Chapter 6

21 4 0
                                    

Chapter 6

Maaga akong nagising pagkasapit ng weekends.

Naunahan ko pa ngang magising si Lisa. Excited kasi ako ngayon.

Nakausap ko kasi ang mga kapatid kong nag-aaral dito sa Maynila. Gusto daw nila akong dalawin dito sa condo ko kaya ayun naexcite naman ako. Namimiss ko na din kasi sila ng sobra. 

Pagkabangon ko ay nagluto lang ako ng breakfast at nag-ayos ng sarili para lumabas. Pumunta ako ng supermarket para mamili ng pwedeng mga lutuin. Halos karamihin ng binili ko ay mga paborito ng mga kapatid ko. Alam kong namimiss na nilang kumain ng mga lutong bahay dahil sigurado akong di na sila nakakapagluto dahil sa sobrang busy sa school kaya gusto ko silang ipagluto.

I really love my siblings. Madalas kaming hindi nagkakasundo sundo pero talagang malalapit kami sa isa't isa.

Pagdating ko sa bahay namin ay gising na si Lisa at kumakain na sa kusina.

"Good morning." Bati ko sa kanya pagkapasok ko sa kusina.

"Wow, good mood?" Sabi nya pa ng patanong. I just smiled at her. Magtatanong lang yan ng magtatanong e.

"Lisa, my siblings will visit me here later. Help me to cook all of this please!" Unti unti namang namilog ang mata nya ng makita ang 4 plastic bags na punong puno lang ng mga pagkaing lulutuin ko. Sobrang dami na nun kasi halos apat na putahe plus dessert at may pasta pa. 

I just giggled when i saw her reaction. When she recovered ay ngumiti naman sya sakin. Ramdam na ramdam nya siguro yung nag-uumapaw na kaGV-han ko.

Tinulungan nya naman ako magluto and after i don't know for how many hours ay natapos din kami sa pagluluto.

"Grabe, napagod ako. Bakit ba kasi ang dami mong niluto?" Sumalampak naman sya sa sofa. Halatang napagod sya.

I smiled. "Namiss ko lang ang mga kapatid ko. And for sure, di na sila nakakakain ng lutong bahay kaya gusto ko silang ipagluto." Sabi ko naman sa kanya. 

"You really love them huh?" Parehas na kaming nakaupo sa sofa and napatingin ako sa kanya nung sabihin nya yun kaya nginitian ko sya.

"I just wondering, kung ganyan mo kamahal ang mga kapatid mo, you must really so much love your husband kaya mas pinili mo pang sumama noon kaysa manatili na lang dito sa Pilipinas. Your husband is really a dumb-ass for just letting you go." I looked at her intently. Minsan lang yan mag-english kaya nakakagulat pero really? She's my P.A pero di ko maipagkakaila na talagang matalino si Lisa. Akalain mong naisip nya yun. 

Di ako sumagot dahil totoo naman. I really love him so much. I really do.

Nang di na ko sumagot sa kanya ay tumayo na sya. Tumingin sya sakin. "Huy! Magdadrama ka na naman. Tawagan mo na yung mga kapatid mo. Tanghali na oh. Maliligo lang ako. Naku dadating yung kapatid mong pogi." Napasayaw sayaw pa sya habang papunta sa kwarto nya kaya binato ko nga ng unan. Pero di na umabot kasi naisara nya na ang pinto.

Napailing na lang ako habang ngumingiti. Ayokong mabad vibes ngayon kahit na naalala ko na naman ang asawa ko. I really miss him. Pero tama na muna siguro. I smiled bitterly bago tumayo at pumunta ng kwarto para tawagan ang mga kapatid ko.

--

"Ateee!" Tumakbo naman palapit sa akin si Chin at niyakap ako. Sinundo ko na kasi sila sa baba ng condo. 

Niyakap ko naman ito pabalik. Nang bumitiw kami sa pagkakayakap ay nakita ko na din si Brent na nasa likod nya. 

"Gumaganda at gumagwapo kayong dalawa ah." Sabi ko sa kanila ng nakangiti,

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon