Chapter 7

20 4 0
                                    

Chapter 7

Kakatapos ko lang magshower ng makita kong may tumatawag sa phone ko. Kinuha ko agad ito at tinignan kung sino, pero hindi nakaregister ang number nito. Pero dahil sa curiosity ay sinagot ko na din agad ito. Baka importante.

"Hello?" 

"Hi France!" Napakunot ang noo ko. Boses ng isang lalaki ang nasa kabilang linya. Sino kaya ito?

"Ahm, who's this?" I asked him.

"Ah this is Rence, France. I just want to invite you on my party sa Soiree bar ulit, dun sa kung saan tayo nagkakilala." He said.

"Hm, Anong meron?" Narinig ko naman ang pagtawa nya sa kabilang linya.

"It's my birthday." He said. Medyo nagulat naman ako. Ang ganda pa ng tanong ko birthday nya pala.

"Ah, ganun ba? Ngayong gabi na ba? By the way, happy birthday Rence!" I greeted him.

"Thank you. Oo ngayon na. So ano? makakapunta ka ba?" Tumingin ako sa wall clock and its 5pm. 

"Sige, I'll just get dress. Pupunta ako." I accepted na his offer. Nakakahiya naman. Naging nice naman sya sakin e. And he's really kind.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagbihis na din ako.

I wear a black above the knee sleeveless dress. I look simple here. Tama na tong ganito lang ang suot ko. Para di ako maging center of attraction dun.

Umuwi si Lisa ng probinsya namin. Gusto ko rin sana sumama para madalaw ko naman sila papa at mama pero dahil may trabaho ako this week ay hindi ako pwedeng sumama. Kaya mag-isa lang ako sa bahay ngayon.

Dumaan muna ako sa mall para bumili ng gift ko para kay Rence. Nakakahiya naman kasing hindi magbigay ng gift. Ang hirap pa ngang mamili kung ano bang ireregalo ko dahil hindi naman kami gaanung close kaya di ko alam kung ano ang mga gusto nya pero napagpasyahan kong bilhan na lang sya ng jacket. Nagustuhan ko kasi yung jacket ng sobra. Kung magkaayos lang sana kami ng asawa ko, bibilhin ko yun para sa kanya.

Halos mag na-9pm na  ng makarating ako sa Soiree bar. Hindi naman ganun karami ang tao. Siguro ay pinasara nya talaga itong bar para sa dito sa birthday celebration nya. Alam ko friend nya din ang may-ari nito e.

Hinanap ko naman si Rence para ibigay itong gift ko at batiin na din sya.

Nakita ko sya sa isang table at nakikipagtawanan. May mga kausap syang sure na friends nya. At dahil ayoko namang istorbohin sya dun ay mamaya ko na lang sya babatiin. Maaga pa naman. Di naman ako nagmamadaling umuwi kasi nga wala akong kasama sa bahay kaya pumunta na lang muna ako sa counter at umupo sa isa sa mga stool dun. 

May lumapit naman na isang waiter sakin.

"Drinks mam?" 

"One martini please." I said. Umalis din naman ito agad para gawin na ang drinks ko.

May bigla namang tumabi sakin kaya napatingin ako dito. Si Arbie Aragon. Ugh. Naalala ko yung ginawa ko sa kanya noon. Siguro kaya to andito para gumanti. Tsk.

Inantay kong kausapin nya ko o may gawin sya para makaganti pero wala. Ni hindi sya tumingin sakin. Nag-aalala tuloy ako. Baka nasapian na sya ng bad spirit. Pero imposible yun. Kasi bad spirit talaga ang meron sya.

Nakatingin lang ito sa kawalan at naghihintay siguro na may lumapit at humingi ng order nyang drink.

Maya maya ay bumalik na ang waiter dala ang drinks na order ko. Ibinigay naman nito ito sakin at nagpasalamat ako. Umorder na din si Arbie ng drinks nya sa waiter.

Ni hindi nya talaga ako pinansin o sinulyapan man lang. Hindi ko tuloy alam kung sinasadya nya lang iyon o di nya lang talaga ako napansin.

Napansin kong nakadami na sya ng iniinom. Ako naman dito nakatingin lang sa kanya. Buti nga at hindi nya napapansin. Pero syempre hindi naman yung over talaga makatitig.

 Ngayon ko rin lang napagtantong may itsura talaga ang kumag. E ayoko ng iexplain kung anong characteristic ng mukha basta may itsura talaga sya. Eee kaso baka hindi kayo maniwala kaya sige na nga. Oo gwapo sya. 

Hindi na ko umorder ng another drink. Medyo naweweirduhan kasi talaga dito bigla. Akalain mong hindi ako napansin? E ang ganda ko pa rin naman diba diba?

Napalunok naman ako ng makita ko syang inisang lagok yung laman nung shot glass nya. Ang adams apple nakita ko yun. Medyo mainit na dito. Ang dami na atang tao.

"France!" Narinig ko namang may tumawag sakin kaya napalingon ako at nakita ko si Rence papalapit sakin.

Hinalikan ko naman sya sa pisngi. "Hi Rence, Happy Birthday!" Bati ko ulit sa kanya. Iniabot ko naman sa kanya ang paper bag na naglalaman ng regalo ko.

"Kala ko hindi ka na pupunta e. By the way thanks sa gift. Anong laman nito?" Akmang bubuksan nya na sana ang paper bag ng pigilan ko sya.

"Ano ka ba. Wag mo namang ilabas dito. Sorry ha. Kahit na ang tagal kong nag-isip ng maiiregalo sayo, wala talagang akong maisip e. Di ko kasi alam ang mga gusto mo." Napayuko pa ko. Minsan lang ako mahiya aah. And nahiya talaga ako sa kanya ngayon.

Hinawakan nya naman ako sa magkabilang balikat kaya napaangat ako ulit ng tingin. "Ano ka ba, ayos lang." Inalis nya na din naman ang kamay nya sa balikat ko. "Teka ha, ilalagay ko lang ito sa safe place. Baka may magkainteres e." Sabi nya at tumakbo na palayo.

Umupo naman na ulit ako sa stool na kinauupuan ko. Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napalingon ako sa katabi ko. Si Arbie ang sama ng tingin. Nang magtama ang mga tingin namin ay nag-iwas sya ng tingin. Tinaasan ko naman sya ng kilay kahit na alam kong baka hindi nya na ito napansin.

"Tsk. halik halik pa sa pisngi." He murmured. Medyo mahina talaga yung pagkakasabi nya pero narinig ko pa din kahit na malakas din ang sounds dito. Halos ilang inches lang naman ang layo namin e. Di ko napigilang magtaas ulit ng kilay sa kanya.

"Problema mo ha?" Tanong ko. 

"Tss. Wala." Tumayo naman sya at hinawakan ako sa wrist. "Tara samahan mo ko." Hinila na lang nya ko bigla. 

"Hoy, ano ba san mo ko dadalhin?" Sabi ko sa kanya ng makalabas kami ng bar. Grabe. Kanina pa ko sigaw ng sigaw na bitawan nya ko at wag kaladkarin pero waepek. Di ako pinansin.

Binitawan naman nya ko saka hinarap.

"Please naman, samahan mo na lang ako. Wag ka ng umangal." Pagkasabi nya nun ay naglakad na sya palayo. Nakita ko sa mga mata nya ang sakit nung sinabi nya yun. Parang ang hina hina nya. Parang hindi sya yung Arbie na unang kong nakilala noon sa bahay ni Rence. Hindi yung Arbie na maingay.

Hindi ko tuloy alam kung susundan ko sya. May problema kaya yung kumag? Susundan ko sya o hindi?

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon