Chapter 8

20 4 2
                                    

Chapter 8

"Please naman, samahan mo na lang ako. Wag ka ng umangal."

Naglakad na sya palayo. Nabato naman ako dito sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko sa mata nya ang lungkot. Kitang kita kong parang hinang hina sya.

Ewan ko kung anong naisip ko pero sinundan ko sya. Sigurado naman akong wala syang gagawin sakin e. 

Pumunta sya sa may park. Grabe napagod ako kakasunod sa kanya. Ang layo na nga ata ng narating namin sa paglalakad e. Kanina na sa may bar lang kami ngayon nasa park na. Paano nya kaya nalaman ang parke na ito?

Umupo sya sa isang bench. Lumapit naman ako sa kanya at tinabihan sya. Hindi ako nagsalita. Hindi rin sya nagsalita. Narinig kong nakailang buntong hininga sya. Sinusulyap sulyapan ko sya para tignan kung anong reaksyon nya. Pero wala. Nakatingin lang sya sa kawalan. Nagkibit balikat na lang ako. Baka may problema lang sya at gusto nya lang ng makakasama. Weird pero sige. Pagbigyan. Di naman ako ginantihan e.

After ilang minutes siguro ng pagtambay namin dun ay naisipan nya ding magsalita.

"Why's life so complicated." Napalingon ako sa kanya ng sinabi nya ito. Nakita ko na naman ang mata nyang parang sobrang lungkot. He sigh for the nth time.

Nakatingin lang sya sa malayo. Ako naman nakatitig lang sa kanya. Di ako nagsalita. Ayoko syang tanungin kung anong problema nya. Sabihin nya pa pakialamera ako. Kung gusto nyang magshare. Pwedeng pwede naman e. Handa akong makinig.

Pero hindi na sya nagsalita. Ilang minuto kaming nakatanga dun. Pero ayos lang, ang sarap ng hangin. Parang sa lugar na to hindi uso usok.

Pumikit pa ko at sumandal sa inuupuan namin. Dinama ko ang hangin.

"Tss. Mukha kang tanga. Papikit-pikit pa tas pangiti-ngiti." Napamulat naman ako ng marinig ko ang boses nitong lalaking katabi ko. Muntik ko ng makalimutang may kasama nga pala ko. Kala ko hangin e. Umayos ako ng upo at sinimangutan sya.

Bigla nya naman akong pinisil sa parehong pisngi dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "Araaay." 

"Tara na. Masyado kang pacute. Tanda tanda mo na e." Napangiti ako sa sinabi nya. Tumayo na ito.

"So, nacucute-an ka sakin?" I teased him. Tumayo na din ako at lumapit sa kanya.

"ASA." sabi naman nito. Bigla ko naman syang kiniliti sa baywang dahilan para mapatalon at mapalayo sya sakin. Napahagalpak naman ako sa tawa. "Ang cute." Tawa pa din ako ng tawa.

Lumapit naman ito sakin. "Sinong cute?" Sabi nito.

Tumigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya sabay ngiti. "Ako." Lumapad pa ang ngiti ko dahil nagkunot ang noo nya.

"Kapal." Sabi pa nito.

"Hoy ah! Ikaw kaya nagsabing ang cute ko." Ngumiti pa ko lalo sa kanya.

"Tss. Whatever. Edi cute." Nginitian ko sya.

"Tara na, balik na tayo. Hatid mo ko ha." Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso nya. 

Naramdaman ko namang nabigla siguro sya sa ginawa ko kaya tiningala ko sya, mas matangkad kasi sya sakin kaya tingala talaga. Nakita kong nanlaki ang mata nya. Saka lang nag sink-in sakin ang ginawa ko. 

Kumapit pala ko sa braso nya no? E di naman kami close. Nakaramdam ulit ako ng hiya kaya nagsimula na kong maglakad habang nakatungo. Di na lang ako nagsalita. Di rin naman sya nagsalita.

Naramdaman kong sumunod na sya sakin sa paglalakad. Medyo binilisan ko naman ang paglakad. 

"Hoy, wait nga." Sigaw nito sakin kaya lumingon ako sa kanya.

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon