Chapter 9

15 4 0
                                    

Chapter 9

Kararating lamang namin galing sa isang mahaba habang byahe.

Quarter to 1pm na ng makarating kami dito sa Tagaytay. We also ate our lunch on a restaurant na nadaanan namin on our way here.

"Hi Arbie." Ang dami ng babaeng nakakasalubong namin na bumabati sa kanya. Eto namang mokong na ito e panay din ang ngiti. I just rolled my eyes. Di rin naman nila makikita kasi nakashades ako.

Pagkapasok namin sa studio na paggaganapan siguro ng photoshoot nya ay sinalubong agad sya ng isang babaeng napakaganda. Maputi ito at matangkad. Chinita eyes and ang amo amo ng mukha.

"Arbieee." Niyakap pa sya nito. Ang mukha naman ni Arbie priceless. Tumingin sya sakin at sumesenyas na paalisin yung babaeng nakayakap sa kanya. But i smirk at him. Haha. Di maipinta yung mukha e.

"Hoy hoy hoy. Patricia, tigilan mo yan si Arbie. Kaya takot na takot sayo yan e." May lumapit na beki sa kanila at hinila ang girl na yun mula sa pagkakayakap kay Arbie. So Patricia yung name nya.

I wondered, bakit naman natatakot si Arbie dun sa pretty girl na sabi na din nung beki. As shown in his face a while ago, nakakatawa sa nakakatawa e. Haha. 

Mukhang di na nila napansin ang presensya ko dito sa gilid. Buti at observer si girl named Patricia kaya ayun napansin ako.

"Hey, who's her?" Tanong nung Patricia kay Arbie. Tinuro nya pa ko. Tss. Dahil di ulit nila makikita ay inirapan ko sila. Remember naka shades pa din ako.

Napatingin naman sakin si Arbie then he smile.

Mukhang wala syang balak akong ipakilala at ngingiti na lang magdamag kaya nagtanggal ako ng shades at ngumiti ng ngiting tagumpay. Mwahaha. Joke syempre pasweet na smile lang.

Lumapit ako dun sa Patricia na katabi nya yung beki at nilahad ko ang aking kamay. "Hi, Im France Ventura. Arbie's fr--" Bigla naman akong tinapik ni Arbie sa balikat kaya napatingin ako sa kanya at nailayo ko ang kamay ko na nakalahad sa dalawa.

Umepal naman sya at hinawakan ang kamay ko. "She's my girlfriend." He said habang nakangiti pa dun sa dalawa. I saw shock in there face. Nagkibit balikat na lang ako.

Pero after 14233 seconds ng pagbuffering ng utak ko ay narealize ko din kung anong sinabi nang kumag na to. Walang hiya. Girlfriend nya daw ako? Seriously? 

Bigla ko syang pinalo sa braso nya. "Hoy, anong girlfriend girlfriend ka jan. Gusto mong masapak ha?" I said at him.

Nang mapatingin naman ako sa dalawang nasa harapan namin ay from a shock face naging maaliwalas ang face ni Patricia. At ngumiti pa ng abot tenga. Tss.

Bumulong naman sakin si Arbie. "Di na lang nakiride e. Tss." Inis. Yan ang halatang halata sa boses nya. Pero inirapan ko na lang sya. Wala ako sa mood na makiride sa kanya. 

Kelan lang kami naging close tas pagpapanggapin nya pa kong girlfriend nya? E kung makarating sa pamilya ko? Sa asawa ko? Edi lagot. 

"You are France Ventura? Isa sa mga naggagandahang model na nasa billboard na attention grabber sa edsa ha ha?" Histerical na tanong nung beki sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya at nagnod. 

"Waaaa. Your very pretty neng." Neng? Kamusta naman daw yun? 

"Thanks." I said then smile. Tumingin naman ako kay Arbie at Patricia na nakatingin lang saming dalawa ni beki.

"By the way, aketch nga pala si Phoebe!" Nangingislap pa ang mga mata ni Phoebe kaya napangiti ako.

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon