lang ako ng hangin. Ang sakit na sa dibdib. Nasasaktan na ko.

"France, you know our business. Mahalaga para sa akin ito. Sa amin."

"And then what? Ayaw mong mapabayaan yang business nyo, pero ako okay lang mapabayaan? Kasi alam mong mahal na mahal kita. Kasi alam mong kahit wala kang oras para sa akin, nandyan lang ako lagi sa tabi mo. Ano ako Kurt? Pampalipas oras mo? Mahal na mahal kita Kurt. Mahal na mahal. Sobra. Pero nakakapagod din pala." Hindi na tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko. 

Narinig ko naman muli ang pagbuntong hininga nya sa kabilang linya. Alam kong umiiyak pa din sya. Gusto ko ng matapos ang usapan namin na to. Baka bumigay lang ako. Ayokong masaktan lang ulit. Alam ko namang oras na bumalik ako sa kanya, ganun na naman ulit.

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon