Chapter 11

14 4 0
                                    

Chapter 11

Tulala na naman ako ng makarating sa company kung saan kinukuha akong endorser.

Pagkababang pagkababa ko mula sa kotseng si Lisa ang nagdrive ay napansin na siguro niya ang pagkabalisa ko kaya lumapit sya sakin at hinawakan ako sa braso bago pa ko maglakad dirediretso papasok sa building.

Lumingon ako sa kanya pero alam kong  wala akong kaemosyon emosyon sa mukha, di rin ako nagsalita.

"Gusto mo pa ba talagang tumuloy papasok jan?" Tanong nya sakin sabay tingin nya sa building na mataas.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Why should we not go?" 

"Wala naman, mukhang wala ka kasi sa mood." Sabi pa nito.

"Im okay." Pagkasabi ko nun ay kinuha ko na ang braso ko sa kanya at nagdirediretso papasok ng building. Humabol naman si Lisa sakin at sumabay na sa akin sa paglalakad. May sumalubong pa samin na sa tingin ko ay talagang naghihintay na sa pagdating ko.

May mga sinabi ito ngunit di ko na naintindihan, andyan naman si Lisa. Sya na ang bahala dun. Sumakay kami sa elevator. Nag-uusap sila Lisa at yung babae pero dahil sa nangyari kanina ay natutulala na lang ako.

"W-what are you doing here?" Tanong ko sa lalaking nakatayo na ngayon sa harap ng sofa ng sala ko.

"I'm just here France to look on you." He said.

"B-but why?" Kinabahan ako ng makita ko ang lalaking ito noong nakatalikod pa sya, pero medyo nakahinga ako ng maluwag ng malaman kung sino ito.

Akala ko.

Akala ko, ang asawa ko na. 

Pero hindi. Sya, ang lalaki ngayong nandito sa bahay ko ay ang kakambal ng asawa ko, Si Kyle.

"France, my brother called me last night. He wants me to look on you. You don't know how much he worries about you." 

Nang marinig ko ang mga sinabi nya ay namuo na ang mga luha ko sa mata. Standing in front of me, is the twin of my husband. Magkamukhang magkamukha sila. But still, they have differences. And I can really tell who's Kurt and who's Kyle.

Natulala lang ako sa harap nya, looking at him, talagang di ko mapigilan ang mapaluha. Magkamukha pa din naman sila ng asawa ko kaya ng makita ko si Kyle e parang bumalik lahat ng alaala naming mag-asawa.

Nagpatuloy sya sa pagsasalita, habang ako ay ganun pa din, napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko.

"France, balikan mo na si Kurt. Nana Josie told me that Kurt always go home drunk. Nag-aalala na nga daw sya sa kambal ko. Please, im begging you, come back to him." Sabi pa nito.

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa mata. When i heard what he said, ay naramdaman kong sumakit itong puso ko. Knowing what's happening to my husband makes me feel hurt.

"France." Bigla naman akong napalingon sa nagsalita, lumabas na si Lisa mula sa kwarto nya.

"Ay, I'm sor-" Nang makita nya bigla ang mukha ko ay tumakbo sya palapit sakin. "Oh my gash, France, why are you crying?" Niyakap nya ko kaya yumakap din naman ako sa kanya. Nakita kong tumingin sya kay Kyle.

"Kyle, please, kakausapin ko na lang si France. Tatawagan ka na lang namin kung sakali." Sabi ni Lisa in a calm voice. Tuluyan na kong napahikbi. I don't really know what to do anymore.

Gusto ko pang magmatigas, pero ng malaman kong umuuwing lasing lagi ang asawa ko, I feel so hurt. Di ko naisip na magkakaganito sya dahil sa amin.

"Okay Lisa, take care of France." Lumakad na ito papuntang pinto ng muling lumingon at magsalita. "France, please think of this. I hope magkaayos na kayo ni Kurt." Yun lang at lumabas na ito ng unit ko.

Napaiyak naman ako lalo ng umalis si Kyle. "Sssh, France stop crying." Sabi ni Lisa, pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.

*Ting*

Bigla namang nagbukas na ang elevator.

"Tara na-" Natigilan si Lisa ng makita na naman akong nakayuko na at humihikbi. "A-anong nangyari?" Tanong nito sakin. Bakas na sa boses nito ang pag-aalala.

Tiningala ko sya at pinunasan ang mukha kong may luha gamit ang panyo ko, at ngumiti sa kanya. "I'm sorry. May naalala lang ako." Nakita ko pa sa gilid yung babaeng nag aassist samin na mukhang nagtataka na din kung bakit ako biglang umiyak.

Lumakad na muli ako palabas ng elevator at sumunod na din ang dalawa sakin at di na rin sila nagsalita.

Nagpirmahan na kami ng kontrata sa HTF Company para maging endorser nila ng ilang mga beauty products. Maganda ang offer sakin kaya pumirma na din ako.

4pm ng makaalis kami doon kaya niyaya ko muna si Lisa na magmall para kumain.

"Ano bang dahilan at umiyak ka bigla kanina sa elevator ha? Mukha ka tuloy weirdo." Sabi nito sakin habang nag-aantay kami sa order namin.

"Lisa, Do you think, I should go back home now?" Nabigla naman ang reaksyon nito ng marinig ang sinabi ko. Tila nagprocess pa sa utak nya kung ano yung sinabi ko.

"You wanna come back home now?" She asked me.

"Duh, Im asking you nga diba?" I said. 

"Ano bang napag-usapan nyo ni Kyle kanina?" Tanong nito sakin. Tinitigan naman ako nito.

Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa mga taong naglalakad lakad sa labas ng restau kung nasaan kami.

"Hoy!" Lumapit pa ito sa tenga ko kaya napaurong ako ng bigla syang sumigaw. Pero hindi naman gaanong kalakas na sigaw. Yung kami lang at mga taong nasa katabing table lang namin ang makakarinig.

"Ayt! Nakakaasar naman ito e. Kailangang sumigaw ba talaga?" I rolled my eyes. Tss. Naiirita na naman ako.

"E ano nga kasing pinag-usapan nyo ni Kyle ha?" Tanong pa nito sakin.

"He said that Nana Josie told him that his brother always goes home drunk." Yumuko ako. Nagblublur na naman ang paningin ko. Pero bago pa tuluyang tumulo ito ay pinunasan ko na ng panyo.

Di naman nagsalita si Lisa kaya ng mapunasan ko ang mga luha ko sa mata ay tumingala na ulit ako para tignan kung anong reaksyon ni Lisa ng biglang may magtakip ng mga mata ko.

Undeserving LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon